Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/2/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsaklolo ang mga nakatira sa isang barangay sa Maynila na dalawang linggong nawalan ng supply ng kuryente.
00:08Matapos pong masunugan, matinding perwisurao dahil sa init kaya tumugon ng inyong kapuso action man.
00:21Sa sunog na sumiklab sa Interior 26 v. Mapa, barangay 596 sa Santa Mesa, Maynila, nitong Ados ng Mayo,
00:27May isang senior citizen na namatay
00:31At mahigit tatlumpong individual na nawalan ng tirakan.
00:47Ang ilang maswerteng hindi na damay sa sunog, ramdamang efekto ng trahedya sa kanilang lugar.
00:52Gaya ng pamilya ni Imelda.
00:54Alos dalawang linggo kaming walang kuryente. Malaking perwisyo ang hindi nakakatulog ng maayos sa sobrang init.
01:02Sinubukan na raw ilapit ng mga apektadong pamilya sa Meralco ang problema pero...
01:06Ang sabi lang daw po ng Meralco ay nakaline up po kami.
01:12Dumulog ang inyong kapuso action man sa Meralco.
01:15Paliwanag nila, hindi agad na ibalik ang kuryente dahil kailangan daw muna nilang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga pasilidad nilang naapektuhan ng sunog.
01:24Para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
01:27Ngayong natapos naan nila ito, naibalik na rin ang kuryente noong 16 ng Mayo.
01:33Lubos namang nagpapasalamat ang pamilya ni Imelda at kanyang mga kapitbahay.
01:36Kapitbahay.
01:41Mission accomplished tayo mga kapuso.
01:43Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, corner Samar Avenue, Diliman, Castle City.
01:53Daan sa lamang reklamo, pang-abuso o katiwalian.
01:55Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:00Karamihan ng mga kaso ng rabies sa bansa e bunsod ng kagat o kalmot ng mga aso at pusa.
02:07Partikular na problema ang mga aso at pusang gala, pati mga alagang hayop na hindi bakunado sa rabies.
02:14Nakatutok si Mark Salazar.
02:15Pet lovers daw ang mga Pilipino, sabi ng SWS survey noong 2023.
02:24Dahil 64% ng Pinoy households may pets.
02:29Pero tila marami sa mga nag-aalaga ay hindi naman pamilya ang turing sa pet nila.
02:34Pag nanganak yung aso nila, ipipamimigay nila kasi cute.
02:40And then yung dog po na yun, pag lumaki at nagkaroon ng sakit, papabayaan po nila.
02:45Yun po yung nagiging stray.
02:47And then most of the puppies po na nilalabas ay mga females din.
02:52So nanganak at nanganak.
02:53Ganyan ang problema ng Quezon City, gaya rin ng ibang lugar.
02:57Umaabot nga sa 300 stray animals kada buwan ang nare-rescue nila.
03:02Pero hindi pa rin sapat para habulin ang dami at bilis ng panganak ng stray sa kalsada.
03:08Isipin mo namang, ang isang babaeng aso ay kayang magsilang ng 30 tuta sa loob ng isang taon.
03:17Normal dog, like a spin dog, is kayang manganak po or mag-litter at least 8 puppies po or more sa kanyang panganak.
03:27And yung dogs po ay nanganganak at least 3 in a year.
03:31Tansya ng Quezon City Veterinary Department, nasa 700,000 ang pets sa syudad.
03:37Pero hindi nila alam kung ilan sa kanila ang lumalaboy sa mga daan.
03:42Sa pagdinig ng Senado nung nakaraang taon, lumabas na mahigit 13 million ang bilang ng mga stray dogs and cats sa buong bansa.
03:51Problema yan, dahil mga aso at pusang gala na hindi bakunado sa rabies ay kasama sa mga nagpapakalat nito.
03:59Kaya mahalaga raw ang responsible pet ownership para makontrol din ang pagkalat ng rabies.
04:04Kailangan din po talaga is ma-educate sila at the same time ma-enforce sila ng isang city na kung paano yung tamang pag-aalaga po ng hayop.
04:13Ang DOH naman, pinaalalahanan ang lahat na huwag baliwalain ang kagat ng aso o kalmot ng pusa, ligaw man o alaga sa loob ng bahay.
04:22Huwag niyo pong paggalitan yung mga anak ninyo kung nakalmot o nakagat ng aso, hindi nila kasalanan yun.
04:27Bagkus ay ating ikonsulta para maiwasan kasi naiiwasan yung paggamatay sa rabies.
04:32Basta tayo ay mabigyan ng bakuna.
04:34Habang nga rin ang problema sa naglipa ng stray animals, sapat daw dapat ang bakuna para protektahan ang tao at hayop sa rabies.
04:42Tungkulinin po ng mga LGU, mga DOH po sa ating mga PHO, mga CHO.
04:48Dapat po nagpaprocure tayo ng ating mga rabies sa vaccines at gamitin po natin yung PhilHealth Package po natin.
04:55Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
05:02Sa tuwing nalalapit ang pasukan, pinakaabala ang mga magulang sa paghahanda na mga gamit pang eskwela ng kanilang mga anak.
05:13Ang isang ina nga sa Maguindanao del Norte, dobre kayod na sa pagsasaka, may mabili lang na maayos na school supplies.
05:20Sa muling paglunsan ng unang hakbang sa kinabukasan project, unang pinuntahan ng GMA Capuso Foundation ang Maguindanao del Norte para maghatid ng kompletong gamit pang eskwela sa mga mag-aaral doon.
05:34Ilang araw na lang, pasukan na. Kung ang ilang bata, excited na sa kanilang mga bagong gamit pang eskwela.
05:46Ang anak ni Norayza na si City, pinaglumaang pira-pirasong papel at bag ang gagamitin sa pasukan.
05:56Matapos pumanaw ang asawa noong 2019, mag-isa nang itinataguyod ni Norayza ang mga anak sa pagsasaka ng mais.
06:04Kumikita siya ng limandaang piso kada araw kapag panahon ng taniman o aninhan.
06:11Pero minsan, wala rin kita. Kaya't bawat bariya, mahalaga para sa mga anak.
06:21Batid ng mga anak ang sakripisyo ng kanilang ina.
06:25Gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral para man lang masuklean ko yung paghihirap ng nanay ko para sa aming magkakapatid.
06:31Sa darating na balik eskwela, layo ng GMA Kapuso Foundation na magkaroon ng sapat na school supplies ang mga batang nangangailangan.
06:43Una nating pinuntahan ang Maguindanao del Norte.
06:46Dala ang kumpletong gamit pang eskwela para sa kinder hanggang grade 1 students sa ilalim ng unang hakbang sa kinabukasan project.
06:56Ang GMA Kapuso Foundation tumutulong talaga sa mga magulang para maitaguyod ang edukasyon ng kanilang mga anak.
07:05Alam ko na napakahirap bumili ng kumpletong school supplies, lalo na sa panahon ngayon.
07:12Sa murang edad, nare-realize na nila na importante talaga yung makapag-aaral at makapagtapos.
07:19At isa yun sa mga susi para sa kapayapaan ng lugar na to.
07:22Pinala matakor ka no, saka kaya tambahin niyo rang, kaya pakakaw mga mataa ka.
07:28Para sa kaya buwasan sa wawin na akala ka.
07:30Okay.
07:32Sa mga nais makiisa sa aming mga proyekto, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Lulier.
07:40Pwede ring online via JICA, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
07:44Mga Kapuso, opisyal nang edereklara ng pag-asa na nagsimula na po ang tag-ulan sa bansa.
07:54Ayon sa pag-asa, udiyat ng pagsisimula ng tag-ulan ang naobserba ang mga kalat-kalat hanggang malawak ang pag-ulan.
08:01Sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, sa nakalipas na limang araw, bunsod po ng habagat.
08:05Localized thunderstorm naman ang nagpa-ulan na nagdulot ang pagbakas sa Mindanao tulad po sa Dato Unsay Maguindano del Sur.
08:13Pati po sa ilang bahagi ng bayan ng Ampatuan, nagsilikas naman ang mga binahang residente ng Senator Ninoy Aquino Sultan Cudarap.
08:19Ayon sa pag-asa, patuloy na naka-apekto ang habagat sa Luzon.
08:23Sa datos ng Metro Weather, umaga pa lamang bukas ay posibleng nang makaranas ng ulan ang kalurang bahagi ng Luzon.
08:28Posibleng mas maraming lugar ang ulanin sa kapon kasama ng ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
08:34Posibleng hanggang heavy to intense rains kaya doble ingat sa banta ng pagbaha at paghuhu na lupa.
08:40May chance na ring ulanin ang Metro Manila bukas po ng hapon.
08:43Paalala ng pag-asa, pwede pa rin magkaroon ng monsoon breaks kaya posibleng may ilang araw o linggo nang walang ulan.
08:55Stronger na daw si Sparkle star Kyleen Alcantara.
08:58All thanks daw ito sa kanyang support system.
09:00Kabilang na dyan ang mas lumalalim na friendship with Beauty Empire co-star Barbie Forteza.
09:06Yan ang chike ni Aubrey Carampel.
09:11I am stronger and I'm better now.
09:14In high spirit, si Sparkle star Kyleen Alcantara na sa kabila raw ng mga pinagdaanan ay nananatiling grateful and hopeful.
09:22Isa sa ipinagpapasalamat ni Kyleen ang kanyang friendship with Barbie Forteza na co-star niya sa upcoming GMA Network,
09:31Creation Studios at Vue Philippines series na Beauty Empire.
09:35Hello, CEO ng mga hindi kagadagdahan.
09:40Andito pala ang self-proclaimed CEO.
09:45Katunggaliman niya sa serye.
09:46In real life, mas naging close pa raw sila ni Barbie.
09:50Lalo na magkasama sa South Korea kung saan may mga kinunang eksena para sa serye.
09:55Even though we're just there for four days, iba yung sa aming dalawa ni Barbie, iba yung naging bonding namin dalawa.
10:03Yung friendship namin, napunta talaga siya sa ibang level.
10:06Thankful din si Kyleen sa family at iba pang kaibigan na kanyang support system.
10:11Sila alam nila lahat ng nangyayari or nangyayari sa aking buhay.
10:17And sa kanila kasi parang automatic naman na tutulong talaga sila.
10:23I mean, basta sila na nakakalanan. I just love them so much.
10:28And hindi ako makakalagpas sa kung anumang napagdaanan ko kung hindi dahil sa kanila.
10:34Kahit naman besi sa trabaho and showbiz commitments, sinisigurado raw ni Kyleen na bigyan ng oras ang sarili.
10:42In her fitness era rin daw siya na naglalaro ng padel, tennis at nagpipilatis din.
10:48I am in my journey of taking my health or my fitness seriously again
10:54because I believe na kasama rin siya siyempre sa self-love journey ko.
11:00Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
11:05Dagdag atraksyon sa Daraitad River sa Tanay Rizal.
11:09Ang mga nagpapatrol, yung pulis.
11:11Hindi kasi sila nakasakay sa polismobile, kundi sa mga kabayo.
11:21Ang mala cowboy nilang dating, kinagiliwan ng mga turistang naliligo sa lugar.
11:26Ayon sa mga polis, mas madali nilang nararating ang mga liblib na lugar at komunidad sa pamamagitan ng horse patrolling.
11:34Inisuhahan ng cease and desist order ng Department of Transportation at ng Civil Aeronautics Board
11:43ang online booking platform na AirAsia Move dahil sa umano'y overpricing.
11:50Kaugnayan ang report ni Later Representative Richard Gomez kay Transportation Secretary Vince Dizon
11:56na halos 80,000 piso ang bili niya sa dalawang on-one-way air tickets mula Tacloban, Pamaynila sa naturang platform.
12:06Pinag-aaralan na ang paghahain ng kasong economic sabotage laban sa booking platform.
12:13Pinag-utos din ng DOTR sa PNP Anti-Cybercrime Division ang pagpapasara sa website nito.
12:21Pinagsasama nila lahat ko nitong mga online platforms na ito ang current na situation sa Panginoon.
12:34This is actually criminal. Criminal na itong ginagawa nitong AirAsia Moves.
12:39I've also asked the CAP and the DOTR to immediately file economic sabotage,
12:48a criminal economic sabotage case against AirAsia Move.
12:56Matay sa sulat ng AirAsia Move na inirabas ang DOTR kanina,
13:01sinabi nitong nagsagawa na sila ng mga hakbang bilang pagsunod sa cease and desist order.
13:08Gayunman, iginiit ng Malaysian-based company na ang mga air carriers ang sakop ng horisdiksyon ng CAB
13:16at hindi ang mga foreign-based online travel agency.
13:22Sa iwalay na pahayag, sinabi rin ng move na hindi nila minamanipula ang airfare.
13:28Bilang online travel agency, ang ipinapakita daw nila ay ang listahan ng mga flight at datos ng presyo
13:36base sa impormasyong ibinibigay ng mga otorizadong supplier nito.
13:41Pero ang giit ng CAB, sakop ng kanilang mandato ang ticket pricing
13:46at otorizado rin silang magpatupad ng price ceilings sa airline fares.
13:52Makalagang maintindihan ang panganib na dulot ng kagat o kalmot ng hayop.
13:58May mga pagkakataon kasing binabaliwala lang ito at tila hindi alintana ang posibilidad ng sakit na rabies.
14:04Babala namang eksperto, dapat itong maagapan bago pa lumabas ang mga sintomas
14:09dahil pag nangyari ito, huli na ang lahat.
14:11Panoorin ang ulat ni Dano Tingkungko.
14:14Ang mamatay sa rabies ang isa marahil sa pinakamasahol na paraan ng pagkamatay.
14:22Hindi lamang para sa pasyente kundi para na rin sa kanyang mga mahal sa buhay.
14:28Nakukuha ang rabies virus sa laway ng isang infected na hayop gaya ng aso at pusa
14:33na nangagat, nangalmot o nagkakontak sa mata, bibig o sugat.
14:37Ang pinupuntirian nito ang nervous system ng isang tao.
14:40Ayon sa mga eksperto, maaaring tumagal ang incubation period ng isa hanggang tatlong buwan.
14:47Pero may pagkakataong inaabot hanggang labing-anim na taon bago lumabas sa mga sintomas ng rabies.
14:53Kung gaano kalakas yung virus na naka-infect sa isang pasyente.
14:57Number two, kung yung immune system ng pasyente ay mahina,
15:02syempre mas mabilis mag-develop ng rabies.
15:05Number three, kung gaano kalapit sa utak at sa spinal cord.
15:09Mas malapit sa utak at sa spinal cord, mas mabilis mag-develop ng signs and symptoms of rabies.
15:15At number four, kung gaano kalalim yung sugat.
15:18Bago mangyari ito, kailangan makapagpabakuna na ang nakagat.
15:22Dahil kapag umabot na ang virus sa utak,
15:25unang lumalabas na sintomas ang lagnat, pananakit ng ulo at panghihina.
15:29Ang mas malalang sintomas, pagkatuliro, pagdedeliryo, paglalaway at hydrophobia o takot sa tubig at aerophobia o takot sa hangin.
15:39Nahijack ng virus yung utak, nagiging disorganized yung responses ng katawan.
15:45Dapat kasi para mabuhay ang isang tao, dapat sabay-sabay may organization ang paghinga, ang pagtibok ng puso.
15:51Diba? Yung pag-travel ng signals from the brain to the different organs of the body, dapat yan coordinated.
15:59Yun yung naapektuhan ng rabies virus.
16:02Ayon sa World Health Organization, oras na umabot na sa central nervous system ang virus, fatal o nakamamatay ang rabies sa 100% of cases.
16:12Kapag ang virus ay nakaabot na sa spinal cord at nakaabot na yan sa utak,
16:17papasok na yung pasyente sa prodromal phase at eventually magiging restless at comatose ang pasyente.
16:23Kapag pumasok na yung pasyente sa prodromal, comatose phase, wala na tayong magagawa.
16:29Kung hindi agad makakapagpabakuna sa kung anumang dahilan, mainam na hugasan ng sugat.
16:34Ang una mo talagang dapat gawin ay hugasan yung sugat.
16:38Wound washing with soap and water.
16:41Running water, sabon for at least 10 to 15 minutes.
16:45Up to 20% ng mga kaso ng rabies ay may iwasan sa pamamagitan lamang ng pagwawash ng sugat with soap and water.
16:55Isa sa mahalagang determinant kung bakit umiikli ang incubation period ay dahil sa dami ng virus na pumasok sa katawan during the bite.
17:05So kung yan ay babawasan natin sa pamamagitan ng paghuhugas using soap and water, malaking maitutulong nito.
17:12Paalala rin ng mga eksperto, hindi dapat pinapatay ang kumagat na hayop, lalo't mahalagang maobserbahan ito sa loob ng labing apat na araw.
17:21Kadalas ang misconception ng mga tao na kahit anong hayop, basta nakakagat ng tao, automatic na magde-develop yan ng rabies.
17:30Hindi po ganun.
17:31Ang isang hayop ay makakapag-transmit lang ng rabies sa taong kinagat niya kung siya ay may rabies na in the first place.
17:38So during that observation period, mahalaga po na alagaan pa rin yung hayop.
17:45Dapat kung kailangan nila ng food and water, we still provide them with food and water.
17:50Nga lang, kailangan po is-secure natin kung saan sila ilalagay.
17:54Para sa GMA Integrated News, danating kung ko nakatutok 24 oras.
17:58Thankful si Rudo Madrid kung paanong binago ng serieng lolong ang kanyang buhay.
18:07Alamin ang kanyang kwento sa chika ni Lars Anciago.
18:13Sabihin mo na ba sa kanya lahat? Pati ang pagbubuntis mo.
18:16Ngayong gabi, yayanigin ng isang matinding balita ang lolong, pangil ng Maynila.
18:23Bunti si Elsie?
18:24Sino nga kaya ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Elsie played by Shaira Diaz?
18:31Si Ivan na ginagampana ni Martin Del Rosario?
18:36O si lolong Ruru Madrid?
18:39Kwento ni Ruru, wala na silang ilangan ni Shaira pagdating sa mga intimate scene.
18:45Ever since season 1 kasi magkaibigan na kami ni Shaira.
18:48So kumbaga ngayon yung tiwala namin sa isa't isa e buong-buo na.
18:53At the end of the day, we're all actors.
18:56Pero kapag may intimate scene, nagpapaalam pa ba si Ruru sa girlfriend na si Bianca Umali?
19:03Di naman kami yung tipong kailangan magpaalam.
19:07Kumbaga pinapaalam lang namin na oh, mamaya pala.
19:09Para at least alam namin yung mga i-expect.
19:13Kasi syempre ayaw naman namin na parang bigla na lang siyang i-e-ere.
19:17Tapos bagulat na lang yung isa na oh, ba't may gantong eksena ka, diba?
19:21Tanggap rin daw ni Ruru na may mga pagkakataon na kailangang gumawa ng kissing scene si Bianca.
19:29Ngayon kasi si Bianca may mga eksena na siya na mga kissing scenes na rin, diba?
19:33At katulad niyang sinabi ko, hindi naman na natin maiiwasan yan.
19:37So kami siguro sa relationship, malaking factor na pares po kaming aktor.
19:44At naiintindihan po namin na kailangan po gumawa ng mga gantong klaseng eksena.
19:48May natitira pang limang araw na taping ang lolong.
19:52At sa mga araw na ito, kukunan ang maraming highlight at twist sa kwento.
19:58Ngayon pa lang, sobra na ang pasasalamat ni Ruru.
20:03Ang lolong po talaga nagpabago sa aking buhay.
20:06So I'm just very grateful and I'm very excited sa ano po yung mga mapapanood po ng ating mga kapuso.
20:13So matatanggap nga ba ni lolong si Julio bilang ama?
20:17At ano nga ba mangyayari sa kanila?
20:19Ngayon na nagkalayo na naman sila ng pamilya niya.
20:22Nagkalayo ulit sila ni Elsie.
20:24War Santiago updated sa showbiz happening.
20:29At yan ang mga balita ngayong lunes.
20:34Ako po si Mel Tiangco.
20:35Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
20:38Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
20:40Ako po si Emil Sumangio.
20:41Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
20:45Nakatuto kami 24 oras.
20:47Nakatuto kami 24 oras.

Recommended