Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Arrestado ang isang lalaking IT expert na nagbantang ipakakalat ang mga privadong video at pictures ng isang menor de edad na babae.
00:09Ang masasaylang material na kuha sa cellphone na ipinagawa sa suspect.
00:13May unang balita si Bea Pinlock.
00:18Pinasok ng mga operatiba ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang kwartong ito sa isang hotel sa Arayat, Pampanga.
00:25Pinadapa nila sa kama ang 26-anyos na lalaking ito na tanging tuwalya lang ang suot.
00:31Pinusasa ng lalaki at binasahan ng karapatan.
00:34Ayon sa pulisya, hinihintay sana ng lalaki ang 17-anyos na babaeng pinipilit umano niyang makipagtalik sa kanya.
00:42Base sa investigasyon, pinaayos ng biktima sa suspect ang nasira niyang cellphone noong 2024 hanggang sa makatanggap na umano siya ng pagbabanta mula sa lalaki.
00:52Recently lang po, nakatanggap po siya ng message from a stranger and ito po ay tinatakot siya or mayroon pong threat dun sa messages na ikakalat yung mga photos and videos niya with explicit content kung hindi susundin yung kanyang mga inuutos.
01:11Sa takot daw ng biktima, sumunod siya sa mga gusto ng suspect.
01:15Nagkaroon po sila ng four encounters sa isang hotel. During pagkatalik po nila ay kinukuhanan po ng video at yung lalaking suspect po ay nakatakip yung mukha habang yung victim po ay nakikita sa video.
01:32Ginawa rin umanong panakot sa biktima ng suspect ang mga nirekord niyang malalaswang video at litrato.
01:37Nang muling nag-aya ang suspect sa hotel, nagsumbong na ang dalaga sa kanyang ina na humingi naman ang tulong sa pulisya.
01:46Dito na isinagawa ng PNP ACG ang entrapment operation sa suspect na napagalamang nagtatrabaho bilang IT sa isang pribadong ospital at sumasideline bilang cellphone technician.
01:57According din po sa investigation natin ay may dalawang na biktima pa po ito which is nagre-reach out na rin po sa ACG office.
02:05Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng suspect na nakaharap sa mga reklamong grave coercion, grave threat at paglabag sa anti-online sexual abuse or exploitation of children
02:15at ilan pang mga reklamo na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
02:21Ito ang unang balita.
02:23Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:26Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:29Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.