- 6/13/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging sa Kakilin!
00:30Noong mag-convene ang impeachment court, nanumpa ang mga senador.
00:52Politically neutral dapat ang mga senador, batay na rin sa rules of procedure on impeachment na inadopt na rin nila dapat.
00:59Pag binasa natin yung rules of impeachment, ilang beses nakasulat ito na dapat maging pantay, dapat maging impartial, dapat walang kinikilingan.
01:10Hindi maganda na patuloy ang kanilang pakikipagtalastasan o pakikisama sa mga kaalyado nila na huhusgahan nila sa isang impeachment trial.
01:21Kahapon lang lang tarang naghayag ng suporta para kay Vice President Sara Duterte ang mga senator judge na sina Aimee Marcos at Robin Padilla.
01:30Harap-harap ang ipinapakita ang biases. Sana po igalang nila ang taong bayan at magpakita naman ng konting kahihiyan.
01:43Dahil ang sinisilihan nila ay ang taong bayan, hindi para sa isang tao lang.
01:48Sabi ni Prof. Paulo Tamase ng UP Law, kahit pa may kakampi sa politika, hindi anya dapat mag-aabogado ang mga senator judge para sa mga huhusgahan nila sa impeachment court.
01:59Hindi na anya kailangan ng code of conduct para dyan.
02:02Kasi ine-expect na natin na naiintindihan nila yun.
02:06At dahil nga mataas ang estado ng Senado sa ating constitutional government.
02:13Paalala ni Sen. Electito Soto bilang senator judge, dapat sundin ang anim na prinsipyo sa ilalim ng code of judicial conduct.
02:20Kabilang dyan ang integridad at impartiality o yung walang kinikilingan.
02:24Depensa at prosekusyon lang anya dapat ang naghahain ng musyon, hindi ang senator judge, na pwede lang daw magtanong ng klarifikasyon.
02:32Pag-uusapan ng House Prosecution Panel kung hihingi nilang mag-inhibit si na Marcos at Padilla.
02:37Iisa po yan sa aming pinag-uusapan kung anong hakbang ang amin dapat pong gawin dito.
02:44Isa pang kaklaruhin ng House Prosecution Panel ang utos ng impeachment court na pagtibayin ang Kamara ng 20th Congress na interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
02:53Sa katapusan pa kasi ng Kunyo ang simula ng termino ng mga nahalal sa 20th Congress.
02:58Kami ay magsusumiti ng klarifikatory para atis malinawan po kami sa kanilang aksyon.
03:06Dapat noong June 2 pa pinatawag na kami ng Senado.
03:12Dapat nandoon na kami tapos ito ay na-move noong June 11.
03:15So ano magiging epekto na mga itong mga ginagawa po ng Senado.
03:22Kaugnay naman sa summons ng impeachment court, ayon kay Vice President Sara Duterte, pinag-uusapan na yan ng kanyang defense team.
03:31Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
03:39Iginiit po ng palasyo na walang kinalaman si Pangulong Bongbong Marcos kung may kasunduan umano sa pagitan ni na Vice President Sara Duterte at Senadora Aimee Marcos na ibalik sa bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:53Pinalagan ng Senadora ang binanggit ng palace press officer hinggil sa umano'y mga taong manggagamit at handang magpagamit.
04:02Saksi, si Van Merina.
04:04Dahil ang kapatid mo ang nagpadala sa kanya sa Hague, ikaw ang magbabalik sa kanya sa Pilipinas.
04:18Usap-usapan ngayon ang pahayag na yan kahapon ni Vice President Sara Duterte na tila hostates daw niya ngayon si Senadora Aimee Marcos.
04:26Hanggat hindi nito napapauwi ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa The Hague sa Netherlands.
04:31Ang palasyo, hindi niya raw naghulat kung may ganitong usapan ng dalawa.
04:35Ang Pangulo ay hindi at walang partisipasyon sa kanilang naging kasunduan.
04:41The President is not a privy to the contract or agreement between a user and a person willing to be used.
04:52Hindi walang kinalaman ng Pangulo sa kontratang kanilang pinasukan, isang tao na manggagamit at isang taong willing magpagamit.
05:00Sinusubukan namin makuhang panig ng Vice Presidente.
05:04Sa pausama ni Senadora Marcos sa Facebook, tinanong niya, sigurado rin ba ang palasyo na sila pa ni Vice President Sara Duterte ang anilay user?
05:13Bukod dyan, pinag-uusapan din ngayon ang pagpapanutang ni Senador Robin Padilla ng Sara Aimee Tandem sa 2028 Presidential Elections.
05:21Magkakasama si na Padilla, Duterte at Marcos sa magnetipo ng mga OFW sa Araw ng Kalayaan sa Kuala Lumpur sa Malaysia.
05:27Si na Padilla at Marcos ay parehong Senador Judge sa impeachment trial ni Duterte.
05:32Dito sa Malaysia, nakikita natin ang dalawang babae na magpupuklog sa Pilipinas.
05:43Andiyang si Indra Sara Duterte at si Aileen Marcos.
05:47Yan ang totoong reconciliation.
05:55Si Robin Padilla sa 2028 campaign manager na on-hinday Sara Duterte at si Aileen Marcos.
06:05Nang tanungin si VP Sara Tumpol dito pagkatapos ng pagtitipon, sabi niya,
06:08Nag-mulat din ako sa Sara Aimee ni Sen. Robin at nung makikita sa stage si Sen. Aimee at dinanong siya ni Robin,
06:18uy ano ba yan, tapos sabi ni Sen. Robin, o basta umuho ka na lang.
06:23So hindi ko alam kung ano kata-isit ni Sen. Robin.
06:28Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Senadora Marcos ukol dito.
06:32Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina ang inyong saksi.
06:36Posible ilipat sa intensive care unit ang tatlong taong gulang na batang nasagasaan ng tricycle sa Maynila.
06:44Dalawang senior citizen naman ang patay matapos masagasaan ng motosiklo sa Cebu City at Davao City.
06:50Saksi, si Ian Cruz.
06:55Pagtakbo ng batang babae sa Felix Huerta Street sa Santa Cruz, Maynila.
07:00Siya namang pagdating ng tricycle.
07:02Biglang nag-break, tumumbah at nahagi pang batang tatlong taong gulang.
07:07Ginagamot ngayon ang bata sa ospital at posibleng ma-ICU.
07:11Pinakarak-crack po kasi yung ulo niya eh. Yung tinahipo yung ulo niya, kita na po kasi yung pinakabungo sa halos dito po.
07:19Kaysa atay niya, ano daw na?
07:21May pagdurugo daw po sa loob ng atay niya eh.
07:24Bukod sa bata, minor injuries ang tinamon ng tatlong sakay ng tricycle.
07:29Ang rider ng tricycle, makikita pa sa video na napada pa dahil sa panlulumo sa insidente.
07:36Ayon sa mga taga-barangay, napagbuhatan din siya ng kamay ng mga bystander.
07:41Parating busy at maraming dumaraan na sasakyan.
07:44Ito sa kahabaan ng Felix Huerta Street dito sa Santa Cruz, Maynila.
07:48Kaya naman umiisip daw ngayon ang pamamaraan ng mga taga-barangay para hindi na maulit ang aksidente.
07:54Siguro po mas maganda po yung pag-usapan namin sa Hamsport para merong minor po kung ano man sasakyan po yung dalaan doon.
08:02Ineimbestigahan ng Manila Police District ang insidente.
08:06Pero nagkaroon daw ng pansamantalang kasunduan sa pagitan ng pamilya ng biktima at rider.
08:12Kung sakali naman na hindi tutupad itong driver ng tricycle na ito,
08:17ay may pag-aarap siya ng kaukulang reklamo dito sa tanggapan ng taga-usig sa Luzon ng Maynila.
08:21Sa ngayon, hindi na raw makontakt ng nanay ng biktima ang rider.
08:25Kung sakali mo po hindi nila matupad, yung pinangako nila sa akin,
08:30ora mismo po ipakukulong ko siya.
08:32Sinikap ng GM ay integrated nyo sa makuhang panig ng rider,
08:35pero sabi ng kanyang misis na nakausap namin sa telepono,
08:38abala ang kanyang mister sa paghaharap ng dugo para sa operasyon ng bata.
08:43Sa Cebu City, patay ang 72 taong gulang na babae na nasa gasa ng motorsiklo.
08:49Hawak na ng Traffic Enforcement Unit ang 18-anyos na rider na isang India-Nasyonal.
08:56Inako ng rider ang gasto sa ospital.
09:00Sa Davao City, namatay rin ang 80-anyos na lulang nasalpok ng motorsiklo.
09:05Ayon sa mga polis, 14-anyos ang nakabanggang rider.
09:09Na itinakas lang umano ang motorsiklo sa kanilang bahay.
09:14Nakatakda siyang i-turnover sa Davao City Social Welfare and Development Office.
09:20Tumanggi magbigay ng pahayag ang mga magulang ng rider.
09:23Sa Santa Barbara, Pangasinan, AUV at motorsiklo naman ang nagsalpukan.
09:29Ayon sa mga otoridad, tinatahak ng AUV ang highway nang biglang mag-u-turn ng motorsiklo.
09:35Patay ang rider.
09:37Nakatakdang mag-usap ang driver ng AUV at pamilya ng biktima.
09:41Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz ang inyong saksi.
09:46Kinuyog at kinuryente umano ng mga kapwa-kasahero ang isang PWD na nangagat umano sa loob ng bus.
09:54Dahil po dito sinuspindi ng Transportation Department ang lisensya ng driver at ng kondukto.
10:00Saksi, si Joseph Moro.
10:05Sa video na kumakalat sa social media at inyimbestigahan ng Department of Transportation,
10:10nakikita ang isang nakaputing lalaki na nakautos sa dulo ng bus.
10:14Tumayo siya at tila lumabit sa nagbibideo habang pinagtitinginan siya ng ibang pasahero ng bus.
10:20Gumalik siya sa kanyang pwesto.
10:21Maya-maya itila na palapit ang nakaputing lalaki sa nagbibideo.
10:25Nagpatulong ang lalaki sa iba pang sakay ng bus para pigilan ang lalaki na tila di mapakali.
10:30Ang lalaki na tila umiiyak at ilang bes nagmakaawa, sinuntok at tinadyakan ng ilang pasahero.
10:37Maya-maya ay nasa lapag na ng bus ang lalaki.
10:47May humawak sa kanyang lieg at tila may narinig sa video na tunog ng kinukuryente.
10:53Hanggang sa tila, maitulak siya sa may pinto ng bus.
11:06Naalarma ang Department of Transportation sa insidente na nangyari noong June 9
11:10sa loob ng Precious Grace Transport sa edge sa bus carousel.
11:14Ang lalaki, isa raw 25-year-old na person with disability.
11:18This was a crime. Binugbog, hinuyo.
11:25Yung isang kababayan natin na may kapansanan sa loob ng isang bus.
11:31Krimen niya.
11:32Lumabas sa paunang investigasyon ng LTO na kapwa mga pasahero ang nambugbog sa PWD.
11:39Iniimbestigahan kung may gumamit nga ng taser o pangkuryente sa PWD.
11:43Ayon sa DOTR, may pagkukulang dawan driver at konduktor ng bus dito.
11:48Dapat nakialam ang konduktor. Driver, di ba yung makialam doon kasi nagpama niyo.
11:53Pero konduktor, dapat makialam niya.
11:55Dapat pigi ka. Pero based on our initial report, wulang ginawa yung konduktor.
12:01Sinuspindi na ng LTO ang driver's license ng driver at konduktor ng bus
12:06at pinagpapaliwanag na rin ang LTFRB, ang kanilang kumpanya.
12:11Nagpalabas ng Shokos Order ang LTFRB para sa pagdinig.
12:15Sa June 25, sinuspindi na rin ang LTFRB ng isang buwan ang sampung units ng Precious Grace.
12:22Itinanggi ng abogado ng kumpanya ng bus na hindi inireport ng driver at konduktor
12:26ang insidente sa mga otoridad.
12:29Kwento ng driver sa isinimintin itong pahayag sa LTO.
12:32May pasahero nagsumbong tungkol sa pangangagat ng isa pang pasahero.
12:36Nireport daw nila ito agad sa mga otoridad sa Main Avenue Station ng Edso Busway.
12:42Nakiusap daw sila sa Coast Guard na pababain ng lalaki pero hindi daw ito napababa.
12:47Sinabihan daw sila ng konduktor na ireport na lamang ito
12:50sa susunod na estasyon sakaling gumawa ulit ng eksena.
12:53Nang malapit na raw sila sa Buendia Station, nangagat daw ulit ito kaya inireport nila ulit ito.
13:00Sabi pa ng driver, pinagsabihan niya ang mga pasahero na huwag nang bogbugi ng PWD.
13:05Bagay na hindi raw nila sinunod.
13:07To my mind, iyong driver at saka konduktor, ginawa nila ang responsibilidad nila.
13:17We have to be educated, we have to understand na ganyan na ganyan.
13:23Hindi yan, hindi yan ano, mga aaway ng basta-basta nila.
13:30Pero kaya nang, kaya nang maintindihan, kaya nang ipaintindihan sa mga kababay.
13:37Tutulungan daw ng DOTR ang PWD at ang pamilya nito.
13:41Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, ang inyong saksi.
13:46Tatlong tulog na lang bago magbalik eskwela pero problema pa rin kung paano pagkakasyahin ang mga estudyante sa mga silid-aralan.
13:54At sa DepEd, may gitlimang milyong estudyante ang walang sariling ukuan.
13:59Saksi, si Mark Salazar.
14:00Huling araw na ng enrollment sa siyudad Nuevo Denaic Elementary School sa Naikavite.
14:09Ang kanilang enrollees umabot na sa halos 3,000 pero palaisipan ngayon kung paano sila pagkakasyahin sa 6 na classroom sa paaralan.
14:18Ito na dapat ang pinakahuling classroom sa pasilyo na ito pero dahil hindi nga sapat, kailangan nilang humanap na espasyo.
14:27At nakahanap nga naman sila sa pababang ito.
14:32Karagdagang espasyo para sa mga klase pa na kailangan nilang punan.
14:37Ang tawag nila dito, baby bus.
14:39Baby bus dahil tingnan nyo naman, courting bus.
14:42Pati pagkakasalan sa mga upuan ay parang bus.
14:45Pero ang espasyo na ito ay kailangan mag-house ng 60 learners sa bawat klase.
14:52E 50 lang ang upuan.
14:54So yung mga sosobra na wala ng sariling upuan, eh dito na lang, uupo dito.
15:00Basta magkasha lang sila at mairaos ang kanilang klase.
15:04Malayo ito kumpara sa ideal na 25 to 45 students per class.
15:08Kahit masigip, mahirap, eh ilang magtiis para makatapos ang mga anak namin.
15:15May three shifting din sila at dalawang araw na modular ang mga estudyante.
15:20Walang library, walang clinic, guidance office o canteen ang paaralan.
15:25Pero...
15:25Ang dalawang 10th classroom na ito ay dalawa sa apat na improvised na classroom na ginawa ng paaralan
15:32para pagkasyahin yung kanilang mga estudyante.
15:36Masyadong raw yung classroom na ito.
15:38Nakita nyo naman, ang nandito lang ay buhangin.
15:43At syempre, ang pahalaga lang naman, meron silang blackboard at mga upuan.
15:48Pero ang pinakamalaking challenge dito ay pagganitong tag-ulan.
15:53Dahil tumutulo daw ito, kita naman ang mga busas o, at umaanggi yung ulan.
15:59Kaya marami daw na eksena rito habang nagkaklase, nakapayong ang mga bata.
16:04Ang mga dayuhang volunteers sa Brigada Eskwela na Mangha dahil excited pa rin ang mga bata sa balik eskwela.
16:11Kahit mahirap ang situation nila, like, sobrang humble talaga.
16:16Sobrang masaya sila.
16:18Sinubukan naming makapanayam ang mga opisyal ng paaralan, pero wala raw silang clearance para magpa-interview.
16:24Pero anila, ganito ang kanilang sitwasyon dahil lumoburo ang populasyon sa lugar dahil sa relocation sites na itinayuroon.
16:32Sa buong bansa, mahigit 165,000 ang kulang na classroom sa mga pampublikong paaralan.
16:39Dahil dito, mahigit 5.1 million na estudyante ang iLearners o yung walang sariling upuan.
16:46Ang maraming factors din, siguro yung number one, yung budget na binibigay ko sa amin.
16:51Pangalawa ko, dahil lumalakas ko yung mga bagyo, yung mga galamidad, maraming nasisira.
16:57At saka yung pangatlo, yung aging o yung pagluluma ng mga ibang silid aralasyon.
17:02At saka yung pag-apat, yung paglakit po ng ating populasyon.
17:06Aminado ang DepEd na kailangan na ng tulong ng pribadong sektor para matugunan ang kakulangan sa classrooms.
17:12Sa ilalim po ng liderato ni Pangulong Bonggong na mag-public-private partnership.
17:18Kapag utang po tayo, tapos ililist natin from the private sector in the form of PPP.
17:24Kakulangan din sa silid-aralan ang problema sa ilang paaralan sa Dagupan City.
17:29Kasabay raw kasi ng tag-ulan ang high tide, kaya problema ang mga binabahang classroom.
17:35Sa Mangaldan Pangasinan, mga sirang armchair o upuan ang problema.
17:40Nasira kasi nung nakaraang school year ang karamihan sa mga plastic armchair.
17:44Sa ngayon, mahigit dalawang daan lumang upuan ang inaayos bago magpasukan.
17:49Bukod sa mga sirang upuan, problema rin ang pagbaha sa lugar.
17:53Kulang din ang classroom sa Kagamutan Elementary School sa Liganes, Iloilo.
17:58Sa ngayon, pinagahanda na ang gusali ng kalahi seeds para maging alternatibong classroom tuwing umuulan sa lugar.
18:05Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
18:11Humili nga ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng interim release
18:15o pansamantalang paglaya sa ICC habang hinihintay ang kanyang paglilitis.
18:20Saksi, si Salima Refra.
18:25Tanyong buon matapos makulong sa dahig na dalad,
18:28sinihini ngayon ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
18:32sa International Criminal Court o ICC
18:34ang kanyang interim release o pansamantalang paglaya.
18:38Ayon sa kanyang defense team, may isang ICC member country ng Pumayag na tumanggap kay Duterte
18:44para doon pansamantalang lumaya na susunod sa mga itatakdang kondisyon.
18:50Redacted o itinako ang pangalan ng bansa sa dokumentong ibinigay ng ICC sa media
18:55at pinohos sa kanilang website.
18:57Iginiit din ang defense team na hindi flight risk ang dating Pangulo
19:01at hindi na kailangang nasa kusudiya siya ng ICC para masigurong haharap siya sa korte.
19:06Dagdag nila hindi patuloy nagagawa si Duterte ng krimen,
19:10hindi lalahok sa anumang public engagement o hahawak ng pwesto
19:13o makikipag-ugnayan sa ibang tao maliban sa kanyang pamilya.
19:18Binanggit din nilang may humanitarian ground para pagbigyan si Duterte na 80 anyos na.
19:23Isinaan ang mga ito pero tinakpan din o niredact sa dokumento.
19:28Sa ilalim ng Rome Statue ng ICC,
19:31meron mga kalakaran ng isang nasasakdali ay maaring bigyan ng pansamantalang paglaya
19:37kung hindi naman siya flight risk, ibig sabihin, hindi naman siya tatakas.
19:44Dadaan sa proseso ang hiling na interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
19:50Ihinga ng kumentong prosekusyon ang mga pamilya ng mga biktima
19:54at maging ang ICC member state na pumayag-umano na kukupin si Duterte
19:59bago magdesisyon ang pre-trial chamber 1.
20:03Sinabi rin ang defense team na nagpahayag ng hindi pagtutulang prosekusyon
20:07sa pansamantalang paglaya ni Duterte sa hindi binanggit na bansa.
20:12Sa tugon ng Office of the ICC Prosecutor sa GMA Integrated News,
20:16sinabi nitong maghahain sila ng sagot sa pre-trial chamber 1
20:20sa hiling ni Duterte para sa interim release.
20:23Public version daw ang kanilang ihahain
20:26para malinaw na maihayag ang posisyon ng prosekusyon.
20:29Sa presiden, yung dati ng mga kaso,
20:33ang pinapakawalan o ang pinakondisyon na debis ng ICC,
20:36ang kaso nila, yung parang obstruction of justice,
20:40parang ganon.
20:41Pero kung ang kaso niya ay murder or crime against humanity
20:45walang umobla pa, kasi ang bigat ng kaso.
20:50Magkahalong galit at pangamba yung naranandaman po ng mga pamilya,
20:54talagang hindi kami makakapayag na mapagbigyan
20:58ang interim release na kapila ng Campo ni Duterte.
21:01Sabi naman ang ICC-accredited lawyer na si Atty. Joel Butuyan,
21:05may ibang dapat isaalang-alang bago pagbigyan ang interim release.
21:10Yung epekto sa mga witnesses, kung baka mamaya matatakot yung mga witnesses,
21:16kung siya ay marirelease.
21:19Sa impormasyong na kalap ng GMA Integrated News Research,
21:23hindi bababa sa 6 na akusado ang nabigyan ng ICC ng interim release.
21:29Para sa Malacanang, nasa ICC na kung pagbibigyan ng hiling ni Duterte.
21:34Pero pansin nila sa mga pinangako ng ganyang kampo.
21:38Mr. Duterte will not continue to commit crimes.
21:43So in one way or another, the council admitted that the president,
21:52the former president, had committed such crimes.
21:56Just a question.
21:57Sana lang po ay mapaniwala nila yung mga ICC judges.
22:00May mga pangako sa kanilang petisyon, ay masabing nagbibiru lang sila.
22:06At tulad na nangyari sa pangako sa jet ski.
22:09Para sa GMA Integrated News, sa Nima Refrain, ang inyong seksi.
22:15Ngayong nalalapit ang Father's Day, patok sa marami ang mga practical na regalo
22:19at mga personalized na handong para sa mga tatay.
22:22Saksi si Katrina Son.
22:24Tatay, Papa, Daddy o Taps.
22:31Iba't iba man ang ating tawag, yung isa ang kanilang ginagampanan.
22:35Ang pagiging haligi ng ating mga tahanan.
22:37At ngayong nalalapit na ang espesyal na araw para sa mga ama,
22:41handa na ba ang regalo para sa kanya?
22:45Ang mga nakausap naming tatay.
22:47Simple lang ang nais ngayong parating na Father's Day.
22:50Damit?
22:51Damit po, bakit po?
22:53Araw-araw rin susuot yun eh.
22:55Simple lang una, good health.
22:59Ligtas sila lahat ng mga anak ko, makagradulate sila ng pag-aaral,
23:04makakaroon ng magandang buhay.
23:07Pagmamahal sa pamilya.
23:09Para sa mawala man tayo sa mundo,
23:13nandun yung alaala nila na hindi nila makakalimutan.
23:16Patok sa karamingan ang personalized gift para sa kanilang tatay.
23:19Tulad ng modern gift na full-color 3D printed figure na ito.
23:24Mag-send lang sila ng picture sa amin.
23:26Kahit anong picture po, tapos gagawin namin siyang 3D figure.
23:29Parang noong time po na nausap ko yung mga camera,
23:32tapos picture na flat po,
23:34ngayon naman, in 3D na siya.
23:36You can never go wrong with pastries.
23:38Perfect na snacks para sa daddies ang pagkain tulad ng bento cakes at cookies.
23:42At kung medyo on a budget man,
23:45may mga not-so-expensive gifts pa rin na classic at mapakikinabangan.
23:50Sa Dagupan City sa Pangasinan,
23:52mabenta na ang mga sinturon, bag at pitaka.
23:56Sa halagang 150 pesos to 250 pesos,
24:00may regalo ka na sa inyong papa.
24:02Ang sumbrero, may mabibili na sa halagang 150 pesos.
24:06Mayroon ding mga sando o polo shirts na 100 pesos to 180 pesos lang.
24:13Ano man ang iyahandog sa ating mga ama,
24:15ang pinakamahalaga pa rin maibibigay na regalo
24:18ay ang ating pagmamahal at walang sawang respeto.
24:22Para sa Jimmy Integrated News,
24:25Katrina Soin, ang inyong saksi!
24:27Sakripisyo, redemption, at mga bagong simula.
24:38Ang mga ito ang naging sentro ng intense na finale
24:41ng Lolong Pangil ng Maynila.
24:43Nag-aagaw buhay ma noong una,
24:45pero sa sakripisyo ng ama niyang si Julio,
24:47si Lolong, himalang na buhay.
24:51Naging makahulugan din ang eksena
24:53kung saan ipinakilala ni na Lolong at Elsie,
24:55si Nabuchoy at Mimay, sa buhayan si Dakila.
24:59Ang cast at crew sabay-sabay na tinutukan ng finale
25:02sa kanilang viewing party.
25:05Di naman painful, pero alam mong merong klaseng bigat sa puso.
25:11I feel like this is not the end of Lolong.
25:14Hindi natin alam what's gonna happen in the future.
25:16Ito yung journey siya, titular.
25:18And I guess, yun yung pinaka-pinagpapasalamat ko sa show na to
25:22na napakarami kong natutunan dito.
25:25Salamat po sa inyong pagsaksi.
25:29Ako si Pierre Kangher
25:30para sa mas malaki misyon
25:32at sa mas malawa na paglilingkod sa bayan.
25:36Bula sa GMA Integrated News,
25:38ang news authority ng Pilipino.
25:41Hanggang sa lunes,
25:42sama-sama po tayong magiging
25:44Saksi!
25:45Saksi!
Recommended
35:40
|
Up next
17:48
25:00
20:05
28:26
29:01
35:56
38:43
29:14
34:15
38:05
37:49
21:49
17:07
39:43
34:46
28:24
37:27
34:51
37:32
38:14
38:36
30:41
36:25