00:00Sa kanyang pagbabalik sa kompetisyon, 10 buwan matapos ang makasaysayan niyang double gold medal sa 2024 Paris Olympics,
00:08nakasungkit ng bronze medal ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo sa 2025 Artistic Gymnastics Asian Championships na ginaganap sa Jecheon, South Korea.
00:19Sa unang araw ng Asian Championship itong Webes, naibulsa ni Yulo ang ikatlong pwesto sa Individual All-Around Event
00:25kung saan siya nakapagtala ng kabuang score na 83.633.
00:31Gold medalist naman sa Individual All-Around si Oka Shinoshuke ng Japan na may 85.134 points,
00:38habang silver ang kanyang teammate na si Hazegawa Chuyoshi na may 83.967 points.
00:45Samantala, nagtapos naman ang Pilipinas sa ikapitong pwesto sa team event kung saan lumaban si Yulo
00:50kasama si na Juancho Miguel Besana, John Romeo Santillan, Justine Ais de Leon at John Ivan Cruz.
00:58Inaasahan naman na sa darating na weekend ay sasabak pa si Yulo sa Senior Men's Apparatus Finals.