00:00Pagpapahalaga sa kalayaan, yan ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa selebrasyon ng ikaisandaan at 27 taong anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas.
00:14Ayon sa Pangulo, dapat bigyan ng halaga ang ipinaglaban ng mga bayani at ating ninuno na nagbuis ng buhay.
00:22Bilang ganti sa mga lumaban sa kalayaan, kailangan ibalik natin ang pagservisyo sa inang bayan.
00:30Not just by remembering the sacrifices of our forefathers. We must live with the same courage and love of country.
00:38For freedom is not just something that we inherit, but a right that we must protect every single day.
00:46Kaya ngayong araw, habang ipinagdiriwang natin ang ating kalayaan, lalo natin paigtingin ang pagmamahal at paglilingkod sa ating minamahal na Pilipinas.
00:58Iginit din ang Pangulo na ang totoong kalaban ng kalayaan ay mga manhid.
01:02Ngunit, ang kalayaan at ang demokrasya, tulad ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
01:09kailangang inaalagaan, binabantayan at ipinaglalaban.
01:14Dahil ang totoong kalaban ng kalayaan ay ang pagiging manhid.
01:21Manhid sa hinayin ng taong bayan, manhid sa kalagayan ng ating kapwa, manhid sa kapanganan ng ating bansa.
01:31Hinimok ng Pangulo ang mga lingkod bayan na tuparin ang mga tungkulin para mapalaya ang taong bayan sa mga hamon.
01:37Pananagutan, yan ang sigaw ng sambayana.
01:43Mula sa sirang tulay, kalsada, mahal na pagkain, kakulangan ng kuryente,
01:49ang nais ng taong bayan ay tunay na pagkilos at napagsirbisyo.
01:55Ang solusyon ay ang pagpapaginhawa ng buhay ng bawat isa.
02:00Bilisan ang pagtugon sa mga ngailangan ng ating mga kababayan,
02:05taasan ang kalidad ng servisyo at iwasto ang ating pagkukulang.
02:11Pananagutan natin, hindi lang ang mga umaabuso sa tungkulin,
02:17maging ang mga nagkukulang sa paglilingkod.
02:21Dahil mas madadaman ang Pilipino ang kalayaan kung may pagkain sa hapag,
02:26may maayos na transportasyon, may gamot para sa mga may sakit,
02:31at may dignidad ang bawat manggagawa.
02:35Hinikayat naman ang Pangulo ang publiko na maging mapanuri
02:38sa harap ng paglipanan ng fake news at misinformation.
02:42Hiling din niya na manatiling tapat kahit walang nakakakita,
02:46maninindigan at piliin ang pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.
02:50Pinangunahan ng Pangulo kasama sina First Lady Lisa Araneta Marcos,
02:54Ilocos North 1st District Representative Sandro Marcos,
02:58Joseph Simon at William Vincent Marcos
03:00ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Luneta Park.
03:04Nag-alay din siya ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal
03:08na isa sa mga lumaban para sa kasaringan ng bansa.
03:12Si Senate President Francis Escudero naman ang nanguna
03:15sa pagdiriwang sa Baraswain Church sa Malolos, Bulacan.
03:19Sumentro ang kanyang mensahe sa halaga ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
03:23Si Defense Undersecretary Pablo Lorenzo ang nanguna sa aktividad
03:28sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolución sa Manila North Cemetery.
03:33Dito nakalagak ang mga labi ng mga veterano ng himagsikang Pilipino.
03:38Ipinunto niya ang hakbang ng pamahalaan
03:40para protektahan ang teritoryo ng Pilipinas lalo na sa West Philippine Sea.
03:45Si Senador Loren Legarda ang dumalo sa pagdiriwang sa pamintuan
03:51mansion sa Angeles City, Pampanga.
03:53Naging headquarters ng katipunan ang makasaysayang gusali
03:57noong Philippine-American War.
03:59Nag-alay din ang bulaklak ang sangguniyang panlungsod
04:02sa San Jose del Monte, Bulacan sa bantayog ni Gat Jose Rizal
04:06sa New Government Center bilang pakikiisa sa araw ng kalayaan.
04:10Sa San Juan City, pinangunahan ni na San Juan City Rep. Bel Zamora
04:15at San Juan City Mayor Francis Zamora
04:18ang selebrasyon sa pinaglaban ng shrine.
04:20Dito unang lumaban ang mga katipunero sa persa ng mga Espanyol
04:24na naging hudyat ng revolusyon.
04:27Nag-alay naman ang bulaklak sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio
04:30sa pangungunan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City
04:34at ni DILG Undersecretary Omar Alexander Romero.
04:38Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.