- 5/29/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00We'll be right back to the Philippines with the Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Tevez.
00:20From Timor-Leste, the aircraft from Philippine Air Force is in Davao City at left out at 8 o'clock in the morning.
00:27Ano mga oras, inaasahang darating na ito sa Villamore Air Base ay kay Pangulong Bombo Marcos.
00:34Panahon na rao para harapin ni Tevez ang kanyang kaso.
00:39The former representative, Representative Arnie Tevez, is now back in the Philippines.
00:47This would not have happened without the assistance of President Horta and Prime Minister Guzmau
00:56of Timor-Leste.
00:58They have been working very hard to bring this to a conclusion.
01:03As we know, the former Congressman Arnie Tevez is facing charges of murder
01:10and other crimes related to the ambush killing of the former Governor de Gamo.
01:17We would like also to assure all our citizens that such lawlessness will not go unpunished.
01:28And it is now time for Arnie Tevez to face justice.
01:33Bakaabang na po sa Villamore Air Base ang matauhan ng NBI na susundo kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Tevez.
01:44At ang update kao na niyan sa pag-saksi live ni Jamie Santos.
01:49Jamie?
01:53Piyang ngayong gabi inaasahan ngang lalapag dito sa Villamore Air Base sa Pasay,
01:59ang eroplanong lulan si dating Representative Negros Oriental 3rd District, Arnie Tevez.
02:05Ay pit ang seguridad sa Villamore Air Base ngayong gabi.
02:09Hindi pinahintulutan ang media na makapasok sa loob.
02:13Tanging sa buka na lang malapit sa Gate 5 nakapwesto ang media na nag-aabang sa pagdating ng dating mambabatas.
02:19Alas 9 ng gabi nang dumating ang mga sasakyan ng taga-NBI na susundo kay Tevez.
02:24Pagkababa ng eroplano, isa sa ilalim si Tevez sa standard booking procedures ng National Bureau of Investigation.
02:31Kabilang dito, ang pagkuhan ng mugshots, fingerprinting at medical check-up para matukoy ang kanyang kondisyon bago siya ilipat sa isang detention facility.
02:41Pagkatapos ng lahat ng proseso sa NBI, ihaharap si Tevez sa Manila Regional Trial Court sa susunod na pagdilig kung saan babasahan siya ng sakdal.
02:51Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Interior and Local Government na ang pagkakaaresto kay Tevez ay pagpapakita ng determinasyon ng Law Enforcement Agency ng Pilipinas
03:01para panagutin ang mga nagtatangkang takasa ng justisya.
03:05Malinaw daw ang mensahe ng gobyerno, walang sino man ang makakaligtas sa batas.
03:11Pinasalamatan din ng DILG ang Ministry of the Interior ng Timor Leste, isang patunin na kahalagahan ng international cooperation sa paghabol sa mga kriminala.
03:20Dumating din ngayong gabi sa Villamore Air Base ang legal counsel na si Atty. Ferdy Tupasho.
03:26Anya, naniniwala ang kampo nila na parte ito ng harassment ng gobyerno sa kanila dahil sa kapalpakan umano ng administrasyon.
03:35Matapos maaresto si Tevez, nagkaroon lang daw siya ng maiksing pag-uusap.
03:39Ang sabi ni Tevez kay Tupasho pagdating sa Pilipinas, ang abogado na raw ang bahala.
03:46Kami naman pong nasa defense team niya ay handa naman po kami.
03:49Na siya ay depensahan.
03:52Sabagat bagamat dalawang taon na siya ay nasa DILI sa Timor Leste, hindi naman po kami nagpapahinga rito.
04:02Pia ilang munginiguto mula ngayon, inaasahang palapag na nga ang eroplanong sinasakyan ng dating bangbabatas.
04:09Mula rito sa Pasay para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
04:14Kinwestyon ng legal team ni dating congressman Arnie Tevez ang pag-deport sa kanya.
04:21Ang Justice Department umaasang haharapin na ni Tevez ang ilang kasong isinampak sa kanya.
04:26Ngayong nakabalik na siya sa bansa.
04:28Saksi, si Salima Refran.
04:30Nakaporsa sa mga kamay at nakatanikala ang mga paa ng pinatalsik na si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Tevez
04:42nang ilabas sa media kanina sa Timor Leste.
04:45Napaliligiran siya ng Timorese authorities.
04:48Pasado alauna ng hapon doon, ay opisyal nang inilipat ang kanyang kustudiya sa composite team
04:53ng Department of Justice, National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration.
04:57Mag-a-alas 3 sa ngapon, lumipad ang aircraft ng Philippine Air Force pabalik ng Pilipinas.
05:24Dahil walang pasaporte, ang embahada na ang nag-issue ng travel document ni Tevez.
05:29Ang pagpapadeport kay Tevez, kuinestro ng kanyang legal team.
05:33May nakabinbin pa raw silang petition for habeas corpus sa corte.
05:39Matapos arestuhin noong Martes ng gabi si Tevez.
05:42Nag-issue po ng order ang Tribunal de Recosos ng Timor Leste
05:49na sinasabing within 48 hours ay iproduce, iharap sa hukuman si Congressman Tevez
05:56upang magpaliwanag ang mga authorities ng Timor Leste, mga executive authorities,
06:01kung bakit siya ay inaresto.
06:04Ngunit ito ay magiging mute and academic.
06:07Ngayon pong siya ay ilalabas na ng Timor Leste at ibabalik na po sa Pilipinas.
06:12There's no granting. There's no granting.
06:16Fake news.
06:17Nauna ng sinabi ng Timor Leste na pinatawa nila ng administrative deportation si Tevez
06:23kasunod ang pananatili sa kanilang bansa ng walang visa o legal authorization
06:28at kanselado pang pasaporte.
06:31Seryoso at di raw katanggap-tanggap ang presensya sa East Timor ni Tevez
06:35na kinasuha ng ilang mabibigat na krimen.
06:38Si Tevez ang tinuturong mastermind sa pagpatay
06:40kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo
06:43at siyang na iba pa noong 2023.
06:46May tatlo pang kaso ng murder si Tevez
06:49para sa tatlong magkakahiwalay na pagpatay noong 2019.
06:52I-uwiin natin siya para maharap niya.
06:55Aharapin niya lahat ng mga paratang sa kanya
06:57na nauukol sa pagpatay kay Governor Roel de Gamo
07:03at sa labing dalawa pang tao.
07:06He'll be brought to court para ma-arrange siya.
07:09Tiniyak naman ni Sekretary Rimulya na magiging patas ang proseso ng husisya.
07:13Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Rafran, ang inyong saksi.
07:19Labing isang patay sa tatlong magkakahiwalay na absidente sa Quezon City, Benguet at Davao Oriental.
07:26At isa po sa mga biktima, naghihintay lang ng masasakyan sa waiting shed na binanga ng 18-wheeler.
07:33Saksi, si James Agustin.
07:38Nagulat ang driver na ito sa mabilis na pagsulpot ng isang trailer truck
07:42mula sa kabilang nay ng Batasan San Mateo Road sa Quezon City kagabi.
07:52Sumampang truck sa Center Island, binanggang poste ng ilaw, tsaka nagdire-diretsyo patawi.
07:58Nahagip ng truck ang kotse sa harapan nito at inararong isang AUV at tumotorsiklo.
08:03Sa isa pang dashcam video, kita kung paano tumagilid at tumilapon ang container van ng truck.
08:12Pasagbasag ang windshield ng 18-wheeler.
08:14Sa lakas po ng pagkakabanggay, kumalas itong container van na ito mula dun sa truck
08:18at nagdire-diretsyo yung tractor head.
08:20Dito sa waiting shed, binanggang ilang pang mga sasakyan
08:23hanggang sa huminto na yung truck sa bahagin iyon ng kalsada.
08:27Dead on the spot ang 38-anyo sa lalaking naghihintay ng masasakyan sa waiting shed.
08:34Isa pa ang nasa wisa di kalayuan, pero hindi patukoy ang pagkakakilanlan.
08:39Dead on arrival naman sa ospital ang 49-anyo sa lalaking nakaangkas sa motorsiklo.
08:43Ang gasping na siya, unconscious. So meron siyang sugat sa likod ng ulo and namamaga na rin.
08:50So meron siyang ibang gasgas, abulsion sa kaliwang sigo.
08:55Ang biktima nakausap pa raw ng kanyang pamangking kahapon at nagsabing pupunta siya sa San Mateo Rizal.
09:00Masakit para sa akin mawala ng TUN kasi parehas lang naman kami na bumubuhay sa lolo ko, sa pamangking namin.
09:10Pero yun nga, sana panagutan na lang ng driver at si yung company ng driver yung nangyari sa tito ko.
09:17Pito ang nasugatan sa disgrasya kabilang isang motorcycle taxi rider.
09:21Inan ako pa po siyang umiwas pero hindi na ako nakaiwas. Kasi medyo maraming batong tumama sa akin. Yung po yung nagkos ng pagkasemplang ko.
09:32Nasugatan din ang ilang sakay ng kotseng Yuping-Yupi ang likurang bahagi.
09:36Sobrang bilis, hindi ko na napansin sa salamin ko eh.
09:39Nasa ko sudiyan na ng QCPD Traffic Sector 5 ang 38-anyo sa truck driver at sinuspindi na ng LTO ang kanyang lisensya.
09:47Aniya, galing silang Maynila at magdedeliver sana sa Marikina.
09:49Ipalusong ko kami sir sa stoplight. Ipalusong ko. Eh bigla akong huwila yung preno.
09:56Eh hanggang sa wala na. Hindi ko na ako makontrol. Dire-direto na ako.
10:00Kaya no choice ako. Kaya yung manibela, isa sa naulimig ko.
10:04Magpasyasyon na. Hindi ko talaga gusto naman mangyayari yung gano'n.
10:08Dahil accidente nga ako talaga.
10:09Initial investigation po natin, itong truck po na to, nawalan daw siya ng control.
10:14Naharap ang truck driver sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide,
10:20multiple physical injuries, and damage to properties.
10:25Wasak naman ang harapang bahagi ng truck na magdedeliver sana sa La Trinidad, Benguet.
10:30Pero nadisgrasya kanina madaling araw sa Baguio City.
10:33Bumanga ito sa kasalubong na utility van, sumalpok sa ilang traffic sign,
10:37at tumama sa nakaparad ng SUV at AUV sa gilid ng kalsada.
10:41Mababa siya, mabilis, at medyo pag-iwang-giwang.
10:45At to, nabanggan niya, yung nakasalubong niyang paakyat naman ng bukawkan.
10:50Nasawi ang truck driver at dalawang kasama niya.
10:52Sa tindi ng pinsala sa truck, gumamit ng metal saw ang mga responder para maialis sa tatlo.
10:57Sugata naman at inoobserbahan sa ospital ang driver ng utility van.
11:00Patuloy pa rin po, inaalang kung ano't laga yung siya.
11:04Kasi initially po, is human error. So ongoing pa rin yung pag-investigate.
11:09Sa Karagatawa Oriental, isang dump truck ang nahulog sa banging may lalim na 80 metro.
11:14Lima ang nasawi matapos man umaipit ng truck at mga graba.
11:17Sugata naman ang driver at apat pang sakay ng truck.
11:20Pawang mga tauhan daw sila ng isang construction company.
11:23Inimbisigahan pa ng mga pulisang insidente.
11:45Sinusubukan pangkuna ng pahayag ang truck driver at ang construction company pero wala pa silang tugot.
11:50Para sa Gemma Integrated News, ako si James Agustin, ang inyong saksi.
11:56Para-paraan ang ilang motorista para hindi mahuli sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.
12:02Pero babala po ng MMDA, hindi uubra ang ganyang estilo at may karampatang parusa ang mahuhuli.
12:09Saksi si Joseph Moro.
12:11Fist mask pero sa plate number na kalagay?
12:16O eto, plate number na tinapalan ng tipang ilang letra at numero.
12:20Ayon sa MMDA, diskarte yan ang ilang motorista para hindi mahuli sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.
12:27Pero hindi raw yan uubra sa MMDA.
12:29At natatakpan lang yung dalawa.
12:31So may way naman yan of backtracking yung mga plaka na yan at yung mga gumamit ng ruta na yan.
12:39Kahit pa buong plaka ang natatakpan, di raw yan makakalusot.
12:42Dahil pwede pa rin mahuli ng mga nakamasina traffic enforcer.
12:46Kung gagamit naman ang peking plaka, maaaring pagmultahin ng 5,000 piso at masuspindi ang driver's license.
12:52May license plate recognition software tayo. So pagdumaan yan ulit, mare-replug yan sa amin.
13:00At mapapaharang natin. At kakasuhan natin, creamy na niyo.
13:04Paalaalan ng MMDA exempted ang mga rumiresponding ambulansya, fire trucks at mga polismobili sa NCAP.
13:11Ang iniiwasan ng MMDA ngayon magamit ng mga blinker o sirens ng kahit na anong sasakyan.
13:17We have to make sure through manual review na talagang legitimate yan.
13:22Pag na-flug yan, pag nakita naman ang ating reviewers na emergency vehicle, automatic yan, i-invalidate yung red flag.
13:30Di na dadating na may notice of violation?
13:33Wala na, hindi na.
13:34Para lalong paigtingin ang pagbubuntay sa Metro Manila, nasa 60,000 CCTV camera ang planong ilagay.
13:41Ayon sa DILG, ganyang karami dapat ang kamera batay sa lawak ng Metro Manila.
13:46Sinubukan naman namin ang ilang rerouting scheme na inilabas ng MMDA bilang paghahanda sa pagkukumpani sa EDSA simula June 13.
13:53Base sa rerouting plan ng MMDA, pwede kaming dumaan sa Skyway.
14:00Tingnan natin kung ilang minuto at kung saan kami pwede mag-exit pagpapunta kami ng Manila.
14:05Sa Quezon Avenue sa Quezon City, papasok ng Skyway Stage 3, tukod na ang mga sasakyan.
14:12Mabuti na lamang at sa taas maluwag pa.
14:14Wala pang 6 na minuto, nasa may nagtahan exit na kami.
14:18At pagkatapos ang 3 na pang minuto, nasa may brandia exit na kami na pwede ang labasan, papuntang Makati at Pasay.
14:24At pagkatapos ng 14 na minuto, mula nang umalis kami sa Quezon City, nasa may airport na kami.
14:30Sa ngayon, mabilis pa. Pero aminado ang MMDA na maaaring problema nga ang pagpasok at paglabas ng Skyway na alternatibo sa EDSA.
14:39Nakikipagugnayan na sila sa DPWH at mga lokal na pamahalaan para sa traffic management at para maglagay ng mga sign sa mga kalim bahagi ng rerouting plan.
14:49Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
14:54Patuloy na nadaragdagan ang mga kumpirmadong kaso ng MPOX sa bansa.
14:58At sa gitna po niyan, may mga LGU na naghikpit na sa pagsusot ng face mask.
15:04Saksi, si Femarie Lumabok ng GMA Regional TV.
15:10Mas nag-iingat ngayon ng mga taga-Iloilo, kasunod ang naitalang kaso ng MPOX sa kanilang probinsya.
15:16Ayon sa Iloilo Provincial Health Office, walang travel history ang pasyente.
15:20Currently, on home isolation, ang mga close contact si me, naka-isolate man, pag-based sa aton monitoring, wala sa liha po nakitaan sa mga sintomas sa MPOX.
15:32Bago yan, isang kaso rin ng MPOX ang naitala sa Iloilo City.
15:36Patuloy naman ang monitoring sa apat na suspected.
15:40Sa Talisay City sa Cebu, isang kaso ng MPOX na ang kumpirmado.
15:44Ayon sa kanilang alkalde, nasa early 20s ang lalaking tinamaan ng sakit na naospital noong unang linggo ng Mayo,
15:51matapos makitaan ng sintomas kaya ipinasuri.
15:54Agad siyang sumailalim sa quarantine hanggang sa nasawin noong linggo.
15:58Pero paglilinaw ng alkalde, hindi impacts, kundi comorbidity ang ikinasawin ng pasyente.
16:05We have an MPOX case, but the death of that patient was not because of MPOX.
16:11That is what I wanted to clarify as to not cause panic to our constituents.
16:16May kumpirmado na rin kaso ng MPOX sa Davao de Oro, naitala ito sa bayan ng Mako.
16:21Fully recovered din na ang pasyente, pero may isa pang suspected case roon.
16:25Sa Zamboanga City, umakyat na sa lima ang suspected na kaso ng MPOX.
16:30Ayon sa Zamboanga City Health Office, is nailalim na sila sa investigasyon at hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.
16:37Dahil sa tumataas na kaso ng MPOX sa bansa, mas mahigpit ang pag-iingat sa iba't ibang lugar.
16:42Sa Davao del Sur, kung saan isang kumpirmadong kaso ng MPOX na ang naitala, ipinag-utosan ng gobernador ang mandatory na pagsusuot ng face mask.
16:53Pinaalalahanan din ang mga residente na mag-social distancing at palaging maghugas ng kamay para iwas sakit.
17:00Nagpapatupad na rin ng no face mask, no entry sa mga empleyado ng Barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City.
17:07Hindi mandatory ang patakaran para sa mga may transaksyon sa Barangay Hall,
17:12pero may ipinamimigay silang libring face mask para sa mga pupunta roon.
17:17Para sa GME Integrated News, ako si Femery, dumabok ng GME Regional TV, ang inyong saksi!
17:25Dalawang trabahador ang patay matapos gumuho ang kisame sa nire-renovate na istruktura sa Pasay City.
17:32At nakitaan po ng iba't ibang paglabag ang ginagawang renovation.
17:37Saksi, si Jomer Apresto.
17:41Oras ang kalaban sa search and rescue operation sa isang lumang water refilling station sa Pasay City.
17:46Nire-renovate ang istruktura nang biglang gumuho ang kisame.
17:50Limang trabahador ang natrap.
17:52Dalawas sa kanila ang patay.
17:54Isang senior citizen na foreman at isang construction worker.
17:57Tatlo ang sugatan.
17:59Si Rosalinda, nagtitinda sa gilid lang ng water refilling station na mahigit isang taon nang hindi nag-ooperate.
18:05At kailan lang sinimulan i-renovate.
18:07Mabuti na lang daw at hindi sila agad nagbukas noong mga oras na nangyari ang insidente.
18:11Kung napaga po kami, talagang dami kami na asawa ko.
18:14Kasi po dyan kami sa bintana, malakas yung impact ng mga bubog.
18:20Kasi umabot pa po dito eh.
18:21Ayon sa mga polis, iligal ang ginagawang renovation.
18:25Wala o manong tamang safety gear ang mga biktima.
18:28Hindi rin daw matibay ang pundasyon.
18:29Wala pong metal escape po.
18:31Hindi nga tinukuran lang ng mga kahoy.
18:34Initial investigation po, no building permit po talaga yung ginagawang estruktura.
18:40Kaya po, dun pa lang po mayroon na po silang violation.
18:45Pusibleng maharap ang may-ari ng estruktura sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
18:49Sinusubukan namin makuha ang kanyang panig.
18:52Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto.
18:55Bago sa saksi, nagkaroon po ng minor phreatic eruption ang Bulkan Daal pasado alas 9 ngayong gabi.
19:08Nagtagal ito ng apat na minuto at ayon sa Feebox, umabot na maging isang libong metro ang taas nang ibilogan itong usok.
19:16Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan at ipinagbabawal ang paglapit o paglipad malapit sa tukto.
19:23Magiging bagong hepe ng PNP si CIDG Chief Major General Nicolás Torre III na nanguna sa pag-aresto kinadating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apolo Quiboloy.
19:35Bukod po sa kanya, nagtalaga rin ang bagong Solicitor General ang Pangulo.
19:40Saksi si Ivan Mairina.
19:42Tensyonado ang mga tagpo ng arestohin noong Marso si dating Pangulong Rodrigo Duterte bago siya madala sa The Hague, Netherlands.
19:59Ang nanguna noon sa operasyon, si Criminal Investigation and Detection o CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
20:06Siya rin ang nanguna sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apolo Quiboloy noong nakarang taon na ilang linggo nagtagal.
20:15Director pa siya noon ng Davao Police Regional Office.
20:18Ang dalawang malalaki misyong ito, kabilang daw sa mga naging dahilan sa pagpili kay Torre bilang bagong hepe ng Philippine National Police simula June 2 ayon sa Palacio.
20:29Si Presidente always demands performance. Kahit na ano yung pinagawa sa'yo, you must exhibit some level, high degree level of performance.
20:43But there may be other qualities of General Torre that he might have considered.
20:48Lahat ng promotion reward yan, but most promotions are given on merit. So let us assume that this was given on merit.
20:57Naging hepe ng Quezon City Police District si Torre, hanggang magbitiw siya sa pwesto.
21:02Kasunod niya ng kontrobersyang, pinaboran naman niya ang road rage suspect at dating polis na si Wilfredo Gonzales.
21:10Si Torre ang unang graduate ng Philippine National Police Academy o PNPA, na ahawak sa pinakamataas na pwesto sa pulisya.
21:17Ngayong araw naman nanumpa bilang bagong Solicitor General sa UP College of Law Dean at dating Chief Executive Officer na Pag-ibig Fund, Darlene Berberabe.
21:27Bilang Solicitor General siya ang inaasahang kumatawan sa gobyerno sa mga kasong kinakaharap nito.
21:32Papalitan ng Berberabe si Minardo Guevara matapos tanggapin ng Pangulo ang kanyang courtesy resignation.
21:39Kamakailan naging kontrobersyal si Guevara matapos mag-recuse o tumanggi mag-abugado para sa gobyerno
21:44sa habeas corpus petition sa Korte Suprema ng magkakapatid na Duterte matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
21:51Pero ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, posibleng wala itong kinalaman sa desisyon ng Pangulo.
21:57I don't think that that was a factor at all. He and the President had a conversation about this
22:03and the President respected his ethical decision to recuse.
22:10Now if there was a reservation about his professionalism at that time, the President could have already removed him.
22:18Binati naman nag-ibarang kapalitan si Berberabe na tinawag niyang magiging mahusay na Solicitor General.
22:26Tinanggap din ang Pangulo ang pagbibitiyo ng CHED Chairperson Prospero Devera
22:29na papalitan ng CHED Commissioner Shirley Agrupis.
22:32Isang Duterte appointe si Devera na noon pang 2018 hawak ang posisyon.
22:36Sa isang pahayag, sinabi ni Devera na tinatanggap niyang pasya ng Pangulo kasabay ng pagpapasalamat sa pagkakataong maglingkod sa CHED.
22:59Hindi naman tinanggap ng Pangulo ang courtesy resignation ni na interior local government Secretary John Vic Remulia,
23:06Justice Secretary Boing Remulia at Defense Secretary Guibot Chudoro, kaya mananatili sila sa pwesto.
23:12Patuloy namang sinusuri ng Pangulo ang mga naging performance sa iba pang kalihim ng kanyang gabinete.
23:17Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
23:21Iniurong ni Senate President Cheese Escudero sa June 11 ang presentasyong hudyat ng pagsisimula ng mga impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
23:46Saksi, si Maki Pulido.
23:51Nasukat na ng ilang senador ang robe na kanilang gagamitin pag upo bilang Senator Judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
24:00Una nila itong gagamitin pag nag-convince sila bilang isang impeachment court.
24:04Ito ang session call ng Senado at dito gaganapin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
24:11Dito rin ginanap ang impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada at ni dating Chief Justice Renato Corona.
24:17Dito sa floor, ito'y pwesto, of course, ang senator judges, pati ng prosecution panel at ang depensa.
24:26Bukas naman ang gallery para sa media pati sa publiko na gustong manood ng impeachment trial.
24:32So, itong setup na ito ay para sa regular session ng Senado.
24:37So, babaguhin pa nila ang pwesto ng mga silya.
24:40Pero sa pwestong ito raw, ilalagay ang witness stand na ginamit ng impeachment ni dating Pangulong Estrada
24:48at ngayon gagamitin muli para sa impeachment ni Vice President Duterte.
24:53Nilabas mula sa Senate Museum ang witness stand na ginamit ng impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2000
25:00at ngayon naka-standby sa gilid ng session hall.
25:03Hinandaan na nila itong mga silid na ito.
25:05Isa ito, ang Tolentino Room.
25:08Hinahanda yan either para maging kwarto ng prosekusyon o ng depensa.
25:13Dito sila mag-huddle, dito sila mag-meeting habang isinasagawa ang impeachment trial.
25:18Maliban sa Tolentino, ay ito naman ang Quezon Room.
25:22Pero hindi pa natin alam sa ngayon kung ito ay gagamitin ng prosekusyon o ng depensa.
25:28Katabi ng dalawang kwartong ito, ay ito naman ang multi-purpose room.
25:32So, itong kwartong ito ay gagamitin naman para sa media na magko-cover ng impeachment trial.
25:39Kung titignan ninyo, medyo maluwag ang kwartong ito dahil dito, prepuesto,
25:45ang mga media na magko-cover ng impeachment trial.
25:48Ito ay gagamitin ng mga galing sa TV, ng print, ng radyo, at ng online.
25:54Ang mga paghahandang ito nagaganap halos kasabay ng pagdating ni VP Sara sa The Hague Kagabi,
25:59Oras sa Pilipinas, kasama ang kapatid ni Pangulong Marcos na si Senadora Aimee,
26:04na isa sa mga uupong senator judges.
26:05Naka-schedule siya makipagkita sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bukas at sa lunes.
26:12Sa Sabado naman, ang ika-47th birthday ni VP Sara,
26:15makikisa siya sa pagtitipon ng mga Pilipino sa The Hague sa mismo harapan ng International Criminal Court.
26:22Ngayong 19th Congress, magko-convene bilang impeachment court ang Senado.
26:26Pero sabi ni Sen. Electito Soto,
26:28may tanong pa kung maaari bang itawid ang impeachment mula 19th to 20th Congress.
26:33In principle, ayon kay Sen. Wynn Gachalian, pwede naman ito.
26:37In principle kasi ng Sen. is a continuing body.
26:41Kaya merong 12-12.
26:4312 ang incumbent katulad ko, may 12 na bago.
26:46So continuing body siya.
26:48So yung principle na yan,
26:50tingin ko maa-apply yan sa mga ganitong sitwasyon tulad ng impeachment.
26:56Tingin ni Sen. Joel Villanueva,
26:58functional pa rin ang isang impeachment court kahit na magbago ang membro nito.
27:01Pero dahil ngayon lang naman daw itong mangyayari,
27:04maaari naman anya itong kwestiyonin ni VP Sara sa Korte Suprema.
27:08I think the ESP is looking forward to having a caucus before the opening.
27:13Sumulat naman si Sen. President Giz Escudero sa camera
27:16para iurong ng House Prosecution Panel
27:19ang presentation ng Articles of Impeachment.
27:22Imbes na sa June 2, gagawin na ito sa June 11.
27:25Anin na session day na lang kasi ang natitira
27:27bago mag-adjourn ng Kongreso sa June 14.
27:30At may labing dalawa pang prioridad na panukalang kailangan anyang ipasa.
27:34Bukod pa yan sa mahigit dalawanda ang presidential appointee
27:38na kailangang dumaan sa Commission on Appointments.
27:41Kinumpirma naman ang kamera na natanggap nila ang liham.
27:44Ang presentasyon ng Articles of Impeachment
27:46ang unang hakbang para simula ng impeachment proceedings sa Senado.
27:49Kaya ayon kay Sen. Secretary Renato Bantug,
27:52dahil mauurong ang presentasyon ng Articles of Impeachment,
27:55mauurong din ang pagkukonvene ng impeachment court
27:57na dapat sanay sa June 3.
28:00Para sa GMA Integrated News,
28:02makipulido ang inyong saksi.
28:05Arestado ang Chinese national na wanted
28:08dahil sa pagtangay-umanon ng milyong pisong halaga ng cryptocurrency.
28:12Ang suspect, top executive daw,
28:15na nagsarampogo sa Makati City.
28:17Saksi si June Veneracion.
28:24Paglabas ng isang five-star hotel sa Makati,
28:27pinusasan at inaresto ang isang target at Chinese national.
28:30Dahil nga po, isang luxury hotel po ito,
28:33iniiwasan po na magkaroon ng skandal at the same time po,
28:37commotion sa loob.
28:38Ang arestado ng Chinese,
28:39top executive daw nang nagsarampogo sa Makati.
28:43May kinakaharap siyang 18 counts ng qualified theft.
28:45Siya po ay isang finance executive,
28:48so siya po ang nagmamanage ng mga expenses,
28:51cash transactions po within and outside po ng company po.
28:55Batay sa impormasyon ng intelligence unit na Makati Police,
28:58milyong pisong halaga ng cryptocurrency daw ang tinangay ng suspect.
29:02Sabi ng suspect,
29:03nagulat siya sa pag-aaraso sa kanya
29:05dahil hindi niya raw alam na may kinakaharap siyang kaso.
29:08Would you like to address the very serious allegations against you?
29:12I think I need to talk to my lawyer and my company first
29:16because I'm not sure the situation yet.
29:20Sa barangay San Roque, Antipolo City,
29:23nasa kote ng mga operatiba ang isang lalaking tulak o bono ng iligal na droga.
29:27Napagbilhan siya ng shabu ng isang polis na nagpanggap na buyer,
29:30segre saang buy bus.
29:32Ang suspect,
29:33isa raw sa mga high value target ayon sa polis siya.
29:35Yung kanyang kumbaga naging amo is arrested
29:40and from there nagkaroon ng follow-up operation.
29:44Mabot po ng more or less two weeks
29:47since the arrest of his immediate handler.
29:54Then,
29:55based on the details na pinigay sa ating operatiba,
30:00ay natuntun natin itong isa pang high value individuo.
30:02Na kumpis ka sa kanya ang aling na pakete ng umano yung shabu
30:05na tumitimbang ng humigit kumulang 310 grams
30:09at nagkakahalaga ng 2.1 milyon pesos.
30:12Sa custodial facility ng Antipolo City Police Community Precinct 2,
30:17nakakulong ang suspect.
30:19Sasampahan siya ng iklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
30:24Para sa GMA Integrated News,
30:26June Van Arasyon ang inyong saksi.
30:28Iilan pa lamang sa mga kumandidato sa eleksyon 2025
30:32ang nagpasa ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSI.
30:38Ayon po yan sa COMELEC.
30:41Iyan po ay kahit halos dalawang linggo na lang
30:43bago ang deadline nito sa June 11.
30:46Saksi si Sandra Aguinaldo.
30:47Ngayong tapos ng eleksyon,
30:53panahon na ng pagpa-file ang Statement of Contributions and Expenditures o SOSI
30:57ng mga kandidato na naluman o natalo.
31:02Sa SOSI ay dinedeklara ang detalya ng pinagkagastusan nila sa eleksyon,
31:06ang natanggap nilang donasyon,
31:08at maging konsino ang mga donor.
31:10Sa June 11 na ang deadline ng filing ng SOSI.
31:13Pero ayon sa COMELEC, kakaunti pa lang ang nagsusumite.
31:17Wala pang sampuan ang nagpapasa ng SOSI,
31:19at least dito sa main office ng COMELEC.
31:21Dito kasi sa main office ang tinatanggap natin
31:24ay mga posisyon ng senadora at kongresista at party list.
31:29Nauna nang sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia
31:33na bubusisiin nila ang mga isusumiting SOSI,
31:36gaya halimbawa ng mga kandidatong inendorso
31:39ng mga artista at influencer.
31:41Kailangan pasok sa limit sa ilalim ng batas
31:44ang gastos ng mga kumandidato.
31:47Sa Republic Act 7166,
31:50tatlong piso kada registered voter
31:52ang pwedeng gastusin ng tumatakbong senador at party list.
31:56Limang piso kada butante naman
31:59kung walang suporta ng partido ang tumatakbo.
32:03Samantala, naghahanda na ang COMELEC
32:05sa parliamentary elections
32:07sa Bangsa Borough Autonomous Region
32:09in Muslim Mindanao o BARM.
32:11Pero nababahala ang komisyon
32:12na hanggang ngayon,
32:14hindi pa malinaw kung ano ang gagawin
32:16sa 7 parliamentary seats
32:18na nakalaan para sa lalawigan ng Sulu.
32:21Matatandaang sa desisyon ng Korte Suprema,
32:24hindi isinama ang Sulu sa BARM
32:26na dapat ay may 7 upuan sa BARM Parliament.
32:30Para maabot ang kabuang 80 seats,
32:32kailangan magpasa ng batas
32:34ang Bangsa Borough Transition Authority
32:35para maipagmahagi sa mga kasamang lalawigan
32:38ang 7 upuan ito.
32:40As far as the community is concerned,
32:42doon na lang po mula kami maghahanda sa 73.
32:45Kasi kung didelay namin yung aming mga preparasyon
32:48dahil lang doon sa paghihintay sa 80 seats
32:51para po madagdag yung 7,
32:53baka po kasi makulangin kami sa panahon.
32:57Kauglay naman sa barangay ng SK Elections sa Desyembre
33:00na nawagan ng Komilex sa administrasyon
33:03na bigyan din ang dagdag na 2,000 pesos
33:06ang mga gurong magsisilbi
33:08gaya ng natanggap ng mga guru sa nagdaang eleksyon.
33:12Hiningan parami na reaksyon dito ang Malacanang.
33:15Para sa GMA Integrated News,
33:18Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
33:21Tinalakay sa isang mediation conference kanina
33:24sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City,
33:27ang posibing settlement sa kasong estafa
33:29na inihay na GMA Network
33:30laban sa Television and Production Exponents
33:33o TAPE Incorporated.
33:35Saksi, si Marie Zumali.
33:41Nagharap ngayong tanghali sa Office of the City Prosecutor
33:44ng Quezon City,
33:45ang mga abogado ng GMA Network Incorporated
33:47at TAPE Incorporated.
33:48Ipinatawag ang magkabilang kampo
33:50para pag-usapan ang posibilidad na settlement
33:53sa isinampan ng GMA na kasong kriminal na estafa
33:55laban sa TAPE
33:56dahil sa hindi pag-remit sa network
33:58ng halos 38 million pesos na ad revenues
34:01na nakalaan na dapat sa GMA
34:03sa ilalim ng isang assignment agreement.
34:05We want to collect the amount that was misappropriated,
34:08the amount that should have been given to GMA
34:10but was not remitted by the officers of TAPE.
34:13We have been waiting for the remittance
34:15of the ad revenues.
34:17Unfortunately, despite repeated demands,
34:19hindi nabigay sa atin yun.
34:22Hindi naman daw'y kinakailanang TAPE Incorporated
34:25na may obligasyon pa sila sa GMA.
34:27I think TAPE naman is not denying
34:29that there's a collectibles to them,
34:31to the corporation.
34:33Maybe the main contention only
34:34is whether it's civil or criminal.
34:36Wala pang napagkasundoan ngayon
34:38ng dalawang panig at sa halip
34:39ay tinakda ng prosecutor's office
34:41na magkita muli sila sa June 11
34:43para malaman kung tatanggapin
34:45ng GMA Network Incorporated
34:47ang magiging alok ng TAPE Incorporated.
34:50We have been saying din naman
34:51that management is open
34:53to listen and to see
34:55what offer they have
34:57and if it's reasonable,
34:59we can decide on what to do about it.
35:02Under the rules,
35:03yung mediation kasi
35:05is also dependent on the complainant
35:06if they are willing
35:07or open for settlement.
35:10So in this particular case kasi,
35:12maganda na nalaman natin
35:13on the part of GMA
35:14that they're open for settlement.
35:17Sakaling mabigo ang mediation
35:18sa June 11,
35:20tuloy na ang preliminary investigation
35:21ng kaso
35:22at sa korte na nila
35:23pag-uusapan ang merito ng kaso.
35:25Para sa GMA Integrated News,
35:27Maris Umali ang inyong
35:28Saksin.
35:34Biglang bumigay
35:36ang entabladong tinatayuan
35:37ng isang banda
35:38at ilang estudyante sa Peru.
35:40Nangyari po yan
35:41habang nagtatanghal sila
35:42para sa anibersaryo
35:44ng paaralan.
35:45At sa mga otoridad,
35:46labing dalawang
35:47na sugatan
35:48na nagpapagaling na
35:49sa paggamutan.
35:53Sisters Got the Beat!
35:55Noong una po,
35:55inakalang simple
35:56o simpleng song performance lang
35:58ang ipapamalas
36:00ni Sister Mariselle
36:01Casciano
36:02sa isang TV show
36:03sa Brazil.
36:05Pero nagulat na lamang
36:06ang mga manonood
36:07nang bigla siyang
36:08mag-beatbox.
36:16At ang kasama niyang madre,
36:19e bigla namang
36:19in-adjust
36:20ang kanyang sayaw
36:21para sumakto sa beat.
36:22Papasok po sa seryeng
36:31Mga Batang Riles
36:32ang Taylor Lautner
36:34lookalike
36:34at mukha
36:35ng sikat na
36:36What Happened?
36:37meme
36:38na si Christopher Diwata.
36:40Kung ano
36:40ang kanyang magiging role,
36:42yan po,
36:43ang dapat abangan
36:44sa tumitinding mga ganap
36:46sa action-packed series
36:47na malapit
36:48ng magfinale.
36:49Kinilala sa
36:53Asia-Pacific Broadcasting
36:54Plus Awards
36:55ang Panata
36:56Contra Fake News
36:57campaign
36:58na pinangunahan
36:59ng GMA Network.
37:01Nanalo sa kategoryang
37:02Best Multi-Platform
37:03Campaign
37:03ang Panata
37:04Contra Fake News
37:06na inilunsad
37:07sa pangunan
37:08ng GMA Integrated News
37:09katuwang
37:10ang halos
37:1160 grupo
37:12mula sa
37:13pinakamalalaking
37:14media at
37:15academic institutions
37:16sa bansa.
37:17Kampanya po ito
37:18para labanan
37:19ng maling impormasyon
37:20sa iba't ibang
37:21platform
37:21kabilang na
37:22ang Fact-Checking
37:23Initiatives
37:24at
37:25ang GMA Masterclass
37:26Eleksyon 2025
37:28Dapat-Totoo Series
37:29na nileho ka
37:30ng mahigit
37:3112,000 estudyante
37:32sa Luzon,
37:34Visayas
37:35at Mindanao.
37:37Bahagi po
37:37ng adbukasya
37:38ang mga
37:39komprehensibong
37:40special report,
37:42interactive
37:43multimedia content
37:44at iba pang
37:45content sa TV
37:46at digital
37:47platforms
37:48naabot
37:49ng kampanya
37:50ang mga
37:50manunood
37:51at netizens
37:52para tulungan
37:53silang
37:53hindi mabiktima
37:54ng fake news.
37:57Para kay Senior Vice President
37:58and Head of GMA Integrated News,
38:00GMA Regional TV
38:01and Synergy,
38:02Oliver Victor B. Amoroso,
38:04ang pagkilalang ito
38:06ay karangalan
38:06at panawagan
38:08para umaksyon.
38:09Sinasalamin din ito
38:11ang panata
38:11ng GMA News
38:13o GMA Integrated News
38:15sa pamahayag
38:16na may kredibilidad
38:17at pakikipagtulungan
38:19sa mga komunidad
38:20at institusyon
38:21para protektahan
38:22ang katotohanan.
38:27Salamat po
38:28sa inyong pagsaksi.
38:29Ako si P.R. Canghel
38:30para sa mas malaking isyon
38:32at sa mas malawak
38:33ng paglilingkod
38:34sa bayan.
38:35Mula sa GMA Integrated News,
38:37ang news authority
38:38ng Filipino.
38:40Aga bukas,
38:41sama-sama po tayong magiging
38:42saksi!
38:50Mga kapuso,
38:51maging una sa saksi.
38:52Mag-subscribe sa GMA Integrated News
38:54sa YouTube
38:54para sa ibat-ibang balita.
38:56lag-subscribe sa GMA
Recommended
17:07
|
Up next
34:46
35:56
30:41
37:27
42:50
37:49
45:39
39:43
30:09
25:00
38:14
30:01
38:43
37:52
34:15
38:05
28:26
28:24
29:14
39:01
17:48
35:35
20:05
38:27