Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sugata ng isang driver matapos mabagsakan ng tipak ng semento ang kanyang sasakyan sa Naiya Expressway sa Paranaque.
00:07Balita natin ni Jamie Santos.
00:12Sa tindi ng sinapit ng SUV na ito, matapos mabagsakan ng mga tipak ng semento mula sa Naiya Expressway sa barangay Tambo, Paranaque City,
00:22hindi mo aakalaing makakaligtas ang driver nito.
00:25Basag ang windshield at nayupi ang bahagi ng hood at bubong ng sasakyan.
00:29Binabagtas ng SUV ang kahabaan ng Nia Road nang biglang bumagsak ang sementong nagdurugtong sa biga ng Expressway.
00:37Agad namang rumesponde ang rescue team ng barangay Tambo para bigyan ang paunang lunas ang biktima.
00:42Kwento ng ilang saksim mula sa kalapit na establisimento, nakarinig sila ng malakas na kalabog mula sa labas.
00:49Yung kochi po nakita po na namin, naglaga na po ng semento po.
00:54At tapos yung nakita po na namin yung lalaki po na yung driver po.
00:57So, yung naanam po yung ulo niya pero parang na-trauma po siya.
01:01Sa videong nakuha ng GMA Integrated News, makikita ang nakaupo sa sidewalk ang biktimang estudyante
01:07habang binibigyan siya ng paunang lunas ng rescue team.
01:11Nakatayo naman ito patungo sa loob ng ambulansya para madala sa ospital.
01:15Matapos ang insidente, agad ininspeksyon ang mga tauhan ng naiyaks ang lugar kung saan nangyari ang insidente.
01:23Ayon sa Skyway ONM Corporation, operator ng Naiya Expressway o Naiyaks,
01:29nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na otoridad at sa pamilya ng SUV driver upang maipagkaloob ang lahat ng kinakailangang tulong.
01:37Bagaman ito raw ay tila isang hiwalay at bihirang pangyayari,
01:41nagsasagawa na ng masusing inspeksyon ang kanilang maintenance team upang matiyak na walang iba pang panganib sa buong bahagi ng Naiyaks Carriageway.
01:50Sineseryoso raw nila ang insidente ito at sila raw ay nakatoon sa pagpapanatili ng kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kanilang kansada.
01:59Jamie Santos, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:07Outro

Recommended