Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/4/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arrestado ang isang lalaki matapos nakawa ng isang computer shop sa San Mateo Rizal.
00:06Mismong anak ang nagsumbong at nagpahuli sa suspect na maraming narorekords sa pulisya.
00:11Balita natin ni EJ Gomez.
00:16Sa kuha ng CCTV sa isang computer shop sa barangay Mali, San Mateo Rizal nitong Sabato,
00:22kita ang isang lalaking nagko-computer.
00:25Tumayo siya at tila nagmasid sa lugar.
00:28Binuksan niya ang kanyang bag, sumampa sa isang upuan at may kinuha sa estante sa taas ng computer.
00:35Sabay alis sa shop.
00:37Ang lalaki, isa palang magnanakaw.
00:40Ayon sa ina ng may-ari ng shop, nakuha ng lalaki ang motherboard na pyesa ng computer na nagkakahalaga ng 11,000 piso.
00:49Ilang beses na raw nagnakaw sa lugar ang sospek.
00:51Sa tansya nila, abot sa 40,000 pesos na ang halaga ng mga ninakaw na mga pyesa ng sospek.
00:58Ito yung pupunta sa dyan, may bag nga siyang dala.
01:01Tapos mga, siguro mga 10 minutes pa lang,
01:05nagagalit siya sa mga bata, pinapalabas niyo.
01:08Magsipaglabas niya kayo ito, ingay-ingay niyo, mga ganun siya.
01:11Tapos may may lumalabas na rin siya kasi may motor-motor siya.
01:14Yung anak ko pagdating ng gabi, nagri-rit ng ano,
01:16ito yung gagawa, mama, bakit?
01:19Wala yung ano, malay ko ka ko.
01:22Kaya ang ginawa na anak ko kayo, nag-install na nga siya ng hidden camera dyan.
01:26Sa isa pang CCTV na kuha sa kalapit na computer shop,
01:29kita ang sospek na nagbebenta ng mga ninakaw na items.
01:32Yung ninakaw niya po raw, naibenta niya lang ng 50 pesos.
01:39Kaya lang, sabi naman po ng may-ari, 11,000 yung presyo nun,
01:44inano mo lang ng 50 pesos.
01:46Naaresto ng mga tauhan ng barangay ang sospek nitong linggo.
01:50Ito po yung sospek.
01:52Nung dumating po yung complainant, mayroong CCTV, pinakita ko po sa kanya.
01:57O sabi ko, sino yan?
01:59Nung una, hindi ako yan, sabi niya.
02:00Eh, sino yan? May kakambal ka ba?
02:04Tapos tinignan niya po maigi yun.
02:06Ngayon, ang sabi niya, nung ano, ako po yan.
02:11Sa gitna ng pakikipag-usap sa complainant, nagawa pang tumakas ng sospek.
02:16Ayan, ayan, natatakbo na po siya dyan.
02:17Ayun, nagkaroon po siya ng pagkakataon na yun.
02:20Nang mag-viral ang post ng biktima sa social media,
02:23nakatanggap daw siya ng tawag mula sa mismong anak ng sospek
02:26para isuko sa mga otoridad ang kanyang ama na nagtatago sa kanilang bahay sa Montalban.
02:32Puntahan daw po, ulihin, ipakulong na lang daw po.
02:36Kasi masyado nangaraw pong maraming tatay niya, maraming record.
02:40Umamin ang sospek sa krimen, pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa kamera.
02:45Nakakulong siya sa custodial facility ng San Mateo Municipal Police Station.
02:49Sasampahan siya ng kasong theft.
02:51E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended