Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/9/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagkilos protesta ang ilang grupo sa Senado para agarang simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:06At live mula sa Pasay, may ulat on the spot si Maki Pulido.
00:10Maki?
00:11Sa ilalim ng matinding init ng araw, nangalampag sa tapat ng Senado ang iba't ibang grupo,
00:17kabilang narito ang tindig Pilipinas, mamayang Liberal at Akbayan.
00:21Dismayado sila sa anilay pagkaantala ng pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
00:28Sinimula ng plano para sa rally na ito nang kumalat ang petisyon ni Sen. Bato de la Rosa na ibasura ang impeachment laban sa Vice.
00:36Pero kahit na so far, nakatakda ang convening ng impeachment court sa Merkoles, June 11,
00:42may halo pa rin daw kasing kaba na hindi simula ng impeachment.
00:46Pinuna nila ang pamunuan ng Senado sa anilay pagkakaantala.
00:49Kung sinimulan daw ito nung ifile sa Senado impeachment complaint, may panahon pa sana bago matapos ang 19th Congress.
00:56Panawagan nila, ihinto na ang transactional politics.
01:00Tama na raw yung mga maneuverings.
01:02Panahon na raw para gawin ng mga Senador ang tama.
01:05Bago matapos ang programa, dumating at nakilahok si ML Party List Representative Elect Laila de Lima.
01:11Mensahe niya kay Senate President Chief Escudero.
01:14Simulan na, agad-agad ang impeachment, huwag nang magteka-teka, maaari raw na magsagawa ng pre-trial sa 19th Congress
01:20at ituloy ang mismong trial sa 20th Congress dahil wala naman daw balakid na gawin ito.
01:27Huwag daw dapat gumawa ang Senado ng masyadong siksik na schedule na hindi madidinig ng tama mga bedensya sa impeachment case.
01:34Rafi?
01:35Maraming salamat, Maki Pulido.

Recommended