Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/7/2025
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, June 7, 2025:

Epekto ng masamang panahon sa Zamboanga City

Kawad ng kuryente, kumislap at sumiklab dahil sa itinapon umanong plastic ng basura

Halos P4-B umano'y shabu, nakuha ng mga mangingisda sa iba't ibang baybayin sa Pangasinan

11 babae kabilang ang 3 menor de edad, nasagip sa swimming party na pambubugaw pala; 2 suspek arestado

Taas-presyo sa petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Men's volleyball team ng Letran Knights at Arellano Chiefs na tinaguriang "underdogs," pasok sa finals

13-anyos, nabuntis at ilang beses ginahasa ng lalaking 19-anyos; suspek, inaresto

Angelu de Leon, Bobby Andrews at Michael Flores, emosyonal na inalala si Red Sternberg

Tubo ng Maynilad, nasira; mahigit 350,000 customer sa Metro Manila, pansamantalang walang tubig

Bahay sa Mangaldan, Pangasinan, natupok

Maraming bahay, binaha sa Zamboanga City; ilang pamilya, inilikas

Low Pressure Area at hanging Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa bukas

16-anyos na lalaking nadamay sa habulan, patay matapos mabaril sa dibdib

Mahigit 160 artworks, gamit ng mga bayani at iba pang koleksyon, isinubasta

Filipino performers, nagpakitang gilas sa PHL National Day sa Japan; paghabi ng ating past, present, at future, tema ngayong taon

2-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo, wagi ng ginto sa Floor Exercise Finals ng 2025 Asian Gymnastics Championships

EA Guzman at Shaira Diaz, abala na para sa kanilang wedding preps; prenup shoot na kinunan sa South Korea, ipapasilip sa fans soon


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you so much for joining us today.
03:37Sabi ng Meralco, tumagal ng 7 oras ang pagkukumpuni bago na ibalik ang supply ng kuryente sa lugar
03:42sa mga naapekto kang residente at establishmento sa barangay poblasyon.
03:46Inaalam pa nila kung ilang bahay at establishmento ang apektado.
03:50Sabi pa ng polisya, biniberipika pa nila ang informasyon kaugnay sa tao
03:54na posibleng naghulog ng basura papunta sa high-tension wire.
03:58Pag meron tayong patunayan sir na taong nagbato ng basura,
04:03at the same time, we will file appropriate criminal charges against them.
04:10Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
04:17Kilo-kilo pa ang mga umanay-sabu na pinalutang sa dagat
04:20ang nasamsam sa pagsuyod sa iba't ibang baybayin sa Pangasinan.
04:24At ang kabuang halaga ng mga nalambat na droga ayon sa PIDEA, halos 4 na bilyong piso.
04:30Nakatutok si Jonathan Andal.
04:33Napasugod sa dagat ng Pangasina ng mga taga-Philippine Coast Guard.
04:41Pagbalik nila sa pier, bit-bit na nila ang mga puting sakon na ito
04:44na palutang-lutang daw sa tubig.
04:47Nang buksan, mga shabu pala na isinilid sa pakete ng durian at tsaa.
04:52Galing po kami sa ano sir, sa payaw.
04:54Nakakua po kami ng isa tapos tuloy-tuloy na po namin nakita na may nakalutang pa sa dagat.
05:03Kinarga namin.
05:04Tapos binuksan namin sir kung ano yung laman.
05:06Kala namin ng durian.
05:07Tapos laman pala sir, may kristal.
05:10Kung bakit na sa dagat, probably these drug syndicates were trying to pierce our porous seaports.
05:19So, they were trying to smuggle these dangerous drugs through our sea.
05:26Based on the packaging, most likely this came from the Golden Triangle area.
05:31Yan yung Myanmar, Thailand, and Laos.
05:34As to the group, we're still investigating kung sino.
05:38Kasi walang lumitaw na kukuha dun eh.
05:41Sabi ng PIDEA, ito na ang pinakamalaking halaga ng droga na nakuha sa dagat ng Pilipinas.
05:47Umaabot na kasi ito ngayon sa 588 kilos na nagkakahalaga ng halos 4 na bilyong piso.
05:54Nasa batang mga ito sa dalawang araw na pagsuyod ng mga otoridad sa dagat na sahop ng Agno, Bani, at Bolinaw sa Pangasinan.
06:01Mula noong Webes, sa tulong na rin ng mga mangingis na roon.
06:05Pero hindi pa raw tapos ang paggalugad nila.
06:07Nasa dagat pa rin eh.
06:09Andun din yung Philippine Coast Guard, yung Philippine Navy kasama yung mga ibang fishermen.
06:13And trying to retrieve pa yung mga lumulutang dun na sako.
06:19Pangalawang beses na ito ngayong linggo na may nakitang lumulutang na sako ng mga shabu sa coastal waters ng Pilipinas.
06:25Noong May 29, may nakita rin isa't kalahating bilyong pisong halaga ng shabu na lumutang naman sa dagat ng Masinlok, Zambales.
06:32Yung nakuha sa Masinlok, connected siya dito.
06:35Possible na yung waves, nadala niya yung ibang packs dun sa Masinlok.
06:43Sabi ng Pidea, sisirain agad ang mga nakuhang shabu bagong matapos ang hunyo.
06:47Bibigyan daw nila ng pabuya ang mga nagtimbre na mangingisda.
06:51Ang Coast Guard na una nang nagbigay ng parangal sa mga mangingisda sa Bataan.
06:54Pinarangalan natin sila to say thank you. We recognize na yung taong bayan ay mayroong malaking role na gagampanan sa law enforcement activities natin.
07:07Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
07:13Bistado ng NBI sa isang resort sa Bulacan, ang swimming party na pambubugaw pala.
07:19Nasa GIP ang labi isang babae kabilang tatlong minor de edad.
07:22Nakatutok si John Consulta.
07:24Aakalain mong simpleng swimming party lang ang nagaganap sa private resort na ito sa Marilaw, Bulacan.
07:35Sa isang gilid, magkakasama ang mga babae na pawang mga Pinay at mga lalaki kabilang ang mga dayuhan.
07:41Pero ayon sa NBI, front lang umano ito sa pambubugaw.
07:46Pero hindi alam ng mga umano'y bugaw.
07:48Ang mga kasama nilang parokyano ay NBI agents at mga banyagang undercover na nagpapanggap na costumer.
07:56Nang magkaabutan na ng pera,
07:58lumusog na ang mga tauha ng NBI Organized and Transnational Crime Division.
08:04Agad naaresto ang dalawang suspect.
08:06Nasa gip sa operasyon ang labing isang babae kabilang ang tatlong minor de edad na nasa kosterina ng DSWD sa Marilaw.
08:20Ayon sa NBI, ang entrapment ay kasunod ng sumbong ng isang NGO para masagip ang mga biktima na ibinubugaw sa halagang 3,000 hanggang 5,000 pesos.
08:31Dinadala nila ito sa resort para kunyari yung mga bata kahit makita doon ay parang nag-outing lang.
08:38At doon mamimili at doon na rin gagawin yung sexual activities.
08:43Kadalasan, mga parokyano nila ay foreign nationals, ang iba naman ay locals.
08:51Bukod sa pambubugaw, inirecord pa raw ang mga pangabuso at balaswang aktividad para ikalat online.
08:57I-bibidjohan kung kuna ng letrato at ikakalat ito.
09:01So yung ibinayad nilang between 3,000 to 5,000 pesos ay mababawit nila doon sa pagkalat ng sexual material na kinuha nila during the engagement.
09:14Naaarap ang dalawang suspect sa mga reklamang qualified human trafficking na walang tiyansa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.
09:22Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng mga naresto na ayon sa NBI ay nakakulong na sa binibid.
09:27Sige, labas mo na kayo.
09:28Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, nakatutok 24 aras.
09:35Panibagong oil price hike ang nakaambas sa mga motorista sa susunod na linggo.
09:39At sa tansya ng kumpanyang Uni Oil, 70-70 centimo ang posibeng dagdag sa kada litro ng diesel.
09:46At 30-50 centimo naman sa gasolina.
09:50Naon ang sinabi ng Oil Industry Management Bureau ng Energy Department,
09:54nakabilang sa dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang tensyon sa pagitan ng Russia at ng Ukraine,
09:59ang agam-agam sa supply sa Canada na dulot ng wildfires,
10:04at posibeng bawas sa imbentaryo ng langis sa Amerika.
10:08Mag-aharap sa final duel ng NCAA Season 100 Men's Volleyball Tournament,
10:21ang Letran Knights at Arellano Chiefs,
10:23na ilang taon ding naghintay para makabalik sa finals.
10:26Nakatutok si Martin Javier.
10:27Battle of the Underdogs.
10:34Yan ang tema ng finals ng NCAA Season 100 Men's Volleyball Tournament.
10:39Ang Letran Knights, pinataob ang number one team na Benyield Blazers.
10:43Habang ang Arellano Chiefs, tinalo ang number two seed na Mapua Cardinals.
10:49Ito ang unang beses na nakapasok ang Letran sa finals matapos ang labin-lamang taon.
10:55Sobrang saya kasi 15 years namin inintay ito.
10:58Yung last championship namin is 2009.
11:01And papasalamat ako dahil nakabalik kami sa finals this Season 100.
11:06Grabe yung confidence ko.
11:10Sobong ang taas na sa nangyayaking tayo sa nanalo kami ngayon.
11:13Na twice to beat, tinalo namin yung number one.
11:15Ang Arellano Chiefs, Season 93 huling nakapasok sa finals.
11:22Masaya pero siyempre ayaw pa namin mag-celebrate ng sobra kasi hindi pa ito yung main goal namin.
11:27Sobrang saya po na may pag-mangiyak-ngiyak po kasi po, noong Season 98 po, finals din po dapat kami.
11:37Kaso natalo po kami sa emis and then ganon din po noong 99.
11:40Kaya ngayon po sobrang saya po namin.
11:42Mapapanood ang Game 1 ng NCAA Season 100 Men's Volleyball Finals bukas June 8, 12 noon sa Phil Oil Center sa San Juan City.
11:53At live ding matututukan sa GTV at Heart of Asia.
11:57May livestream din sa social media pages ng NCAA Philippines at GMA Sports PH.
12:03Para sa GMA Integrated News, ako si Martina Vier. Nakatutok, 24 oras.
12:11Pustisya ang hiling na mga kaanak ng isang babaeng labintatlong taong gulang na nabuntis ng lalaking ilang beses daw nang gahasa sa kanya.
12:19Ang suspect nagtangkapang tumakas ng arestohin. Nakatutok si John Consulta, exclusive.
12:24Babasahan na dapat ng Miranda Rights ang inarestong may warat nang biglang itong tumakbo para takasan ng mga polis.
12:34Matapos ang ilang minutong habulan, inabutan din ang suspect.
12:38Karapatan, ikaw ay may karapatan manainik. Magsula lang ko no.
12:41Arestado ang 19-anyo sa suspect, isang construction worker na wanted dahil sa reklamong statutory rape.
12:47Ayon sa PNTPRO 4A, ilang beses daw ginahasa ng suspect ang isang 13-anyo sa biktima na nauwi sa pagbubuntis nito.
12:55Nangyari pala ito dito sa may Kalamba, Laguna.
12:58So, nung lumabas yung warant, tinanot ang polis natin, nahuli nila dito sa may Laguna.
13:05Depensa ng suspect sa reklamong isinampas sa kanya.
13:09Wala pong halong pamimilit yung ginawa po namin ng anak nila po, sir.
13:13Parehas po namin ginusto yung nangyari.
13:16Sana po mapatawad po nila ako.
13:19Di naman matanggap ng ama ng biktima ang sinapit ng kanyang anak sa kamay ng suspect.
13:24Sobrang sakit, sir.
13:26Sa ito ka lang, di na ako na lang po sa pagdadasal.
13:30Hirap na hirap ako sa anak ko, paano ko may babalik yung trauma na inapit niya.
13:35Takagang gusto ko mabulok ko sa ulo nga niya.
13:37Paalala ng PNP sa mga magulang.
13:39Hindi nila dapat basta-basta ipagkatiwala yung mga anak nila.
13:43Paalala lang po at dapat sana is ingatan nila itong mga batang ito.
13:50Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
13:55Magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman ni na Angelo De Leon, Bobby Andrews at Michael Flores
14:05ng pag-usapan sa Fast Talk with Boya Bunda, ang kanilang kaibigan at ko TGIS star na si Red Sternberg.
14:11May reunion project daw sana sa ang TGIS at may plano pa raw si Red na magbalik showbiz.
14:17Makitsika tayo kay Lars Anttiag.
14:19Emosyonal si na Angelo De Leon, Bobby Andrews at Michael Flores
14:32ng magkwento sa Fast Talk with Boya Bunda tungkol sa pumanaw nilang kaibigan na si Red Sternberg.
14:40Huli raw na kausap ni Bobby si Red noong May 22, limang araw bago pumanaw noong May 27.
14:48You know, he was working out. He was losing weight.
14:52He was very excited.
14:53He was very excited. Come home!
14:56Bago raw pumanaw si Red, naghahanda ito na bumalik sa Pilipinas para sa 30th anniversary ng TGIS
15:04at para subukan din muli ang pag-artista.
15:09Plano niyang bumalik dito. Plano nga niyang mag-artista ulit.
15:12Mingi pa nga na-advise sa amin ni Bob. Sino ba pwede kong kausapin.
15:16Meron talaga kami pinaplanong reunion project.
15:19May use na lahat ng logistics.
15:21Meron na eh.
15:22Everything.
15:22Meron na.
15:23And that was the reason why he was so excited to come home.
15:26To be honest, we were all looking forward to getting together.
15:30Matagal na naman yung nasinasabi. Nasana nga.
15:33Allow me to read.
15:34Mas naging emosyon na lang tatlo nang basahin ni Boy ang mensahe ng asawa ni Red na si Sandy
15:41para sa kanyang mga kaibigan at fans na patuloy ang pag-aabot ng pakikiramay.
15:48Kasi last time I talked to him, he was so excited about his munso.
15:54Kasi only Boy niya eh.
15:57The boy who calls him dadas?
15:58Yeah.
15:59Sabi ni Sandy.
16:00And then, at saka yun yung time na ini-enjoy niya yung fatherhood.
16:04Talagang, this is a different side of Red.
16:08Pero napalitan ang iyakan ng tawanan,
16:12nang alalahanin ang first impression kay Red at ang kakulitan ng kanilang kaibigan,
16:18na tinawag nilang friend at brother.
16:21Masungit.
16:24He's not the comedian na you see him.
16:28You realize that that's just the facade, yung sugit niya.
16:33But once you get past that, you couldn't ask for a more dedicated friend.
16:39Eh, once na naging comfortable na sa'yo, si Red.
16:41Oo.
16:42Ayun na.
16:43Talagang makikita mo na yung tunay na Red's turn.
16:45Ah, baka sila laki lang?
16:46Kasi tayo yun.
16:47Siyempre sa inyo, hindi.
16:48Hindi.
16:49Hindi ba makulit na siya eh.
16:50Actually, siya na yung si Kiko.
16:51Pular Santiago, updated sa Showbiz Happenings.
17:00Perwisyo ang dulot ng kawalan ng tubig ngayon sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite.
17:04Kasunod po yan ang nasirang tubo ng Maynila na natamaan umano ng ginagawang bagong palengke sa Tondo, Maynila.
17:11At nakatutok doon live si JP Serrano.
17:15JP?
17:16Pia, mga kapuso, narito po tayo ngayon sa isang bahagi ng Pretel Market sa Tondo, Maynila.
17:23Kung saan po makikita niyo natin sa aking likuran,
17:26ang nakapwesto po yung 2.2 meter diameter na trunk light pipe ng Maynila na aksidente pong tinamaan
17:33habang naguhukay ang kontraktor ng ginagawang palengke.
17:37Kaya nga po nag-anunso ng emergency water interruption ng Maynila at Pia, mga kapuso,
17:42at aabot nga po sa mayigit 350,000 na customers ng Maynila sa Maynila, Pasay, Paranaque, Las Piñas at Cavite,
17:50ang apektado na nagsimula alas 2 ng hapon kanina at inaasahang magtatagal alas 10 ng umaga bukas.
17:57Ayon sa Maynila at Pia, nag-deploy na sila ng mga trunk ng tubig sa mga apektadong residente tulad sa Maynila,
18:03pero sa ating pag-iikot, eh wala pa po tayong nakikitang maraming mga trunk na yan.
18:06Hindi pa malinaw kung paano nasira ang water pipe, pero ayon sa Maynila, primary o major trunk line ang tinamaan.
18:14Narito po ang pahayag ng taga Maynila na nakausap natin.
18:19Nag-announce din tayo ng emergency interruption from 2 p.m. today until 10 a.m. tomorrow morning.
18:26Nag-announce tayo na kasi need po natin ma-assess sa site kung ano po yung extent at lawak ng apektadong segmentong pipe,
18:33kung ano yung damage, kung ano yung lalim. So sa ngayon, ongoing po yung exploration natin, yung assessment natin,
18:39para po makapag-proceed tayo sa actual repairs.
18:41At pia, dito pa lang sa Pretil hanggang doon sa bahagi ng Bambang sa Tondo, Maynila,
18:51eh wala na pong tubig.
18:53At yung mga residente na kausap natin, kung meron man mahina na yung lumalabas,
18:57at nangangamba nga sila, baka daw magtagal pa nga pag-resume nito.
19:01At sabi po ng mga tiga Maynila, agad na maglaw po itong iimbestigahan.
19:04At itiyak na hindi na nga po mauulit ito at susuportan o bibigyan nila ng supply ng tubig ang mga residente.
19:13At yan muna ang latest. Balik po na sa iyo, Pia.
19:16Maraming salamat, JP Soriano.
19:22Nasunog ang isang bahay sa barangay Bari sa Mangaldan, Pangasinan, kanina umaga.
19:27Ayon sa Mangaldan Fire Station, umabot sa sunog sa ikalawang alarma.
19:32Romes Ponde, pati ang mga bumbero mula sa kalapit bayan.
19:37Inabot po ng magigidalong oras ang pag-apula at walang nasaktan.
19:40Inaalam pa ang halaga ng pinsala.
19:43Batay sa paunang investigasyon, short circuit,
19:46ang nakikitang mitya ng sunog na nagsimula sa isang silid doon.
19:50Hindi pa ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area malapit sa bansa,
19:57pero matinding baha ang dala nito pati ng habagat.
20:01Nakatuto si Darlene Cai.
20:06Ragasa ang baha sa kalsadang ito sa Talungon, Barangay San Roque, Zamboanga City.
20:11Mula pa kaninang madaling araw, matindi ang ulan doon,
20:14bunsod ng pinagsamang epekto ng habagat at ng LPA.
20:17Pinasok ng baha ang maraming bahay.
20:19Mahalaka!
20:20Abot lieg ang taas ng baha sa ilang lugar,
20:22kaya hirap makalusong ang mga residente.
20:24Nasa 54 na pamilya mula sa tatlong barangay ang lumikas.
20:28Wala pang ulat ng sugatan.
20:29Biniverify naman ang napaulat ng landslide sa isang barangay.
20:33We've been informed ni barangay,
20:34we've been hearing since last night to be on heightened alert,
20:38and we've been getting good feedbacks.
20:40We advise residents to take proactive measures.
20:44Sa Sultan Kudarat,
20:45buwis buhay ang paglambitin sa lubid ng lalaking yan
20:48habang tumatawid sa ilog.
20:51May mga pagkakataong sumasayad na sa malakas na agos ang isa niyang paa.
20:55Ayon sa mga residente,
20:57ang lubid lang ang nagsisilbi nilang tulay doon
20:59kapag tumaas na ang tubig sa ilog.
21:02Nasina na raw kasi ang dati nilang gamit na hanging bridge.
21:05Panawagan ng mga residente,
21:07magkaroon sana ng tulay.
21:11Stranded ang mga motorista
21:12sa lakas ng pagragasan ng baha
21:14sa National Highway sa bayan ng Sulop sa Davao del Sur.
21:18Umapaw ang Sapa Bunsod ng mga pagulan.
21:21Nakadagdag pa sa mabilis na pagtaas ng tubig
21:23ang mga bumarang kahoy sa Sapa.
21:25Sakto namang may bako roon
21:26na ginamit pantanggal ng mga kahoy.
21:29Humupa kalaunan ang baha.
21:32Sa sumisip Basilan,
21:34isang batang lalaki ang nasawi
21:35matapos matangay ng baha sa Tumahubong River.
21:39Sa lamitan sa Basilan,
21:40patuloy na hinahanap
21:41ang labing isang taong gulang na babaeng
21:43nalunod sa isang ilog.
21:44Patuloy pang nakakaramdam
21:46ng masamang panahon doon
21:47kaya pinag-iingat ang mga residente
21:49sa banta ng baha at landslides.
21:52Animo'y nagka-waterfall
21:54sa gilid ng bundok
21:55sa bahaging ito ng Manila East Road
21:56sa binangonan Rizal.
21:58May mga dumaus-dosning maliliit na bato.
22:01Bahagya pang nalubog sa baha ang kalsada.
22:04Buong maghapon makulim-limang panahon
22:06at umaambon-ambon sa Maynila
22:07pero ang mga nagtitinda
22:08o dumaraan dito sa Taft Avenue
22:10naghahanda at lalot bahay
22:12ng kalsada tuwing malakas ang ulan.
22:14Pag bumaha may laging umuulan
22:18kailangan may ano tayo
22:20may proteksyon yung paa natin sa baha.
22:23Masaya, na medyo naangamba
22:25kasi kung na sa lahat
22:26kikita kami mga tropa
22:28ang tatisikin sa hanap buhay
22:30naangamba para sa kamilya
22:31kasi yung kamilya ko na sa mga bahay lang.
22:34Nauna ng sinabi ng DPWH
22:35na tuloy-tuloy ang flood control projects
22:37na pamahalaan.
22:38Tuloy raw ang operasyon
22:39ng mga pumping stations
22:40tulad nitong sa Pasay.
22:42Inihanda na rin daw ng MMDA
22:43ang kanilang maintenance
22:44at cleaning equipment.
22:46Para sa GMA Integrated News,
22:48Darlene Kai,
22:49nakatutok 24 oras.
22:50Alamin natin ang latest
22:53sa binabantayang low pressure area
22:55at magiging lagi ng panahon
22:57mula kay Amor Larosa
22:58ng GMA Integrated News Weather Center.
23:01Amor?
23:03Salamat, Ivan.
23:04Mga kapuso,
23:05magtutuloy-tuloy po
23:06ang maulang panahon
23:07bukas sa malaking bahagi
23:08ng ating bansa
23:09dahil pa rin po yan
23:10sa epekto ng low pressure area
23:12at ganun din
23:12ng hanging habagat.
23:14Huling namataan ng pag-asa
23:15ang low pressure area
23:17sa layong 175 kilometers
23:19silangan po yan
23:20ng Vira Catanduanes.
23:21Ayon po sa pag-asa,
23:23may chance sa parin yan
23:24maging bagyo
23:24at kung matuloy nga po ito
23:26ay tatawagin itong
23:27Bagyong Aurina,
23:29ang unang bagyo
23:29ngayon 2025.
23:31Sa outlook po ng pag-asa,
23:33pwede itong mag-recurve
23:34o kaya po ilumihis
23:35ng direksyon
23:36o pwede rin naman
23:37na mag-landfall
23:38o tumama po sa lupa
23:39maaaring dito
23:40sa Bicol Region,
23:41ganun din po dito
23:42sa May Quezon
23:43o sa bahagi naman po
23:44ng Aurora.
23:45Posible rin tawagin po nito
23:47ang kalupaan
23:47sa mga susunod na araw
23:49dahil ayon po sa pag-asa,
23:50posible po iyang
23:51kumilos pa kanyura na.
23:53Sakali namang
23:54magkaroon po ulit
23:54ng pagbabago
23:55sa pagkilos
23:56itong sama ng panahon,
23:58ay patuloy pa rin po
23:58nitong hahatakin
23:59o palalakasin
24:00itong hanging habagat
24:02o southwest monsoon
24:03na magdudulot
24:04ng malawakang pag-ulan.
24:06Base nga sa datos
24:07ng Metro Weather,
24:08madaling araw pa lang po
24:09bukas hanggang tanghali
24:11may mga pag-ulan na.
24:12Dito po yan,
24:13at sa May Southern Luzon,
24:14ilang bahagi po
24:15ng Central Luzon
24:16at pati na rin
24:16dito sa Bicol Region.
24:19Magtutuloy-tuloy po yan
24:20sa hapon
24:20hanggang sa gabi
24:21at mas malawakan na po
24:23yung mga pag-ulan,
24:24halos buong Luzon na po yan.
24:26Yung mga nakikita po ninyo
24:27na nagkukulay orange
24:28at kulay pula
24:28dito sa ating mapa,
24:30ibig sabihin po niyan
24:31heavy to intense
24:32o mga matitindi
24:33talagang buusang ulan
24:34at posible mga
24:35magtuloy-tuloy.
24:36Kaya maging aleto po
24:37sa posibling pagbaha
24:38o landslide.
24:40Sa Visayas naman,
24:41maulan din po
24:42halos buong araw bukas.
24:44Meron po mga malalakas
24:44sa pag-ulan
24:45dito yan sa
24:46Western Visayas,
24:47Negros Island Region
24:49at pati na rin
24:50sa May Summer
24:50and Leyte Provinces.
24:52May mga kalat-kalat
24:53na pag-ulan naman po dito
24:54sa bahagi po
24:55ng Cebu
24:55at pati na rin
24:56sa Buhoy.
24:57Para naman sa mga
24:58taga-Mindanao,
24:59pwede rin po kayong
25:00makaranas sa mga pag-ulan
25:01lalo-lalo na po
25:02pagsapit ng hapon
25:03at meron din
25:04mga malalakas.
25:05Sa Metro Manila po,
25:07madaling araw pa lang
25:08may pag-ulan
25:08at pwede na po
25:09magpatuloy po yan
25:10hanggang pagsapit po
25:12ng tanghali.
25:13Mataas po ang chance
25:14ang magtagal pa yan
25:15hanggang hapon at gabi
25:16kung kailan po posible
25:17yung mga malalakas
25:19na buhos ng ulan.
25:20Kaya mga kapuso,
25:22dobling ingat.
25:23At yan muna ang latest
25:24sa lagay ng ating panahon.
25:26Ako po si Amor La Rosa
25:27para sa GMA Integrated News
25:29Weather Center.
25:30Maasahan
25:30anuman ang panahon.
25:32Nag-iiyakan ang mga kaanak
25:40ng 16-anyos na lalaking ito
25:42na humandusay
25:44sa isang eskinita
25:45sa Cebu City
25:45matapos madamay
25:47sa barilan.
25:48Ayon sa kanyang pamilya
25:49at sa barangay,
25:50apat na suspect
25:51sakay ng dalawang motorcyclon
25:52dumating.
25:54May hinanap silang tao
25:55na bigla raw nilang
25:56pinaputukan.
25:57At nang tumakbong target
25:58na punta sa direksyon niya
26:00ang biktima
26:00na siya namang nabaril.
26:03Namatay sa ospital
26:04ang biktima.
26:05Ang totoong target
26:06na hinabol ng mga suspect
26:08na huli ng mga pulis
26:09at nakuhanan ng armas.
26:11Ayon sa barangay,
26:12sangkot umano siya
26:13sa iligal na droga.
26:15Patuloy ay imbisigasyon
26:16sa krimen,
26:17gayon din ang pagtugis
26:18sa apat na suspect.
26:22Sold under the hammer
26:23ang mga obra
26:24at naging gamit
26:25ng mga bayani
26:25sa idinaos na auksyon.
26:27Nabilang sa mga yan,
26:28ang kopya ng Malalas
26:29Constitution
26:30at mamahaling painting
26:31na ipininta
26:31sa tulong ng itlog.
26:34Nakatutok si Nikuahe.
26:38Ang mga painting
26:39ng pinakaunang
26:40national artist
26:41sa bansa
26:42na si Fernando Amorzolo.
26:44Pati makasaysayang
26:45gamit noon
26:46ng ating mga bayani.
26:48Kabilang
26:48sa mahigit
26:49sandaan
26:49at animnapung obra
26:50at koleksyon
26:51na isinubasta
26:52sa Makati City.
26:53Mayroon tayo ngayon,
26:55maraming tayong
26:56mga historical artifacts
26:58galing sa
26:59koleksyon
26:59ni Dr. Ambeto Campo.
27:01Marami talaga tayong
27:02mga collectors.
27:03So,
27:04magkaiba yung
27:05classification
27:06ng mga namimili natin.
27:08Ang Burning of Manila
27:09ni Amorzolo
27:10ay tinuturing na isa
27:11sa pinakamalaking obra
27:12niyang ibebenta
27:13sa merkado.
27:14Mula sa starting bid
27:15na 18 million pesos
27:17na isubasta ito
27:18ng 13 million pesos.
27:21Tampok sa obra
27:21ang tagpo
27:22ng pagkawasak
27:23ng lungsod
27:23ng Maynila
27:24ng bombahin
27:25noong New Year's Day
27:26taong 1942
27:27kasagsagan
27:28ng World War II.
27:30Isa sa mga
27:30pinagagawan
27:31sa actual auction
27:32ang 1950 artwork
27:34ni Amorzolo
27:35na Harvest
27:36Winnowing Rice.
27:37Mula sa starting bid
27:38ng 6 million pesos,
27:40na isubasta ito
27:41ng 8.5 million pesos.
27:44Pinakamahal namang
27:45in auction
27:45ang water carriers
27:47o taga-eggib painting
27:48ni Anita Magsaysayho
27:49na ginamitan
27:50ng itlog sa pagpinta.
27:52Ito yung third
27:53egg tempera
27:55na ginagawa niya.
27:57So,
27:57egg tempera
27:58ang pinaka-rare
27:58sa mga gawa niya.
28:01Probably
28:02mga less than 20
28:03yung mga pieces
28:04ng egg tempera.
28:0620 million pesos
28:08ang starting bid nito
28:09na isubasta yan
28:10ng 50 million pesos.
28:13Kabilang din
28:13sa mga in-auksyon
28:14ng ilang gamit
28:15ng mga bayani
28:15gaya ng
28:16silver belt
28:17ni Juan Luna
28:18at silver krill
28:20o pluma
28:20ni Emilio Jacinto.
28:21Isa sa mga isasama
28:23sa auction
28:24ngayon dito
28:24sa Leon Gallery
28:26ay ang
28:26booklet na ito.
28:28Pagamat maliit,
28:29makasaysayan
28:30itong booklet nito.
28:32Ito lang naman
28:32yung isa
28:33sa dalawang kopya
28:34ng Malolos Constitution
28:35o yung
28:36Konstitusyon
28:37ng Unang
28:38Republika
28:38ng Pilipinas.
28:39Ang may-ari na ito
28:40ay ang
28:41historian na si
28:42Dr. Ambet
28:43Ocampo.
28:44Nagkakahalaga
28:45lang naman ito
28:46ng 100,000 pesos.
28:47So, yung
28:48starting bid niya
28:49ay 100,000 pesos
28:51at kapag ikaw
28:52ang nakakuha
28:53kasama sa lot
28:55na ito
28:55ay ang
28:56litrato
28:57ng Unang
28:58Pangulo ng Pilipinas
28:59na si General
29:00Emilio Aguinaldo.
29:02Ang 100,000 pesos
29:04na starting bid
29:05sa Malolos Constitution
29:06nabili ng
29:072.2 million pesos
29:08ni Senator
29:09Loren Legarda
29:10na ang lolo raw
29:11na si Aristongelia
29:12ay isa sa signatories
29:13ng Malolos Constitution.
29:16Para sa
29:16JMA Integrated News,
29:18ni Kuahe
29:18nakatutok
29:1924 oras.
29:25Ang tila
29:27pinaghabing talento
29:28at makulay na kultura
29:29ng mga Pilipino
29:30ipinamalas
29:31sa Philippine National Day
29:32sa Expo 2025
29:34sa Osaka, Japan.
29:35At nakatutok dun la
29:37si Katrina Song.
29:39Katrina?
29:41Piyena po nung
29:42ang Ray Gardens
29:43sa mga nakiisa
29:44o ng mga nakiisa
29:45para sa pagdiriwang
29:46ng Philippine National Day
29:48dito sa Expo 2025
29:50na ginaganap ngayon
29:51dito sa Osaka, Japan.
29:56Ipat-ibang cultural dance
29:58at mga awitin
29:59ng Pilipinas
30:00ang bumida
30:00sa pagdiriwang
30:01ngayong araw
30:02ng Philippine National Day
30:03sa Expo 2025
30:05dito sa Osaka, Japan.
30:07Kabilang sa mga
30:09nagpakitang gilas
30:10ang National Living
30:12Treasure
30:12for Chanting
30:13na si
30:13Rosi Godwino Sula,
30:16ang Ramon
30:18o Busan
30:18Folkloric Group,
30:20kasama rin
30:21ang Lobok
30:21Children's Choir,
30:24maging ang
30:24The Voice
30:25USA Season 26
30:26Champion
30:27Safruno Vasquez,
30:29sparkle artist
30:30na si Zephanie,
30:31at iba pang
30:32performers
30:33mula sa bansa.
30:34Ang tema ngayong taon,
30:36hinabing hiraya,
30:37woven imagination.
30:39It talks about
30:40honoring our past,
30:43embracing our present,
30:45and creating
30:46our future together.
30:48The importance
30:49still is human connection.
30:51And in the Philippines,
30:53we continue to
30:54empower our people.
30:56We are happy
30:56that we have
30:57an opportunity
30:58that aside from
30:59what they can see
31:00in our pavilion,
31:01they will also be able
31:02to see our live
31:03performers
31:04and hear from
31:05our government officials
31:07about our relations
31:09with the Philippines
31:10and Japan
31:10and what they can expect
31:13by visiting our pavilion,
31:15but more importantly,
31:16by visiting,
31:17by investing,
31:19by touring
31:19the Philippines.
31:22At yan ang mula
31:22ang latest
31:23mula rito
31:23sa Osaka, Japan.
31:25Maraming salamat,
31:27Katrina Son.
31:28And two-time
31:31Olympic gold medalist
31:32Carlos Yulo
31:33did it again.
31:35Wag iulit siya
31:36ng ginto
31:36sa 2025
31:37Asian Gymnastics Championships.
31:40Sa South Korea
31:40naman po ito.
31:41Sa score na
31:4214.600,
31:44nakuha niya
31:45ang gold medal
31:46sa finals
31:46ng floor exercise.
31:49Siya pa rin
31:49ang defending champion
31:50sa naturang kategorya.
31:51Kung mga lawa
31:52o silver medalist
31:53naman ang pambato
31:54ng Kazakhstan
31:54habang bronze medalist
31:56ang pambato
31:57ng South Korea.
31:58Nauna nang naka-bron
31:59si Carlos
32:00sa individual
32:01all-around finals.
32:10Not just once
32:11but three times
32:12na green-up shoot
32:13ang soon-to-be-married
32:14na sina
32:14EA Guzman
32:15at Shaira Diaz.
32:16May mga surpresa
32:17rin daw sila
32:18sa kanilang
32:19nalalapit na kasal.
32:20Narito nga
32:20kay Chica.
32:25Only two months to go
32:26sa big day
32:27ni na EA Guzman
32:28at Shaira Diaz
32:29kaya naguumapaw na
32:31ang excitement
32:32ng kapuso couple.
32:34Nagkaroon sila
32:35ng pre-up photo shoot
32:36sa Quezon City
32:37ngayong araw
32:37pero meron pa raw silang
32:39mas malaking surprise
32:41para sa bands.
32:42Isang pre-up
32:43na kinuna nila
32:44sa South Korea
32:45kamakailan.
32:47Sobrang magical
32:47for me
32:48kasi
32:48sa one-day shoot
32:50parang Korea novella.
32:51So sobrang
32:52yun talaga
32:54yung peg namin
32:54because
32:55Shaira nga
32:56is talagang
32:56fan
32:57ng mga
32:58k-drama fan.
32:59So
32:59yun talaga
33:01yung gusto niya.
33:02Ang wedding gown
33:03ni Shaira
33:04made in Korea din.
33:06Babalik daw siya
33:07sa Korea
33:07para personal
33:08nakunin
33:09ang kanyang
33:09traje de boda.
33:10May ilang
33:25tradisyon
33:25daw ang couple
33:26na gustong
33:27gawin
33:27before and
33:28during the
33:29wedding.
33:30Gusto ko
33:31ilakad ako
33:31ng parents ko
33:33ihatid talaga
33:33ako ng
33:34mom and dad ko
33:35especially
33:36my dad
33:36at yun din
33:38yung promise
33:39din ni Edgar
33:39sa kanya
33:40na ito
33:41ilalakad ko
33:41yung anak nyo
33:42hindi ko
33:42isiololokohin.
33:44Finally
33:44tuloy na
33:45tuloy na
33:46talaga
33:46yung
33:47wedding.
33:47At para
33:49magbigay
33:49ng isang
33:50sentimental
33:50touch
33:51isang awit
33:53na 10 years
33:54in the making
33:54ang magiging
33:55soundtrack
33:56ng kanilang
33:57wedding.
33:58Yung
33:59sinulat kong
34:00kanta for her
34:0110 years ago.
34:0310 years ago?
34:04Yes,
34:04ngayon
34:04tapos ko na
34:05siyang i-record.
34:062015 ko
34:07siya sinulat.
34:08It's my
34:09original
34:10composition.
34:12Sinulat ko
34:13yun.
34:13Yung lyrics
34:14nun is
34:14about our
34:15love story.
34:16Kung paano
34:17kami since
34:17day one
34:17nakita
34:18hanggang
34:19sa promise
34:19ko sa
34:20kanya.
34:23And that's
34:24my chica
34:24this Saturday
34:25night.
34:25Ako po
34:25si Nelson
34:26Canlas.
34:27Pia,
34:27Ivan.
34:29Thank you,
34:30Nelson.
34:30Thank you,
34:30Nelson.
34:31At yan po
34:31ang mga
34:32balita ngayong
34:32Sabado
34:33para sa
34:33mas malaki
34:34misyon
34:34at mas
34:35malawak
34:35na paglilingkod
34:36sa bayan.
34:37Ako po
34:38si Pia
34:38Arcangel.
34:39Ako po
34:39si Ivan
34:39Mayrina
34:40mula
34:40sa GMA
34:41Integrated
34:41News,
34:42ang News
34:42Authority
34:43ng
34:43Pilipino.
34:44Nakatuto kami
34:4424
34:45oras.
34:46to be
34:48as
34:48as
34:49as
34:49as
34:50as
34:51I'll see you next time.

Recommended