Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/8/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kasagsaganang pagbuhos ng malakas na ulan itong biyernes ng hapon,
00:06dito sa San Jose del Monte, Bulacan,
00:08mabilis na tumaas ang tubig sa sapang ito sa barangay San Rafael 1
00:12at umapaw sa mga katabing bahay, pati ang railing ng tulay na sira.
00:17Kasabay ng pagragasa ng baha, ang sangkatutak na basura na natangay sa mga kabahayan.
00:22Agad na pasugod ang kapitan ng barangay at mga kagawad para tignan kung gaano nakataas ang baha
00:27at kung may nangangailangan ng rescue.
00:29Nagtanggal din sila ng matrosong humambalang sa mga lagusan.
00:33So in span of 30 minutes talagang sumobra na po laki yung tubig
00:37kaya hindi po namin sukatakalain na lalaki ng sobrang laki po yung tubig
00:44at babahain po kami ng sobra po.
00:47Kalaunan, kinailangang umatras ni Lakap dahil sa panganig ng pagtaas pa ng tubig
00:51at posibilidad daw ng pagkakuryente.
00:54Tumataas na rin po yung tubig sa mga breaker.
00:57Baka po kami po ay makuryente.
01:00So pinasara ba yung kuryente?
01:03That time po kasi medyo nagkakaguluhan na po kami.
01:08Ang ginawa na lang po namin talaga is before namin umalis,
01:11sinabi po namin sa mga kabahayan na patayin po nila yung breaker nila.
01:15Then nagchat na po kami sa Maralco na sana patayin yung mga kuryente
01:20dahil baka magkaroon ng problema.
01:22Pilit pang nagsasalba ng mga gamit ang mga residente,
01:26mayroon ding nakapag-ipon pa ng ipangangalakal.
01:28Kabilang sa pinaka-apektado ang bahay ni Michael
01:31na nawasak ang dingding at riprap at nabungkal pati ang sementong sahig.
01:35Abang bumabaha kasi kaya nasira yung bahay namin.
01:39Yung mga basura, doon tumama yung mga troso,
01:42tumama sa mga dingding kaya nasira.
01:45Natakot din po kasi kagaya nung last year po kasi na ano itong tulay eh,
01:49nasira po kasi dala yung bugso nung ulan din noong nakaraan.
01:54So yun din po, inisip din po namin yun.
01:56Kaya lang talagang syempre since wala naman kami ibang pupuntahan,
02:00hindi rin naman namin alam kung saan kami pupunta.
02:03So tinaas na lang po namin yung mga gamit namin.
02:06Putik talaga, burak nga eh kasi mabaho siya.
02:11Madumi po.
02:12Wala namang napaulat na nasaktan o kinailangang i-rescue.
02:16Ayon kay Cap Daluz, plano nilang maglagay ng trompa o alarm system
02:20na konektado sa CCTV para sa agarang babala sa komunidad
02:24sa oras na tumaas muli ang tubig,
02:26lalo't catch basin ng mga karating provincia ang kanilang lugar.
02:31Dahil din sa malakas na hangin ay nabuwal
02:33ang labing limang poste sa barangay Bulusan sa kalumpit noong ding biyernes.
02:37May lima pang posteng lumundo dahil sa malakas na hangin
02:39dahilan para mabalam ang supply ng kuryente.
02:42Ayon kay barangay Captain Danilo Marin,
02:44biglang dumaan ang malabuhawing lakas ng hangin na may kasamang ulan.
02:48Tila nagmukha raw mga domino ang mga poste.
02:51May nag-spark pa sa mga nabuwal na poste sa bukid na puno ng tubig.
02:54Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
02:56Sabi ng Meralco, naibalik na ang supply ng kuryente
03:00sa 3,000 na apekto ang customer sa barangay Bulusan
03:03alas 3 ng hapon kahapon.
03:05Sabi pa ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications,
03:08Josel Dariaga, 24 oras na kajuti ang kanilang matauhan
03:12para rumisponde sa anumang electricity service concern,
03:15lalo na ngayong nagsimula na ang tag-ulan.
03:17Ha, ha ha ha ha.

Recommended