00:00Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na suporta ng European Union sa Pilipinas.
00:07Inihayag ito ng Pangulo sa naging courtesy call ni High Representative and Vice President of the European Commission na si Kaya Callas.
00:16Dito ay binigyan diin ng Presidente ang halaga ng Philippines-EU Security and Defense Dialogue para matugunan ang geopolitical challenges at pagtalima sa rules-based international order.
00:28Si Callas ay nasa bansa para sa two-day official visit. Ito ang unang beses na pagbisita ng opisyal sa Pilipinas mula ng ma-appoint noong December 2024.
00:41Ang pagpunta ni Callas sa bansa ay mahalaga para sa patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at EU.
00:48Samantala, nag-courtesy call rin si United States Director of National Intelligence, Tulsi Gabbard, kay Pangulong Marcos.