Binigyan ni Pangulong Marcos ng 48 oras ang Local Water Utilities Administration para imbestigahan ang kawalan ng tubig-gripo sa palikuran ng ilang paaralan.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Binigyan ni Pangulong Marcos ng 48 oras ang Local Water Utilities Administration para imbestigahan ang kawalan ng tubig gripo sa palikuran ng ilang paaralan.
00:11Nakatutok si Mariz Umali.
00:16Hindi basta-basta ang problema tumambad kay Pangulong Gumbong Marcos ng inspeksyon niyang ilang eskwelahan sa Bulacan kahapon.
00:23Isang linggo na lang bago magpasukan, pero walang tubig gripo sa ilang palikuran ng mga paaralan.
00:28Ito ay usapin ng kalinisan, ng kalusugan, at ng dignidad ng ating mga estudyante.
00:36Paano sila makakapag-aral ng maayos kung ang mismong eskwelahan ay kulang sa batayang serbisyo?
00:42Kaya utos ng Pangulo sa Local Water Utilities Administration o LUWA.
00:46Agad magsagawa ng imbestigasyon.
00:49Sino-sino ang may pananagutan? Bakit walang tubig?
00:54At paano ito'y maibabalik bago magbukas ng klase sa susunod na linggo?
00:59May 48 hours ang LUWA para magsumiti ng initial report.
01:03Siniguro rin ang Pangulo na hindi maisasantabi ang kapakanan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
01:09Responsibilidad nating tiyakin na may maayos na pasilidad, sapat na suporta para sa mga guro,
01:15at sistemang gumagana dahil yan ang pondasyon ng isang ligtas, maayos, at efektibong edukasyon.
01:22Sa Quezon City, isa rin sa tinututukan sa brigada-eskwela ang kalusugan ng mga estudyante.
01:29Lalo ngayong balik sa tag-ulan ang pasukan at tumataas na naman ang mga kaso ng dengue.
01:34Siyempre kahit nalinis natin ito, dapat po tuloy-tuloy kasi ang pinagmumulang po ng dengue ay stagnant water.
01:40Pinapayagan po silang magpantalon, magsuot ng matataas na at mahahabang medyas
01:46para po hindi sila directly exposed para po sa anumang uri ng insekto.
01:51Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.