Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/2/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nanumpa na ang bagong hepe ng Philippine National Police.
00:03Sa kanyang unang talumpati, inilatag ni General Nicholas Torre III
00:06ang mga direktibang ipinutu o patutupad sa kanyang liderato.
00:10At may ulat on the spot si June Benrashon.
00:13June!
00:18Rafi, Connie, official ngang umupo bilang Chief PNP si General Nicholas Torre III.
00:25Ito may yung guest of honor sa turnover ceremony si Pangulong Bongbong Marcos
00:30kung saan pinangunahan niya ang pagsasali ng PNP leadership kay Torre
00:35mula kay General Romel Francisco Marbil.
00:39Makasaysayan ito dahil ito ang unang pagkakataon na ang PNP chief
00:43ay mula sa Philippine National Police Academy o PNPA.
00:46Hindi gaya dati na puro mga taga PMA o Philippine Military Academy ang naitalaga.
00:51Isa sa mga direktiba ni Torre ay magkaroon ng three-minute response time
00:55sa mga major urban areas.
00:58Lahat daw ng tawag ng publiko ay dapat matugunan.
01:02Kapag nabigo ang mga commander na ito na ipatupad
01:05ay marami raw ang nakaabang para sila ay palitan, sabi ni Torre.
01:10Ang pag-angat ng karera ng polis ay merit-based
01:13at hindi na pwedeng batay sa endorsement na kung sino-sino.
01:17Malaking bagay rin daw sa pag-evaluate ang performance ng mga polis
01:20ay ang dami ng kanilang mga naaaresto.
01:23Pero babala ni Torre, dapat ang paramihan ng huli ay base sa ebidensya.
01:29Hinamon naman ng Pangulo si Torre na panitlihing malinis ang hali ng PNP
01:33at pabilisin ang proseso ng pagpapanagot sa mga tiwaling polis.
01:37Sa ngayon, wala naman daw malakihang reshuffle na mangyayari
01:40sa mga nakaposisyon sa PNP.
01:43Pero may mga pagbabago dahil na rin sa pag-re-retiro ng ilang opisyal.
01:50Today marks more than a beginning.
01:55It is a defining moment.
01:57Thus, let us seize it with unwavering courage,
02:00grounded in humility and a relentless commitment
02:03to serve the Filipino people with honor, excellence and integrity.
02:11Maraming salamat po.
02:12Mabuhay ang pambansang pulisya.
02:14Mabuhay ang bagong Pilipinas.
02:16Mabuhay ang sambayanang Pilipino.
02:17At sa bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!
02:27Dahil gusto ng mga pulis ay ligtas ang publiko,
02:30ay isa sa mga utos rin ni General Torre
02:33ay yung mas matinding pulis visibility sa mga matataong lugar.
02:37Yes, June, alam naman natin na napaka-payat, talagang maganda ang itsura
02:44at makisig po ang itsura ng ating bagong Chief PNP.
02:47Meron bang direktiba na dapat wala rin siyan yung iba pang mga pulis
02:51tulad ng mga ibang nakaraan na mga direktiba sa kanila, June?
02:55Naabangan natin yan, Connie, dahil alam naman natin kung gaano ka fit itong si General Torre.
03:05Nakita naman natin doon sa Davao, yung pagpapa-aresto nga.
03:09Ito kay dating, o kay Pastor Apollo Kibuloy, nakikita nga na nagja-jagging pa,
03:13na naka bulletproof vest, nakamidalang rifle.
03:17Itong si General Torre, makikita natin kung ganyan din ang kanyang gagawin sa mga kanyang tauhan.
03:26Setting by example, yung ganyang klaseng pamumuno,
03:30yan yung gusto niya rin pamarisan ng mga pulis na kanyang pamumunuan sa mga susunod na buwan.
03:37O kasi kung may tatlong minuto na talagang paghabol, dapat talagang makahabol pati yung mga pulis at fit sila, June.
03:43Ayan, naabangan natin. Maraming salamat, June Veneracion.
03:47Ayan, naabangan natin. Maraming salamat, June Veneracion.

Recommended