00:00Una, sa ating mga balita, pinabilis na pagresponde at pinaigting na presensya ng pulisya.
00:06Ito ang tiniyak ni Police General Nicolás Torre III sa harap ng pagsisimula ng kanyang panunungkulan bilang bagong hepe ng pambansang pulisya.
00:15Kaninang umaga ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Change of Command ng PNP,
00:21kung saan may hamon ito sa bagong liderato ng PNP, si Patrick Jesus sa Sentro ng Balita.
00:31Panatilihing malinis at marangalang hanay ng pulisya, mas mabilis na investigasyon sa mga kaso at pagpapahigting sa presensya ng pulis sa mga lansangan.
00:40Ito ang hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay bagong talagang PNP Chief Police General Nicolás Torre III na formal ng umupo,
00:49kapalit ni Police General Romel Francisco Marbil na nagretiro na sa servisyo.
00:53Nais ng Pangulo na matiyak na mas maraming pulis ang umiikot sa mga kalsada at nagbabantayo sa mga komunidad,
01:01lalo na sa mga lugar na madalas may mangyaring krimen at kaguluhan.
01:05Iniutos din ng Pangulo ang patuloy pang paglaban ng PNP kontra iligal na droga sa tulong ng PIDEA.
01:12Kapag kailangan ng taong bayan, dapat may pulis na agad nagre-responding.
01:17Iparamdam natin sa mga Pilipino na may pulis na handang dumamay at pagtanggol sa kanila sa lahat ng oras.
01:26Patuloy din kayong magmatyag sa ating mga komunidad para kahit ang small time ng mga drug dealers ay wala ring ligtas.
01:35Hindi dapat natatakot ang estudyante o ang mga manggagawa, motorista, magulang na maglalakad sa kalsada umagaman o gabi.
01:45Magiging bahagi ng three core pillars ni General Torre bilang Chief PNP,
01:50ang pagpapatupad ng three-minute response time sa mga iniulat na krimen at iba pang insidente sa buong bansa,
01:56partikula sa major urban centers na una niyang ginawa noong siya ay Quezon City Police District Director.
02:02This is not just a benchmark, it is a lifeline. Every call for help deserves immediate attention and action.
02:11Ayaw ni Torre na pinagpapasa-basaan ng reklamo at mga sumbong kaya't nais niyang ipadagdag sa 911 hotline
02:18ang pag-report sa mga pulis na walang gagawing aksyon.
02:22Kasi una-una ha, kaya pumunta ang ating kababayan dyan sa munisipyo na yan o sa police station na yan
02:29dahil yan ang convenient sa kanila. Okay?
02:33Pag inipinasan natin sa kanila, pag ipinasan natin sila doon sa iba pang police station,
02:39ay baka makaka-abala sa kanila.
02:42Kukumbinsihin namin kayo na bumababa nga ang crime rate at yun ay sa pamamagitan ng pagsigurado
02:48na ito ay inyong maramdaman, makikita.
02:51Tiniyak din ni Torre na hindi malalabag ang karapatan pantao sa kanyang utos sa mga polis
02:57na damihan pa ang mga maarestong sospek dahil sa iligal na droga.
03:02Metrics natin is arresto. At ang arresto, ibig sabihin, buhay ang tao, dadali mo sa usgado.
03:08Pag sinabi ng piskal mismo na iligal ang arresto mo, problema na yun.
03:11Dahil pag dinilakas sa Internal Affairs Service, dinilakas sa Napolcom, dinilakas sa PLEB, may kalalagyan ka rin.
03:17Sa pag-upo ni Police General Nicolás Torre III bilang bagong hepe ng pambansang pulisya,
03:23wala naman daw aasahan na malawak ang balasahan sa PNP.
03:26Binigyang din ni Torre na merits ang magiging basihan sa promosyon ng isang pulis.
03:32Siniguro rin ni Torre ang patuloy na pag-arresto sa mga wanted sa batas.
03:37Hinikayat niya si dating presidential spokesperson, Atty. Harry Roque,
03:41na harapin ang mga reklamo laban sa kanya,
03:44kung saan mayroon ng warrant of arrest dahil sa human trafficking case,
03:48kaugnay ng niraid na Pogo sa Porac, Pampanga.
03:51Abogado naman si Harry Roque, di harapin niya.
03:56Kasi ito yung kaso na hindi mo na pwedeng dalhin sa kalsada o para ni rally.
04:01You really have to come and submit yourself to the jurisdiction of the courts.
04:05Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.