Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/9/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Panalo ang magkapatid na Yulo sa 2025 Asian Gymnastics Championships sa South Korea.
00:06Nakuhan ni Golden Boy Carlos ang ika-apat na sunod niyang gold medal sa floor exercises
00:12at tatlo pang bronze medal sa ibang events.
00:15Wagin naman ang silver medal si Eldrew sa vault finals.
00:20May unang balita si JP Soriano.
00:22Ang trademark na malinis at pulidong routine sa floor exercise ang naging susi ni Carlos Yulo
00:31para mapanatiling kampyon sa ika-apat na magkakasunod na taon sa Asian Gymnastics Championship.
00:39Gold medal ulit ang nakuha ng tinagoreang Golden Boy ng Philippine Sports
00:43matapos makakuha ng score na 14.600 sa floor exercise.
00:49Overall bronze medalist naman si Caloy sa vault, parallel bars.
00:54Gayun din sa individual all around kung saan ipinakita niya ang galing
00:57sa anim na magkakaibang aparatos gamit ang iba't ibang routines.
01:02Carlos, grabe yung floor exercise mo.
01:07Paano mo na-mainten yung dominance sa event na to?
01:12Lalo na after a long break of no competitions?
01:16Um, actually, um, wala po ako talagang, um, in-expect sa competition na to.
01:22Like, I just wanna test po yung sarili ko kung anong kakalabasan ng performance ko.
01:28And siyempre, yung, um, kaba po eh.
01:31Um, siyempre, after Olympics, um, ibang, ibang platform po yung Olympics kesa dito.
01:38Pero yung nag-co-compete po eh, na-loss of touch na rin ako siguro ng, um, sa competition.
01:46So, gusto ko po i-try and i, um, challenge yung sarili ko, uh, this competition.
01:55Two-time Olympic champion man.
01:57Marami raw ginawang adjustment si Carlos para sa Asian Gymnastics Championship.
02:01Nag-iba ng rules and, um, I had to make it, like, really clean po na routine.
02:10So, nag-focus po ako sa artistry and yung form ko in terms of sa, um, tumblings.
02:18So, dun po ako nag-focus sa quality ng movement, sa quality ng skills, sa quality ng landing.
02:25So, ayun po yung pinagtrabahuan ko po nung bumalik po ako.
02:29Nagtagumpay sa Asian Gymnastics Championship si Carlos sa kabila ng mga iniindang sakit sa katawan.
02:36Ah, ang dami kong, ang dami sumakit sa akin eh.
02:39Sumakit yung likod ko, sumakit yung, um, shoulders ko and yung leeg ko.
02:43Um, parang two weeks, almost two weeks, two weeks yung pagitan ng paggaling niya.
02:51Para sa presidente ng Gymnastics Association of the Philippines, OGAP,
02:54isang malaking karangalan ang pagkapanalo ng gold at bronze medals ni Carlos.
03:00I know what he's going through.
03:02So, for this, that he went to make the bronze, it's fantastic.
03:08You know, it's really congratulations, Carlos.
03:11Ang nakababatang kapatid ni Carlos sa si Eldreau,
03:15nakakuha ng silver medal sa Asian Gymnastics Championship para sa vault finals.
03:21Isang karangalan din daw ito para sa kanyang kuya.
03:24Of course po, of course.
03:27Bata pa po si Eldreau, marami pa po siyang mga competition na masasalian.
03:32And of course, marami pa po siyang may experience na magaganda.
03:36And also, marami pa siyang matututunan through mga competitions po na mangyayari sa kanya.
03:44Susunod na paghahandaan ni Carlos ang 2025 World Artistics Gymnastics Championship sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre.
03:51Ang kumpetisyong ito ay qualifying competitions para sa 2028 Los Angeles Olympics.
03:58Tinatanong ko yung sarili ko kung anong next goal ko, anong next para sa akin.
04:04Isa lang talaga yung sagot.
04:06Gusto ko talagang makapasok pa sa LA, makapag-compete pa, and i-boost lahat ng kaya ko bilang atleta.
04:17Ito ang unang balita.
04:19Ako po si JP Soriano para sa GMA Integrated News.
04:23Igan, mauna ka sa mga balita.
04:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
04:36Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News.

Recommended