Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/8/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi ba baba sa dalawang sako ng umunay shabu ang nalambat din ng mga mangisda sa Santa Cruz, Ilocos Sur?
00:07Kasunod yan ang mga nakuharing floating shabu sa Pangasinan at Bataan.
00:11Ayon sa Philippine Coast Guard, pareho ang pambalot ng mga nakuhang shabu sa Ilocos Sur sa mga nakuhang sa Pangasinan.
00:17Posible raw na inanod ang mga ito at nakuhan ang dalawang mangisda.
00:22Ipagpapatuloy raw ng PCG ang pag-monitor sa mga kalapit na baybayin.
00:26Inabisuhan din nila ang mga residente na mag-ialerto at mag-report kapag nakakita ng mga lumulutang na sako.
00:33Ayos sa Pidea, nasa mahigit siyam na raang kilo na ang mga nakuhang na shabu na nasa mahigit 6 na bilyong piso ang halaga.
00:40Sa Mariveres, Bataan, binigyan ng Police Regional Office 3 ng sako ng bigas ang mga mangisda na nag-turnover ng mga nakuhang lumulutang na sako ng shabu roon.
00:55Kung si outgoing Sen. Francis Tolentino ang tatanungin, kayaan niyang tapusin ang impeachment trial sa loob lang na isang buwan para hindi na tumawid sa 20th Congress.
01:10Pagtalima raw ito sa nakasaad na fourth wish sa konstitusyon pero may paglilinaw rito ang mismong sumulat niyan sa saligang batas.
01:19Nakatutok si Jonathan Andal.
01:21Ipinanukala sa Senado ang mas pinabilis o expedited impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
01:30na kaya raw tapusin sa loob lang ng labing siyam na araw o mula June 11 hanggang June 30 na huling araw ng 19th Congress.
01:39Sabi ni Sen. Francis Tolentino, pwede niya raw itong ipresenta bukas sa Senado.
01:42Pero para daw magawa yan, kailangang mapapayag ang prosecution na imbes na pito, gawin na lang dalawa ang Articles of Impeachment.
01:50No, yung dalawa doable na yun. Piliin na lang nila yung sa tingin nila ay meron silang sapat na ebidensya.
01:58Sa ganon, paraan ay talaga mapapabilis ito.
02:01Sinusubukan pa namin kunin ng komento rito ng mga kongresistang miyembro ng prosecution pero wala pa silang tugon sa ngayon.
02:07Paliwanag ni Tolentino, iminumungkahi niyang pabilisin ang trial dahil hindi anya ito pwedeng tumawid sa 20th Congress.
02:14Show me a provision in the Constitution, 1987 Constitution, that would point to the words carry over. Wala.
02:25Naging basihan niya ang salitang forthwith sa Constitution.
02:28Yung salitang forthwith ay command na naka-attach sa 19th Congress. Hindi po yung constitutional command sa 20th Congress.
02:39Iba ang pananaw rito ni Sen. Sherwin Gatchalian.
02:41Hindi ito matatapos ng isang buwan lang. Talagang tatawid ito ng 20th Congress.
02:47Sa Facebook, nagpost si Retired Justice Adolfo Azcuna na kasama siya sa framers ng 1987 Constitution.
02:54Sabi niya siya ang sumulat ng salitang forthwith na ang ibig sabihin anya agad-agad.
03:00May tuturing daw na matinding paglabag sa saligang batas kung ibabasura ng Senado ang Articles of Impeachment at hindi magtutuloy sa trial.
03:07Pero pwede raw itong baligtarin ng Korte Suprema o Senado ng susunod na Kongreso sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration.
03:14Sabi rin ni Azcuna, pwedeng tumawid sa susunod na Kongreso ang impeachment proceedings.
03:19Dahil hindi naman daw ito legislative power ng Senado, kundi constituent power.
03:24Umaasa si Azcuna na susundin ng mga senador ang mandato ng Constitution na ituloy na ang impeachment trial.
03:30Mabibigyan din daw nito ng due process at pagkakataon si Vice President Sara Duterte na ipagtanggol ang kanyang sarili.
03:37Paano kala naman ang isa sa mga prosekusyon na si Manili Rep. Joel Chua?
03:40Sana present sa kanilang presentasyon sa Merkulay sa mga bagong halal na senador
03:44para raw makapaganda ang mga ito kapag naging Senator Judge na sa susunod na Kongreso.
03:49Babala naman ang mga mambabatas kapag hindi natuloy ang impeachment trial.
03:52Kung maging malabnaw o lumabo ang impeachment proceedings, ilalabnaw lahat yan at mahihina yung tinatawag natin check and balance.
04:02I'm afraid that there's going to be an erosion of public trust in the Senate as an institution.
04:11Marami pong aalma dyan, marami pong mawawalan ng, if I may say, respeto sa Senado.
04:19Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
04:25Dahil sa lakas ang ulan, binahangil ang lugar sa San Jose del Monte, Bulacan.
04:30Nawasak ang mga bahay at isang tulay at nagkalat pa ang mga basura.
04:35At nakatutok doon live si Marie Zumali.
04:38Marie!
04:38Ivan, umaliwalas at bumuti na ang lagay ng panahon ngayon dito sa San Jose del Monte, Bulacan.
04:49At humupa na rin ang baha.
04:51Pero nitong biyernes lang ay umapaw pa ang sapang ito na aking kinaroroonan.
04:55Umabot hanggang dibdib ang baha.
04:58At nasira pa ang railing ng tulay na yon.
05:00Sa kasagsaganang pagbuhos ng malakas na ulan itong biyernes ng hapon,
05:07dito sa San Jose del Monte, Bulacan,
05:10mabilis na tumaas ang tubig sa sapang ito sa barangay San Rafael 1
05:13at umapaw sa mga katabing bahay, pati ang railing ng tulay na sira.
05:18Kasabay ng pagragasa ng baha,
05:20ang sangkatutak na basura na natangay sa mga kabahayan.
05:23Agad na pasugod ang kapitan ng barangay at mga kagawad
05:26para tignan kung gaano nakataas ang baha at kung may nangangailangan ng rescue.
05:30Nagtanggal din sila ng matrosong humambalang sa mga lagusan.
05:34So, in span of 30 minutes, talagang sumobra na po laki yung tubig.
05:39Kaya hindi po namin sukatakalain na lalaki ng sobrang laki po yung tubig
05:45at babahain po kami ng sobra po.
05:48Kalaunan, kinailangang umatras nila kap
05:50dahil sa panganib ng pagtaas pa ng tubig at posibilidad daw ng pagkakuryente.
05:55Tumataas na rin po yung tubig sa mga breaker.
05:58Baka po kami po ay makuryente.
06:01So, pinasara ba yung kuryente?
06:04That time po kasi, medyo nagkakaguluhan na po kami.
06:09Ang ginawa na lang po namin talaga is
06:11before namin umalis, sinabi po namin sa mga kabahayan
06:13na patayin po nila yung breaker nila.
06:16Then, nagchat na po kami sa Maralco na sana patayin yung mga kuryente
06:21dahil baka magkaroon ng problema.
06:23Pilit pang nagsasalba na magamit ang mga residente.
06:27Mayroon ding nakapag-ipon pa ng ipangangalakal.
06:30Kabilang sa pinaka-apektado ang bahay ni Michael
06:32na nawasak ang dingding at riprap
06:34at nabungkal pati ang sementong sahig.
06:37Abang bumabaha kasi, kaya nasira yung bahay namin.
06:40Yung mga basura,
06:41doon tumama yung mga troso,
06:44tumama sa mga dingding kaya nasira.
06:46Natakot din po kasi kagaya noong last year po kasi na ano itong tulay eh.
06:51Nasira po kasi dala yung bugso noong ulan din noong nakaraan.
06:55So yun din po, inisip din po namin yun.
06:57Kaya lang talagang syempre,
07:00since wala naman kami ibang pupuntahan,
07:01hindi rin naman namin alam kung saan kami pupunta.
07:04So tinaas na lang po namin yung mga gamit namin.
07:07Putik talaga, burak nga eh kasi mabaho siya.
07:12Madumi po.
07:14Wala namang napaulat na nasaktan o kinailangang i-rescue.
07:17Ayon kay Cap Daluz,
07:18plano nilang maglagay ng trompa o alarm system
07:21na konektado sa CCTV
07:22para sa agarang babala sa komunidad
07:25sa oras na tumaas muli ang tubig,
07:27lalo't catch basin
07:28ng mga karating probinsya ang kanilang lugar.
07:32Dahil din sa malakas na hangin
07:34ay nabuwal ang labing limang poste
07:35sa barangay Bulusan sa kalumpit noong ding biyernes.
07:38May lima pang posteng lumundo
07:39dahil sa malakas na hangin
07:41dahilan para mabalam ang supply ng kuryente.
07:43Ayon kay barangay Captain Danilo Marin,
07:45biglang dumaan ang malabuhawing lakas ng hangin
07:48na may kasamang ulan.
07:49Tila nagmukha raw mga domino ang mga poste.
07:52May nag-spark pa sa mga nabuwal na poste
07:54sa bukid na puno ng tubig.
07:56Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
07:58Sabi ng Meralco,
07:59naibalik na ang supply ng kuryente
08:01sa tatlong libong na apekto
08:02ang customer sa barangay Bulusan
08:04alas 3 ng hapon kahapon.
08:06Sabi pa ni Meralco,
08:07Vice President and Head of Corporate Communications,
08:09Josel Dariaga,
08:1124 oras na kajuti ang kanilang matauhan
08:13para rumisponde sa anumang
08:14electricity service concern,
08:16lalo na ngayong nagsimula na ang tag-ulan.
08:22Ivan, balik dito sa San Jose del Monte, Bulacan.
08:25Nagpaalala nga ang barangay sa mga residentes
08:27sa tamang pagtatapo ng mga basura
08:29para hindi bumara sa mga kanal
08:32at sa lagusan din ng tubig
08:33na siyang nagiging sanhi
08:34ng matinding pagbaha.
08:36At sa mga sandali pong ito,
08:37ay inaayos na rin yung railing
08:38dun sa tulay
08:39para masigurong hindi magiging delikado
08:41sa mga daraan.
08:42At yan ang pinakasariyong balita
08:43mula rito sa San Jose del Monte, Bulacan.
08:45Balik sa Ivan.
08:46Maraming salamat,
08:47Marie Zumali.
08:48Maraming salamat, Marie Zumali.

Recommended