Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/6/2025
Nagpalitan ng radio challenge ang Pilipinas at China sa gitna ng isinagawang maritime patrol ng BRP Andrés Bonifacio. Kasunod ‘yan ng na-monitor na pagdaan ng war ship at dalawang militia vessel ng China sa Panata Island at paglapit dito sa barko ng Pilipinas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpalitan ng Radio Challenge ang Pilipinas at China
00:04sa gitna ng isinagawang Maritime Patrol ng BRP Andres Bonifacio.
00:10Kasunod yan ng namonitor na pagdaan ng warship
00:14at dalawang militia vessel ng China sa Panata Island
00:18at paglapit nito sa barko ng Pilipinas.
00:21Nakatotok si Chino Gaston.
00:23Sa pangatlong araw ng Embedded Maritime Patrol ng AFP sa Kalayaan Island Group,
00:32nagpakita ang isang Chiang Kai-class frigate ng China na may bow number 525
00:36kasamang dalawang Chinese Maritime Fishing Vessel mag-aalas 8 kaninang umaga.
00:41Na-detect ng BRP Andres Bonifacio ang Chinese warship
00:44habang dumaraan nito sa may Panata Island.
00:47Lumapit ang Chinese warship at agad itong niradyo challenge ng BRP Andres Bonifacio.
00:53Chinese warship 525, this is Philippine Government Vessel 17.
00:58You are within the Philippine Territorial Sea.
01:01You are a state party of UNPUS.
01:03You are endangering the relationship of our country.
01:06Leave immediately. Over.
01:08Hindi raw agad sumagot ang Chinese vessel,
01:11pero matapos ang ilang ulit na challenge, sumagot na rin ito.
01:14Lumapit daw ng 4.6 nautical miles ang barko ng China,
01:18pero wala naman itong ibang ginawa kundi mag-counter radio challenge.
01:22We conducted the standard radio challenge within the territorial waters of Panata Island.
01:29They counter challenge and we counter challenge that Panata Island and KIG is part of the Philippines.
01:38Once we issued our radio challenge, they immediately changed their course going to Subirib.
01:46Hindi na bago para sa mga kapitan ng Philippine Navy
01:48ang mga ganitong biglaang pagsulpot ng mga Chinese warships sa West Philippine Sea.
01:54Minsan nga, sobrang lumalapit daw ang mga Chinese warships.
01:57Sa mga oras na ito, critical na masunod daw ang rules of engagement
02:02alinsunod sa polisiya ng gobyerno para hindi sumiklab ang karahasan.
02:06One action of the tactical units which is coming po is will escalate or de-escalate a certain situation.
02:13So kung ano po yung binigay sa amin ng ROE, stick po kami doon.
02:17And if ano yung general, ano ng government natin, yun po yung simusunod namin.
02:22Although yung pressure na dyan, sir.
02:23Pero that's why we are trained, sir.
02:26We are trained to have a decision na mag-conduct ng thin line
02:34para to avoid any action na magiging detrimental naman po sa government natin.
02:41Sa kabuan, naging matagumpay ang maritime patrol ng BRP Andres Bonifacio
02:46sa kabila ng pagkansila ng nakatakdang aktividad bukas dahil sa low pressure area.
02:51We were able to show the public two things.
02:55One is the heroism and sacrifice ng ating mga tropa,
02:58kung gaano sila nagtitiis sa malayo sa pamilya.
03:02Pero at the same time, nagagampanan pa rin yung misyon ng Sandatahang Lakasang Pilipinas
03:05na protektahan at i-uphold itong sovereignty natin dito sa different areas.
03:09Nangako ang AFP na sa mga darating na panahon ay dadagdagampah
03:13at pagagandahin ang mga pasilidad sa mga maritime outposts sa KIG
03:17para mapagaan ang buhay ng mga sundalong na didistino dito.
03:22Mula rito sa Kalayaan Island Group,
03:24Sino Gaston Nakatutok? 24 Oras.

Recommended