Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/30/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:00.
00:10Wala naman daw problema na pauwiin siya sa bansa.
00:12Yan ang sinabi ni dating Congressman Arnie Tevez sa mga opisyal ng Pilipinas
00:16na sumundo sa kanya sa Timor-Leste.
00:19Pero, iginiit niya na pwersahan siyang hinuli ng mga otoridad doon.
00:23Balitang hatid ni Deya Pinlak.
00:25Bago bumiyahe pabalik ng Pilipinas mula Timor-Leste,
00:32tinanggal ang posas at kadena sa paa ng pinatalsik na Negros Oriental Representative na si Arnie Tevez.
00:40Pagtapak sa aeroplano ng Philippine Air Force,
00:42ibinalik ang posas sa kamay, pero hindi na ang kadena sa paa.
00:46Huwag niyo naglagay niyo sa paa.
00:49Kahit sa kamay, huwag niyo.
00:50Hindi na matatakas.
00:51Protokol siya, protokol.
00:53Nang maupo na sa aeroplano,
00:55ikinwento ni Tevez ang pag-aresto sa kanya sa bahay niya sa Timor-Leste.
01:00Dito na rin binasahan si Tevez ng mga karapatan niya,
01:11pati ang patong-patong na kasong haharapin niya sa Pilipinas.
01:14You are under arrest by virtue of the warrant of arrest issue by Manila Port on September 2023 for 10 counts of murder.
01:27Mag-aalas 3 ng hapon,
01:28lumipad na ang aeroplano mag-uuwi sa dating mambabatas na itinuturong utak-umano sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo
01:37at siyam na iba pa sa Pamplona noong 2023 at iba pang pagpatay na iniuugnay sa kanya sa Negros Oriental.
01:45Sandaling tumigil sa Davao International Airport pasado la 7 kagabi ang aeroplano para mag-refuel.
01:51At 11.19 kagabi, lumapag ang aeroplano sa Villamore Air Base sa Pasay kung saan naghihintay na ang kanyang abogadong si Ferdinand Topasio.
02:02Hindi na bumaba ng sasakyan pero naroon din daw ang ina ni Tevez ayon kay Topasio.
02:08Kami naman pong nasa defense team niya ay handa naman po kami na siya ay depensahan.
02:14Sabagat bagamat dalawang taon na siya ay nasa Dili sa Timor-Leste, hindi naman po kami nagpapahinga rito.
02:20Nanindigan si Topasio na dapat sa Villamore Air Base pa lang, makausap na niya agad si Tevez bilang legal counsel.
02:28Dito papasukin nila ako at kausapin ko ang kliyente ko.
02:32So I can advise him of his rights and I can see how he is, if he's injured or if he was in any way mistreated, maltreated or whatever or if any of his rights were violated.
02:45Pero nang subukan ng legal team ni Tevez na pumasok sa gate ng paliparan, hinarang sila ng mga bantay roon.
02:53Kanina nagpahayag si Director Santiago na kapag yung mga abogado ay dumating dito, papayagan naman.
03:02Dagtataka lang ako, ba't hindi nakapag-coordinate sa base security?
03:05Bigo si Natopasio na makausap si Tevez sa Villamore Air Base dahil agad idiniretsyo ng mautoridad si Tevez sa NBI sa Pasay.
03:15Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:18Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended