00:00Nananatiling matatag ang job market sa Pilipinas kahit na mahirap pa rin para sa ilang Pilipino ang paghanap ng trabaho.
00:07Yan ang lumabas sa datos ng isang online job hunt portal.
00:11Ang detalye sa report ni Denise Osorio.
00:16Patuloy ang pagsusumikap ng ating mga kababayan na makahanap ng trabahong akma para sa kanila.
00:21Tulad ni Catherine, isang psychology student.
00:24Graduating na siya ngayong taon at gustong pumasok bilang human resource staff.
00:28Aniya, first option niya ito dahil tingin niya mas madaling makakuha ng trabaho bilang HR.
00:34Tinatry ko po ischenten yung certifications or other edge po na pwedeng magamit po sa pag-a-apply.
00:43Ang kaklase niyang si Althea, second choice ang pag-HR dahil alam niyang hindi madaling makahanap ng trabaho sa clinical practice ng kanyang kurso.
00:51Super saturated po ng job market ngayon eh. Parang marami ka pong kalaban kumbaga for a job.
00:57Siyempre marami pong mas may qualification sa'yo.
01:01Para sa senior high graduate naman na si Ali, dalawang taon siyang nagpahinga bago nagsimulang maghanap ng trabaho.
01:08Target naman niya ang mapasok sa IT industry. Ang problema.
01:13Yung iba po eh fresh graduates yung hinahanap.
01:16Tapos yung iba more on kung gano'ng kasi naka-proficient sa IT.
01:20Pero ayon sa Hiring, Compensation and Benefits Report 2025 ng Job Street by Seek, nananatiling matatag ang job market sa Pilipinas.
01:3094% ng mga kumpanya ang aktibong nag-hire ng bagong empleyado noong 2024.
01:35At karamihan, permanente o full-time positions.
01:39Top jobs pa rin ang admin at HR, accounting, information technology o IT, at customer service.
01:45Ngayong unang kalahati ng 2025, 63% ng mga businesses ang nagsabing meron silang planong magdagdag pa ng empleyado.
01:54Karamihan dahil sa business expansion at bagong skill requirements.
01:58Ayon naman sa Asian Development Bank, posibleng aabot sa 6.2% ngayong 2025 ang GDP growth ng Pilipinas,
02:05na magdudulot ng mas maraming job opportunities para sa mga Pilipino,
02:10lalo na sa mga industriyang may mataas na demand tulad ng IT, accounting, at customer service.
02:16Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.