Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, pabata ro'n ng pabata ang nagkaka-human immunodeficiency virus o HIV?
00:11Sabi ng DOH, paalala rin po nila, libre ang pagpapatest at gamot para rito.
00:17Balitang hatid ni Katrina Son.
00:2020 anyos pa lang daw ang HIV community organizer na si Kael Mata
00:25nang magpositibo siya sa human immunodeficiency virus o HIV.
00:30Nakuha ko po yung HIV sa pakikipagtalik ng walang proteksyon.
00:34Ayon sa World Health Organization, isa ang unprotected sex effectors kaya naipapasa ang HIV.
00:41Maari raw maipasa ang HIV sa pamamagitan ng palitan ng mga likido ng katawan mula sa mga taong may HIV.
00:49Base sa datos ng Department of Health, mula 21 kaso ng HIV kada araw noong 2014.
00:56Dumuble ito sa 48 bagong kaso kada araw noong nakarang taon.
01:01Sa datos natin, tayo na ang pinakamataas na new cases dito sa Western Pacific Region.
01:08At ang nakaka-alarma ayon sa DOH, pabata ng pabata ang nagpo-positibo sa naturang sakit.
01:15500% daw ang itinaas ng mga kaso ng HIV sa mga edad 15 hanggang 25.
01:21Pinakabatang na italang Pilipino na nag-positibo.
01:24Labindalawang taong gulang mula sa Palawan.
01:27Isa sa tinitingnang dahilan ng pagdami ng HIV cases sa mga kabataan ay ang social media dating apps at chat rooms dahil pinadadali raw nito ang pakikipag-meet-up para sa sex.
01:40Pero giit ni Kael, hindi ang mga ito ang problema, kundi access ng kabataan sa proteksyon tulad ng kondom.
01:47If they go to health center, they ask, pwede mo makingi ng kondom?
01:51Ang sagot sa kanila, saan magagamitin? Bakit mo kailangan?
01:54Dahil sa paglobo ng mga kaso, pinag-aaralan ng DOH na ideklarang public health emergency ang HIV.
02:01Maganda magkaroon tayo ng public health emergency, national emergency for HIV dahil magtutulong-tulong ang buong lipunan.
02:09Pag ito ay na-declare as a national emergency, I think mau-obliga na yung mga LGUs na gumawa ng mas komprehensibong programa.
02:20Ayon sa DOH, bukas ang testing kahit sa minor de edad na walang parental consent. Libre ito pati ang anti-retroviral na gamot.
02:28HIV is not a death sentence. Hinahawig nga namin yan parang high blood. Is it the end of your life? No, it's not. You just have to take maintenance.
02:37PhilHealth even has an HIV package.
02:39Maaari rin daw tingnan ang QR code na ito para sa directory ng mga HIV treatment hubs at testing facilities sa buong bansa.
02:47Pwede rin magtanong sa mga health centers at mga pampublikong ospital. Meron din sa mga pribadong ospital at non-government organization.
02:55Bukod sa kondom, may mga bagong gamot na rin tulad ng prep o pre-exposure prophylaxis na iniinom para pigilan ng HIV kung nakikipagtalik ng walang proteksyon.
03:05Katrina Son nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.