Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/6/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, maging mapanuri at magingat sa mga video ng mga personalidad o artista na nag-i-endorso ng mga produkto online dahil baka peke yan at ginamitan ng deepfake.
00:12Alamin ng payo ng isang eksperto kung paano hindi maloko ng mga content na yan sa aking report.
00:20Ang video ito peke at gawalan ng artificial intelligence o AI sa pamamagitan ng deepfake.
00:26Babala mismo ni kapuso comedy genius Michael V, hindi niya ini-endorso ang produktong binabanggit sa advertisement.
00:33Siyempre, na-alarm ka agad ako. Tsaka alam ko kasi maraming mga netizens, maraming mga mahilig sa social media na baka maapektuhan in a negative way, baka maniwala.
00:44Kaya agad gumawa ng vlog ang comedy genius para pasinwalingan ang kumakalat na video. Inireport na rin daw niya ang nagpost at blinak ito sa kanyang mga social media pages.
00:52Titignan natin kung ano ang gagawin niya. Kasi pagka-persistent siya, pagka gumawa pa siya ng aksyon at inulit niya, mukhang gagawa na namin ng legal aksyon.
01:03Sa deepfake, pinag-aaralan ng AI ang itsura at tono ng pagsasalitan ng isang tao para magaya ito ng tila totoo.
01:11Ayon sa isang technologist, mas nagiging mahirap na nga daw malaman ang deepfake sa totoong video.
01:15Kaya ang mga social media users, dapat laging tamang duda. Pinakamainam pa rin daw na pag-aralan ang mensahe ng video.
01:22Tugma ba ito sa personalidad ng nagsasalita? At kung personalidad ang nasa video, makikita ba sa ibang platforms tulad ng television at radio ang kaparehong endorsement?
01:31Kung nanonood ka lang, nagbabrowse ka, tapos tinitingnan mo, kung hindi mo naman ine-expect na deepfake siya, hindi mo agad susurihin yung isang video.
01:41Kaya mahirap malaman kung siya ba talaga ay deepfake video or hindi.
01:46At ngayon, kung tingnan mo, ay parang may kakaiba.
01:51Fake din ang mga video ito na ginamit si na 24 Horas Anchors, Mel Tiyanko at Vicky Morales,
01:56para magmukhang nag-i-endorso ng mga investment, kasama ang ilang malalaking pangalan sa pagnenegosyo.
02:02Ang kapuso anchor at reporter na si Maris Umali, ginawan din ng deepfake at pinagmukhang may ibinabalita tungkol sa isang produkto.
02:10Ang doktor na ginamit sa deepfake video, nagsampanan ng reklamo sa NBI laban sa mga nagpapakalat nito sa social media.
02:17Yung mga pasyente ko mismo, naapektuhan din dahil ang feeling nila, yung credibility ko ay puro nagbebenta lang ako ng kuano-ano.
02:25So, naapektuhan yung reputation ko as a doktor.
02:28Natatakot ako na baka pag may nangyari sa nila, eh akong mabuntungan nila.
02:34Ang Department of Information and Technology may ginagawa na raw para labanan ng pagkalat ng deepfake.
02:39Dahil sa mga peking endorsement, marami na raw kasing nagre-reklamo sa kanila na napaniwala at naloko ng mga peking endorsement.
02:47Bukod sa mga telco, tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga social media platforms para agad mablock ang mga peking endorsement na ito.
02:54Ang tawag po doon sa mekanismo na yun, geo-blocking, geo-locking.
03:01Yung same mekanism po ng technology na yun, yun yung sinasabi ko sa mga streaming platform at sa mga social media platform.
03:09Alam nyo, kaya nyo namang i-prevent yan proactively, eh.
03:12Sa bilis ng pag-usad ng teknolohiya, hindi nga raw malayong dumating ang panahon na mga eksperto na lang ang makapagsasabi kung peke o hindi ang isang video o litrato.
03:21Kaya malagang suriin at pag-aralan ang mensaheng nakapaloob dito.
03:25Huwag agad maniwala at ugaling i-double-check kung totoo o hindi ang inyong nakikita sa social media.
03:31Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended