00:00Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matibay na rerouting plans at kahandaan ng mga lokal na pamahalaan bago isagawa ang EDSA Rehabilitation.
00:11Sa vlog ng Pangulo, sinabi niya na kailangan ayusin muna ang plano bago ito simulan.
00:17Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapaliban ng nakatakdang pagsasayos ng EDSA.
00:25Ayon kasi sa Pangulo, malaking sakripisyo ang dalawang taong timetable ng EDSA Rehab dahil magdudulot ito ng mabigat na trapiko.
00:36Inanunsyo ko ang pansamantalang paghihinto muna ng EDSA Rebuilding Program.
00:41Ang sabi ko nga ay masyadong matagal naman yung dalawang taon para maabala ang mga kababayan natin.
00:46At hanggat wala akong nakikitang solid na mga rerouting plans at masiguro na handang-handa na mga LGU,
00:52Huwag muna natin gawin, ayusin muna natin ang plano.