Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/13/2025
Humiling ng interim release o pansamantalang paglaya ang kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kumiling ng interim release o pansamantalang paglaya ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
00:09Ayon sa kanyang defense team, isang ICC member country na raw, ang pumayag na kup-kupin si Duterte alinsunod sa mga itatakdang kondisyon.
00:18Ang pangalan ng bansa ay redacted o itinago sa dokumentong ibinigay ng ICC sa media at pinost sa kanilang website.
00:25Iginit din ang defense team na hindi flight risk ang dating Pangulo at hindi na kailangang nasa kustudiya pa ng ICC para masigurong haharap siya sa korte.
00:36Dagdag nila, hindi patuloy na gagawa ng krimen si Duterte.
00:41Hindi rin siya lalahok sa anumang public engagement o hahawak ng pwesto o makipag-ugnayan sa ibang tao maliban sa kanyang pamilya.
00:49Binanggit din nilang may humanitarian ground para pagbigyan si Duterte na 80 anyus na.
00:54Sinabi rin ang defense team na naghahayag na ng hindi pagtutol ang prosekusyon sa pansamantalang paglaya ni Duterte.
01:03Sa tugon ng Office of the ICC Prosecutors sa GMA Integrated News, sinabi nitong maghahain sila ng sagot sa pre-trial chamber 1 kaugnay nito.
01:12Public version daw ang kanilang iyahain para malinaw na maihayag ang posisyon ng prosekusyon.
01:18Sabi ng coordinator ng mga biktima ng drug war, hindi sila papayag sa interim release ni Duterte.
01:25Puna naman ang palasyo, tila pag-amin sa krimen ang nakasaad sa petisyon na hindi naggagawa ng krimen si Duterte.
01:32Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
01:38Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended