00:00Asado na mamayang gabi ang ikalawang laban ng Philippine Men's National Football Team sa AFC Asian Cup 2027 Qualifiers,
00:11kung saan makakatapat nila ang Tajikistan sa New Clark City Stadium sa Kapas, Tarlac.
00:17Target ng ating pambansang football squad na makuha ang kanilang ikalawang tagumpay sa torneo na matatandaang pinatapa ang Maldives
00:24sa score na 4-1 upang buksan ang kanilang kampanya sa qualifiers nito lamang Marso.
00:31Magiging crucial ang panalo na para sa Pilipinas, lalo na't kinakailangan na magtapos ang bansa sa top spot ng Group A para umabante sa AFC Asian Cup 2027.
00:43Ito rin ang unang larong pamumunuan ni National Team Assistant Coach Carles Cuadrat.
00:48Higit isang linggo mula ng lumisan ang Spanish tactician na si Albert Tapeyas bilang head coach ng ating Philippine Men's National Football Team.