Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
Pinawalang-sala ng korte ang drag personality na si Pura Luka Vega sa isa niyang kaso halos 2 taon matapos ang kontroberyal niyang pagtatanghal sa awiting "Ama Namin." Ipinagpasalamat 'yan ni Pura Luka sa post online.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinawalang sala ng korte ang drag personality na si Pura Luca Vega sa isa niyang kaso halos dalawang taon,
00:08matapos ang kontrobersyal niyang pagtatanghal sa awiting Ama Nami.
00:13Ipiragpapasalamat niya ni Pura Luca sa kanyang post online.
00:16Nakatutok si Ian Cruz.
00:21Ito ang nag-viral at pinag-usapang performance ng Pinoy drag queen at social media personality
00:27na si Pura Luca Vega noong 2023 na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong
00:32matapos umani ng pamabatikos mula sa iba't ibang personalidad at mga grupo.
00:39Pero matapos ang halos dalawang taon, inabswelto ang drag performer.
00:44Base sa dalawampung pahin ng disisyon ni Manila RTC Branch 184 Judge Charina Zamonte Villanueva,
00:52bigo ang prosekusyon na patunayang nilabag ni Pura Luca o Amadeus Fernando Pagente
00:57sa tunay na buhay ang Article 201 ng Revised Penal Code at Anti-Cyber Crime Law
01:02nang mag-perform ito ng nakabises o Kristo at sumayaw sa saliw ng rock version ng Ama Namin.
01:10Bagamat nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkasala si Pura Luca,
01:14pinaalalahanan siya ng hwes na maging maingat sa pagpili ng medium o paksa ng kanyang mga pagtatanghal
01:19bilang isang drug artist at isaalang-alang ang lipunang kanyang kinabibilangan.
01:25Hindi raw ito para pigilan ang kanyang karapatan o umayin sa nakararami,
01:30baggus para ipakita o mano ang kanyang malasakit sa komunidad,
01:34lalo na sa konteksto ng social media na madaling i-record, i-upload at ipalaganap.
01:40Ipinababalik din ng korte ang 72,000 pesos na piyansang ibinayad ni Pura Luca para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
01:49Sa isang pahayag na ipinadala sa GMA Integrated News,
01:52sinabi ni Alex Irasga ng Ijos del Nazareno na isa sa mga nagkaso kay Pura Luca,
01:57iginagalang nila ang pasya ng husgado,
02:00pero nananatilian niya ang pag-asa nila na manaigang respeto at malawak na pangunawa
02:05sa mga banal na paniniwala at tradisyon.
02:08Patuloy daw nilang pinagsusumikapan na ipagtanggol ang kawastuhan ng pananalig kay Jesus Nazareno
02:13na dumaan sa paghihirap at ipinako sa Cruz para iligtas ang sandimutan.
02:20Sasangguni raw sila sa kaparean at abogado sa posibleng susunod nilang hakbang.
02:25Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
02:35Sampai jumpa.

Recommended