00:00Sa winter sports, punteria ng Filipina bobsledders na sina Philippine Coast Guard ASW Rea Pitogo Sumalpong at ASW Shirley Salamagos na magkwalipika para sa nalalapit na 2026 Milano Cortina Winter Olympics.
00:15Kinumpirma mismo ng Philippine National Bobsled Luge and Skeleton Association nitong Martes na sasabak sina Sumalpong at Salamagos sa tatlong qualification bobsled races sa North America ngayong taon.
00:28Matatandaan naman na nito lamang Prebrero ng gumawa ng kasaysayan ng bobsled duo matapos na masungkit ang silver medal sa two women bobsleigh ng International Bobsleigh and Skeleton Federation event na Korea Cup 2025 na ginanapta sa Pyeongchang, South Korea.