Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/12/2025
[Trigger warning: Sensitibong video.]


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babae sa Marilao, Bulacan na tinaga sa mukha. Siya ang napuruhan sa pag-atake sa kaniyang menor de edad na pinsan ng amain nito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babae sa Marilao, Bulacan na tinaga sa mukha.
00:05Siya ang napuruhan sa pag-atake sa kanyang menor de edad na pinsan ng amain nito.
00:10Nakatutok si Marisol Abduraman. Exclusive!
00:15Halos bumagsak na ang baba ng babaeng ito sa laki ng hiwa ng kanyang bibig.
00:20Kwento ng 16 anos na si Tonyo, di niya tunay na pangalan.
00:24Nagpunta siya sa bahay ng dating kinakasama ng kanyang ina sa Marilao, Bulacan kahapon
00:28para kunin ang kanilang mga gamit.
00:30Kasama niya noon ang kanyang 32 na pinsang si Ariel.
00:34Nang matapos na mag-ayos ng gamit si Tonyo, lumapit sa kanya ang kanyang stepfather.
00:38Tapos nagsabi po siya na patas na kami ng mama mo, tapos may hawak po siyang yung itak po.
00:44Bigla na lang daw siyang inundayan ng taga.
00:46Buti na lang po nakatakbo po ako, tapos binato niya po ako ng itak, pero hindi po ako tinamaan.
00:53Habang tumatakbo, sinisigawan doon niya ang pinsang si Ariel na naghihintay sa kanya sa labas ng bahay.
00:59Sumigaw-sigaw na po ako sa ati ko na, tara na po, tara na, tara na, hayaan mo na yung gamit ko.
01:05Tapos ayun po, na ano po siya ng tito ko, na ataga po siya ng tito ko sa bibig.
01:12Ako po yung dapat tatagain niya dapat, kaso yung ati ko po na damay lang po.
01:16Eh gusto niya lang po naman, natulungan lang naman po ako para iuwi yung mga gamit ko.
01:20Nataga sa mukha ang kanyang pinsan. Dinala sa ospital ang biktima.
01:24Hindi niya po kaya ibukay yung bibig niya kasi medyo law-law po.
01:28Hindi matanggap ng kinakasama ng biktima ang nangyari.
01:31Hindi ko po mapaliwanag. Nakatayo lang po ako, tas tinititigan ko lang siya.
01:37Gusto ko pong mabigyan ng hostesya siya kasi yun din po yung gusto niya.
01:41Sinulat niya po yung kagabi, kanina sa papel.
01:44Gusto niya ng hostesya, gusto niya makulong yun, gusto niya makulong habang buhay.
01:48Iniimbestigahan na ng Marilaw Polis ang nangyari.
01:52Inihahanda na ang mga reklamang frustrated homicide at attempted homicide sa suspect na hanggang ngayon ay pinaghanap pa rin.
01:59Nakuha po natin yung kitchen knife doon mismo sa crime scene.
02:03Opo, yun po yung ginamit ng suspect.
02:07Nagsasagawa kami ng hot force of operation para malukit natin ito at mahuli natin.
02:12O kapag pumipikit po ako, naaalala ko po yung mukha niya na nakatingin po sa akin na may hawak ng itak po, natatagayin po ako.
02:20Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.

Recommended