Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pag-aaralan ni Pangulong Bongbong Marcos ang posibleng epekto sa ekonomiya ng 200 pisong omento sa arawang sahod ng mga manggagawa.
00:07Sa agitna ito ng mabala, nangilang negosyante na posibleng mubilis sa pagtaasang presyo ng mga bilihin, oras na maging batas ang wage hike.
00:15May unang balita si JP Soriano.
00:21Sa nakaraang anim na administrasyon, di pa lumalagpas ng 200 pesos ang omento sa arawang minimum wage sa Metro Manila.
00:28Kaya ang 200 pesos na panukalang minimum wage hike na pumasa sa Kamara sa ikatlong pagbasak inaabangan ng mga minimum wage earner, gaya ni Jerry.
00:37Mahigpit sir, hindi kaya. Hindi kaya i-budget. Alos kan. Mangutang ka pa sa iba para lang makatustos sa kan.
00:46Para maisabatas, kailangang pag-isahid sa Bicameral Conference Committee ang mga bersyon ng Kamara at Senado.
00:52Nauna nang nagpasa ang Senado ng 100 pesos na minimum wage hike.
00:57Mas mabilis naman kung i-adopt na lang ng isa sa kanila ang panukala ng kabilang kapulungan.
01:03Para ma-idiretsyo na kay Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na linggo na mag-a-adjourn ang 19th Congress.
01:09Alinlangan si Senate Committee on Labor Chairman Joel Villanueva kung ang House version ang i-adopt.
01:15Baka raw i-vito ito ng Pangulo at hindi matuloy.
01:18For us, we still believe na yung 100 is most convenient and practical.
01:26Para kay Deputy Speaker Demokrito Mendoza ng TUCP Party List, the higher, the better.
01:32Pero para sa mga negosyante at namumuhunan, pwedeng bumilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin,
01:39umatras ang mga mamumuhunan at magsara ang maliliit na negosyo na di kayang magbigay ng dagdag sahod.
01:45Tataas yung presyo nila. E kung hindi na kaya bilhin yung presyo nila, magbabawas ng tao.
01:52Pag nagbabawas ng tao at hindi pa rin kaya, magsasara.
01:55Wala na tayo magagawa. Pipilitin natin magdagdag tayo ng sales.
02:03Kung hindi, magkuha tayo ng ibang items.
02:06Tingin din ng Makati Business Club, ang pinagtutuunan dapat, ibaba ang presyo ng bilihin, lalo na ang pagkain.
02:14Hindi raw sila tutol sa pagkataas ng sahod, pero dapat daw ipaubaya ang usapin sa mga regional wage board na pinag-aaralan ang cost of living sa isang lugar.
02:24Ayon naman sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, ang mga nasa formal sector lang ang makikinabang sa omento sa sahod.
02:32Pero ang dagdag presyo sa bilihin na posibleng idulot nito, mararamdaman din nila at na mga manggagawa sa informal sector.
02:40Ayon sa Malacanang, pag-aaralan ng Pangulo ang panukala.
02:43Anais po ng Pangulo na maibigay kung ano po ang makakabuti sa mga manggagawang Pilipino.
02:50Titignan ng lahat ng aspeto at ang concerns ng lahat ng stakeholders.
02:55Sana matuloy na para at least kahit paano malaking bagay sa amin yun na manggagawa.
03:01Ito ang unang balita, JP Soriano para sa GMA Integrated News.
03:07Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:10Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.