00:00Inilunsad na ng Department of Justice ang 2025 training and educational program para sa mga prosecutors at law enforcement agencies.
00:09Layon ng programa na magkaroon ng proper training ang mga police, NDI agents at maging prosecutors kung papaano kakalap ng ebidensya para sa mga kaso na hahawakan o iimbestigahan nila.
00:21Layon din itong magkaroon ng reasonable certainty of conviction o sigurado at sapat na ebidensya ang mga kaso bago ito isampas sa korte.
00:30Inaasahang daan-daang polis at mga prosecutors ang lalahok sa programa.
00:35Ang programa naman ay alinsunod sa bagong rules ng preliminary investigation na pinirmahan noon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:46Alinsunod din ito sa ipinatutupad na Department Circular 20 ng DOJ kung saan magtutulungan ang law enforcement agencies at mga piskal sa pagbuo ng kaso.
00:58Sana dumating ang panahon nila na talagang doon tayo nakatutok sa idea na ang hustisya ay mananaig sapagkat ginawa namin ang aming katungkul,
01:09ang aming tungkulin na mag-usap-usap at paghandaan ang labanan.
01:15Hindi lang sa kage kung saan natin hinuhuli ang kriminal kundi sa korte kung saan pinapasyahan ng lipunan ang taong nagkaroon ng pagkakasala sa ating sistema ng batas.