Vice President Sara Duterte on Monday, June 2, issued a reminder and warning to Filipinos about keeping the environment clean and taking safety measures against the dangers that dengue brings. (Video courtesy of OVP)
00:09Importante'ng mabigyan natin ang suporta ang kampanya ng Department of Health laban sa dengue.
00:16Nakakamatay po ang sakit na dala ng lamok na may dengue na maaaring namumugad sa ating mga pamamahay at mga komunidad.
00:25Lahat tayo ay nanganganib na maging biktima ng sakit na ito.
00:30Magkaisa po tayo sa adhikain na makontrol ang pagdami o paglaganap ng mga lamok na may dalang dengue.
00:38Ngayong Dengue Awareness Month, tandaan natin na bilang mga mamamayan, mahalaga ang ating papel para sa pagsugpo ng dengue.
00:47Tiyaking walang lamang tubig at malinis ang mga paso, bote, drum, lumanggulong at iba pang bagay kung saan posibleng mangitlog o magpadami ang mga lamok.
00:59Sa loob ng bahay, i-check ang mga kortina, drawers ilalim ng sofa, aparador at mga bagay at lugar na posibleng pagbahayan ng lamok.
01:09Protection din laban sa lamok, ang mga screen sa bintana at pintuan at kulambo.
01:16Magsuot ng tamang damit katulad ng long sleeves at pantalon lalo na tuwing madaling araw at dapat hapon.
01:24Nakakatulong din ang paggamit ng insect repellent.
01:28At sa ating mga komunidad, lumahok tayo sa mga clean-up drive.
01:33Ang aksyon ng laban sa dengue ay proteksyon ng bawat isa sa ating pamilya.
01:38Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos sa bayan at sa bawat pamilyang Pilipino.