Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Taglinis ang mga taoan ng Metro Manila Development Authority, MMDA,
00:04sa isang creek sa Caloocan, kung saan tambak-tambak na basura ang naipon.
00:09Live mula sa Caloocan, may unang balita si James Agustin.
00:14James?
00:18Ligan, good morning. Abala nga yung mga taoan ng MMDA ngayong umaga
00:21dun sa paglilinis sa mga basura na naipon dito sa Maligaya Creek sa Caloocan City.
00:27Bahagi po ito ng tinatawag na Bayanihan sa Estero, isang programa ng ahensya
00:32para malinis yung mga daluyan ng tubig sa Metro Manila para maiwasan ng pagbaha.
00:37Sarisaring basura ang inabutan ng mga tauhan ng Flood Control and Severage Management Office ang MMDA.
00:42Pinakamarami yung mga styrofoam, may plastic cups at bottles din.
00:46Sa dami nga ng basura, hindi na ito kinakaya ng trash boom na nakalagay sa creek.
00:51Sabi ng MMDA, paulit-ulit na nilang nililinis ang creek pero hindi pa rin maubos-ubos sa mga basura.
00:55Ngayong umaga, nagtungo rito si MMDA General Manager Procopio Lipana
01:00at panawagan niya dun sa mga residente maging responsable sa pagitapon ng mga basura.
01:05Ayon naman dun sa mga residente na nakausap natin, matagal na nilang problema ang mga basura na iipon sa creek,
01:10lalo ng kapagtag-ulan. Nagdudulot daw ito ng pagbaha at pinapasok ng tubig ang mga bahay na malapit sa creek.
01:15Ang mga bahay po dyan, dali nga dyan sa basura. Maabot pa yan hanggang doon sa kalikitnaan ang basura.
01:25Ngayon ang tubig ngayon, hindi nakakalabas dito. Umaahon ngayon ng tubig.
01:31Kailangan yan, lagyan ng paskill na huwag na magtapo ng basura, sir.
01:37Kailangan mangyayari dyan araw-araw pag nagtapo ng ganyan, ganyan ang ganyan.
01:41Ang matagal na naman problema yan eh, yung basura na yan.
01:44Pag talagang malakas ang ulan, talagang pag bumapaw yan, siyempre dito lalo ba sa amin,
01:50kawawa yung nasa loob. At ako hindi ako kawawa kasi nasa third floor ako.
01:54Yung nandiyan sa loob, silang kawawa. Kasi saan lang nangpastao yung tubig dyan.
01:59Sa mga kababayan natin, lalong-lalong na yung mga nakatira sa malapit sa mga waterways,
02:05at nakikiusap tayo na sana ay maging responsable sa pagtatapo ng kanilang mga basura
02:10na iwasan na mataponan ang ating mga waterways sapagkat alam naman natin
02:16ating magkakaroon ng baha. Ang nakikita natin ay yung bundok ng basura.
02:26Samatala, Igan, ongoing ngayon yung paglilinis ng mga tawa ng MMDA.
02:29Gumamit na sila ng bako at marami-rami na rin yung mga basura na nakuha mula dyan sa creek.
02:35Pero ito'y bahagi pa lamang at ngayong umaga pa lamang ito sa datos na nakuha natin
02:41mula doon sa LGU, maging dito sa MMDA.
02:44Simula nitong weekend ay umabot na sa labing dalawang damtrak o labing dalawang tonelada ng basura
02:49yung nakuha nila mula dito sa creek na ito.
02:52Araw-araw naman doon yung sinasagawang paglilinis.
02:53Yung nga lang talaga, dito talaga yung natatambak yung mga basura na galing din
02:57doon sa ibang mga creek pa na nakaduktong sa bahaging ito ng Maligaya Creek sa Kaluokan.
03:03Yan ang unang balita. Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.

Recommended