Skip to player
Skip to main content
Skip to footer
Search
Connect
Watch fullscreen
Like
Comments
Bookmark
Share
Add to Playlist
Report
State of the Nation: (Part 1) Deportation ni Teves; Truck nang-araro; MPOX sa 'Pinas; Atbp. | SONA
GMA Integrated News
Follow
5/29/2025
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
News
Transcript
Display full video transcript
00:00
Zumba instructor
00:02
Sa gitna ng pagsasalita ng lalaking Zumba instructor na yan sa Coronadal,
00:08
bigla siyang inagawa ng mic ng isang babae.
00:11
Ang dahilan ng babae, sila lang daw ang kinikilalang Zumba group ng Provincial LGU.
00:17
Kinontraya ng ibang grupong nasa sports complex,
00:20
hanggang sa may nag-off ng mic at inagaw ito sa babae.
00:25
Pero sa galit ng babae, sinakmal niya ang mukha ng lalaki.
00:29
Maya-maya, isa pang lalaking Zumba instructor ang dumating at nagkasuntukan sila ng naunang lalaki.
00:36
Nang huminahon, nagkaayos ang dalawang Zumba instructor.
00:39
Pero di nakipag-areglo ang babaeng ng agaw ng mic.
00:43
Sinusubukan pa siyang kunan ang pahayag ng GMA Integrated News.
00:47
Suspendido na muna ang Zumba sessions sa sports complex.
00:53
Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagkumpirmang na ibalik na sa Pilipinas
00:58
si dating congressman Arnie Tevez na ipinadeport ng Timor Leste.
01:03
Kiresyon naman ng kampo ni Tevez ang deportation dahil may nakabibin pa raw silang petisyon.
01:08
May report si Salimare Frank.
01:10
Matapos arestuhin Martes ng gabi ng Immigration Police sa loob mismo ng kanyang bahay sa kabisera ng Timor Leste sa Delhi
01:21
at idetene sa Ministry of the Interior.
01:23
Lord! Lord!
01:27
Katagayaw ni Tevez Mayona.
01:30
Kanina, iniharap sa media sa Timor Leste, si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Tevez.
01:37
Nakaposas ang kamay at may tanikala ang mga paa.
01:40
Dinala siya sa airport matapos patawa ng Timor Leste government ng administrative deportation
01:44
dahil sa pananatili sa kanilang bansa ng walang visa o legal authorization at kanseladong pasaporte.
01:52
Matapos ilipat ang kanyang kustudiya sa composite team ng Department of Justice, NBI at Bureau of Immigration,
01:59
isinakay si Tevez sa aircraft ng Philippine Air Force.
02:02
Nakiusap siyang huwag na siyang pusasan.
02:03
Nakusaposasan.
02:10
Dahil kanselado ang pasaporte ni Tevez, inisuhan siya ng travel document ng Embahada ng Pilipinas.
02:18
Mag-aalas 3 ng hapon, inilipad siya, pabalik ng bansa.
02:23
Habang nasa aeroplano, sabi ni Tevez,
02:25
Pinapasuot sana sa kanyang NBI vest, pero
02:39
Binasa ang warrant of arrest laban sa kanya at ang kanyang mga karapatan.
02:49
Matapos ang ilang oras, lumapag sa Davao ang eroplanong sinakyan ni Tevez.
03:01
Kinumpirma ito mismo ni Pangulong Marcos.
03:04
The former representative, representative Arnie Tevez, is now back in the Philippines.
03:11
It is now time for Arnie Tevez to face justice.
03:15
Dalawang taong hinabol ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi kay Tevez
03:20
na itinurong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel de Gamo
03:25
at siyam na iba pa noong 2023.
03:28
Bukod pa riyan ang tatlo pa niyang kaso ng murder
03:30
para sa tatlong magkakahiwalay na pagpatay noong 2019.
03:35
He'll be brought to court para maaaring siya.
03:37
Ang legal team ni Tevez,
03:39
kunaikwestyo ng pagpapadeport sa kanya
03:41
dahil sa nakabinbinilang petition for habeas corpus sa korte.
03:44
Nag-issue po ng order ang Tribunal de Recusos ng Timor Leste
03:51
na sinasabing within 48 hours ay iproduce, iharap sa hukuman si Congressman Tevez
03:58
upang magpaliwanag ang mga authorities ng Timor Leste,
04:02
mga executive authorities, kung bakit siya ay inaresto.
04:06
Ngunit ito ay magiging mute and academic.
04:09
Ngayon pong siya ay ilalabas na ng Timor Leste at ibabalik na po sa Pilipinas.
04:14
There's no granting. There's no granting. Fake use.
04:17
Pagtitiyak ni Rimulya, magiging patas ang proseso ng justisya para kay Tevez.
04:23
Salima Refrain, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:27
Inaabangan na ang paglapag sa Villamore Air Base ng eroplanong sinasakyan
04:32
ni dating Congressman Arnie Tevez Jr.
04:35
May live report si Jamie Santos.
04:37
Jamie?
04:38
Ato, mahigpit ang seguridad na pinatutupad dito nga sa Villamore Air Base sa Pasay.
04:49
Hindi pinahintulutan ang media na makapasok sa loob at tanging sa buka na lang malapit sa Gate 5 nakapuesto.
04:56
Alas 9 ng gabi nang dumating ang mga sasakyan ng taga-NBI na susundo sa dating mambabatas.
05:03
Mula Timor Leste, dumaan muna sa Davao ang Philippine Air Force aircraft para mag-refuel.
05:09
Pasado alas 8 ng gabi nang umalis sa Davao ang eroplano Lulan ang dating mambabatas.
05:14
Pagkababa ng eroplano, isa sa ilalim si Tevez sa standard booking procedures ng NBI.
05:21
Kabilang dito ang mugshots, fingerprinting at medical check-up para matukoy ang kanyang kondisyon
05:27
bago siya ilipat sa isang secure detention facility.
05:31
Agad ihaharap si Tevez sa Manila Regional Trial Court sa susunod na pagdinig kung saan babasahan siya ng sakdal.
05:38
Ayon sa DILG, malinaw ang mensahe ng gobyerno.
05:42
Ang hustisya ay matyaga at walang makakaligtas sa batas.
05:47
Bilang chair ng Task Force de Gamo, sidamid ang DILG na simbolo ito ng determinasyon ng pamahalaan,
05:54
laban sa karahasan at kawalang pananagutan.
05:57
Pinasalamatan din ng DILG ang Ministry of the Interior ng Timor Leste,
06:02
isang patunin ang kahalagahan ng international cooperation sa paghabol sa mga kriminal.
06:07
Dumating din ngayong gabi sa Villamore Air Base,
06:10
ang legal counsel ni Tevez ni si Atty. Ferdy Tupasio.
06:14
Anya, naniniwala ang kampo nila na parte ito ng harassment ng gobyerno.
06:19
Sinabi raw ni Tevez sa kanya na pagdating ng Pilipinas, si Tupasio na raw ang bahala.
06:24
Two years na silang ready.
06:27
Sa anumang kahaharapin ni Tevez, dito ay handa ang kanyang legal counsel.
06:31
Hindi naman pong nasa defense team niya ay handa naman po kami na siya ay depensahan.
06:38
Sabagkat dalawang taon na siya ay nasa DILG sa Timor Leste, hindi naman po kami nagpapahinga rito.
06:44
Atom, ilang minuto mula ngayon, inaantabayanan na nga natin itong paglapag ng eroplanong lulan ang dating mambabatas.
06:56
Nakaantabay rin yung mga kasamahan natin sa media.
06:59
Dito naman tayo nakapuesto sa Maya Gate 4 ng Villamore Air Base dahil dito natin nakitang dumaan
07:04
yung mga sasakyan ng taga-NBI na susundo sa dating mambabatas.
07:08
At yan ang latest mula rito sa Pasay. Balik sa iyo, Atom.
07:11
Maraming salamat, Jamie Santos.
07:15
Tatlo ang nasawin ng araruhin ng 18-wheeler ang limang sasakyan sa Quezon City.
07:20
Kabilang dyan, ang isang lalaking naghihintay lang ng masasakyan.
07:23
Ang aksidente na hulikam sa report ni James Agustin.
07:30
Sa kahabaan ng batasan San Mateo Road, Quezon City, biglang sumulpot ang 18-wheeler hanggang sa tuluyan itong nawalan ng kontrol.
07:38
Kung malas ang container van sa truck, nahagip ng truck ang isang kotse at inararo ang isang AUV at itong motorsiklo.
07:47
Ang tractor head nito dumiretso sa waiting shed.
07:50
Dead on the spot ang lalaking naghihintay ng masasakyan.
07:53
May isa pang nasawidi kalayuan na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
07:57
Dead on arrival naman sa ospital na lalaking ang kasamotorsiklo.
08:01
Sana panagutan na lang ng driver at si yung company ng driver yung nangyari sa tito ko.
08:06
Sa kabuhan, pitong sugatan. Hawak na ng puli siya ang truck driver.
08:10
Palusungo kami sir sa stoplight, palusungo. Biglang humina yung preno.
08:16
Hanggang sa wala na, hindi ko naman makontrol.
08:18
Di pasyensya, hindi ko talaga gusto naman mangyayari yung gano'n.
08:21
Maarap siya sa patong-patong na reklamo.
08:23
Tatlong sasakyan naman ang inararo ng closed van sa Baguio City.
08:29
Una nitong nabanggang kasalubong ng utility van.
08:32
Sunod na nakaparad ng SUV at AUV.
08:34
Pahirapan ang pag-rescue sa natrapt na driver at dalawang delivery helper ng closed van.
08:39
Unfortunately, yung driver ng van at yung dalawa nitong pasehero ay binawian ng buhay.
08:47
Sugatan din ang driver ng utility van. Patuloy ang imbisigasyon sa insidente.
08:52
James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
09:00
Imbis sa lunes presentation ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
09:06
iniurong ng Senado sa June 11.
09:07
Ayon kay Senate President Cheese Escudero, ito'y para bigyang daan ang priority legislative measures
09:13
bago mag-adjourn ang 19th Congress sa June 14.
09:16
Pinadalahan ng sulot ni Escudero si House Speaker Martin Romualdez
09:19
at ang Office of the Vice President.
09:22
Ano kay House Spokesperson, Atty. Princess Sabante,
09:25
nakatanggap na nila ito.
09:26
Inaalam pa ng Gemma Integrated News kung nakuha na rin ito ng opisina ng BSE.
09:32
Mga motorista nagtatakip ng plate numbers para iwas huli sa No Contact Apprehension Policy o NCAP
09:38
binalaan ng MMDA.
09:40
Pwede pa rin daw silang mabistos at mamamagitan ng pag-backtrack at pagsuri sa dinandaan ng ruta.
09:48
Si IDG Chief Major General Nicholas Torre, the third bagong jepe ng PNP.
09:53
Ayon sa Malacanang, kabilang sa mga dahilan sa pagpili kay Torre,
09:56
ay ang papel niya sa pagkakaaresto kayo na dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apollo Quiboloy.
10:02
Joseph Morong, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
10:06
Natagdagan pa ang kaso ng MPAC sa bansa.
10:09
Sa Atalisay City sa Cebu,
10:11
nasa huyang nag-iisinalang kumpirmadong kaso.
10:14
Pero may paglilinaw riyan ang LGU.
10:17
May report si Sandra Aguinaldo.
10:18
Doble ingat si Gabriel tuwing lumalabas ng bahay,
10:25
matapos kumpirmahin ang LGU na may dalawang kaso ng MPAC sa Iloilo.
10:30
Mas mayugit nga muna eh nga aware.
10:33
Kasi mo nga muna permain nga kinanan, limpio ka, tinlo ka, kumpirmain eh.
10:37
Si John, lagi raw may dalang alkohol.
10:40
So permain ko gawar mask.
10:42
Siyempre nag-abakalig ko sa alkohol para aware ko sa mga palibot ko.
10:47
Kung ano man mga kapitan ko.
10:49
Ayon sa Iloilo City Health Office,
10:52
walang travel history ang mga pasyente
10:54
at hindi pa tukoy kung locally transmitted ang sakit.
10:58
Nasa mabuting kalagayan ang unang pasyente.
11:00
Apat naman ang suspected case.
11:03
Sa Cebu, kinumpirma ng Talisay City LGU
11:06
ang kauna-unahan nitong kaso ng MPACs.
11:10
Ayon sa LGU,
11:11
na ospital ang lalaking pasyente nitong unang linggo ng Mayo.
11:15
Nakitaan siya ng sintomas ng MPACs
11:17
tulad ng rashes.
11:19
Namatay siya kamakailan pero
11:21
paglilinaw ng LGU,
11:23
hindi umano ito dahil sa MPACs,
11:25
kundi bunsod ng comorbidity.
11:28
Ang mga nakasalumuha ng pasyente,
11:30
pinakwaranty na sa loob ng 21 araw.
11:34
At lahat sila ay asimptomatic.
11:37
Sa bayan ng Mako sa Davao de Oro,
11:40
kinumpirma ng LGU na
11:41
nagkaroon ng isang MPACs case sa kanilan lugar.
11:45
Fully recovered na siya.
11:46
May isa pang suspected case sa parehong lugar
11:49
at isa pa sa bayan ng nabunturan.
11:52
Naka-isolate na sila pati na ang kanilang close contacts.
11:55
Muli namang inactivate ng Zamboanga City
11:58
ang kanilang contact tracing teams.
12:01
Matapos makapagtala ng limang suspected case ng MPACs,
12:04
hinihintay pa ang resulta ng lab test.
12:07
Bilang pag-iingat,
12:08
ibinalik ng ilang LGU
12:10
ang mandatory na pagsusot ng face mask.
12:12
Sa barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City,
12:15
pinagsusuot na rin ang face mask ang mga kawanin nila.
12:19
Ayon sa DOH,
12:21
ilan sa sintomas ng MPACs ay skin rashes
12:24
o bulutong na tumatagal ng dalawa hanggang apat na linggo.
12:28
Lagnat, sakit ng ulo,
12:30
muscle at back pain,
12:31
pananamlay at pamamaga ng lymph nodes.
12:35
Maring kumalat ang MPACs sa close and intimate contacts
12:38
sa pamamagitan ng sugat,
12:40
body fluids at respiratory droplets.
12:43
Maring maiwasan ang MPACs sa pamamagitan ng palagi ang paghuhugas ng kamay,
12:48
paggamit ng alcohol at sanitizer,
12:51
pag-obserba ng physical distancing at respiratory etiquette
12:55
o pagtakip sa bibig tuwing umuubo o bumabahing.
12:59
Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:03
Tinalakay sa isang mediation conference sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City
13:09
ang posibleng settlement sa kasong estafa na inihain ng GMA Network laban sa Tape Incorporated.
13:16
May report si Marie Zumali.
13:20
Nagharap ngayong tanghali sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City
13:24
ang mga abogado ng GMA Network Incorporated at Tape Incorporated.
13:28
Ipinatawag ang magkabilang kampo para pag-usapan ang posibilidad na settlement
13:32
sa isinampanan GMA na kasong kriminal na estafa laban sa Tape
13:36
dahil sa hindi pag-remit sa network ng haros 38 million pesos na ad revenues
13:41
na nakalaan na dapat sa GMA sa ilalim ng isang assignment agreement.
13:45
We want to collect the amount that was misappropriated,
13:48
the amount that should have been given to GMA but was not remitted by the officers of Tape.
13:52
We have been waiting for the remittance of the ad revenues.
13:56
Unfortunately, despite repeated demands, hindi nabigay sa atin yun.
14:02
Hindi naman daw ay kinakailanang Tape Incorporated na may obligasyon pa sila sa GMA.
14:07
I think Tape naman is not denying that there's a collectibles to them, to the corporation.
14:12
Maybe the main contention only is whether it's civil or criminal.
14:16
Wala pang napagkasundoan ngayon ng dalawang panig at sa halip
14:19
ay tinakda ng prosecutor's office na magkita muli sila sa June 11
14:23
para malaman kung tatanggapin ang GMA Network Incorporated
14:26
ang magiging alok ng Tape Incorporated.
14:29
We have been saying din naman that management is open to listen and to see what offer they have
14:37
and if it's reasonable, we can decide on what to do about it.
14:42
Under the rules, yung mediation kasi is also dependent on the complainant
14:46
if they are willing or open for settlement.
14:50
So in this particular case kasi maganda na nalaman natin on the part of GMA
14:54
that they're open for settlement.
14:57
Sakaling mabigo ang mediation sa June 11, tuloy na ang preliminary investigation ng kaso
15:02
at sa korte na nila pag-uusapan ang merito ng kaso.
15:05
Maris Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:08
Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:12
Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Recommended
0:43
|
Up next
Infinite’s Nam Woo-Hyun to hold Ph concert in November
PTVPhilippines
yesterday
0:46
"Encantadia Chronicles: Sang'gre," may fan meet sa July 20, 10 AM - 5 PM | Unang Balita
GMA Integrated News
yesterday
0:58
NGAP-PSC supports golf's inclusion in UAAP
PTVPhilippines
yesterday
0:58
Iba't ibang pagkain at drinks, tampok sa Kapuso Food Fair | Unang Balita
GMA Integrated News
yesterday
0:55
Ruru Madrid at Jeff Moses, kabilang sa celebrities at content creators na inimbitahan sa regional content trip ng isang fragrance brand | Unang Balita
GMA Integrated News
yesterday
10:54
State of the Nation: (Part 1) Habagat Season; Kaso vs. Teves; Atbp.
GMA Integrated News
5/30/2025
16:44
State of the Nation: (Part 1) #Eleksyon2025; Atbp.
GMA Integrated News
5/13/2025
2:10
State of the Nation: (Part 3) G! sa Cagnipa Rolling Hills; Atbp.
GMA Integrated News
1/29/2025
3:01
State of the Nation: (Part 2) Dream trip to Japan; Atbp.
GMA Integrated News
4/8/2025
2:40
State of the Nation: (Part 2) PUSUAN: Live selling ng brilyante; Retre-val operation; Atbp.
GMA Integrated News
7/2/2025
15:59
State of the Nation: (Part 1) Payak na burol at libing; Minasaker ng amo; Atbp.
GMA Integrated News
4/22/2025
1:52
State of the Nation: (Part 2) Pusuan - Turtle Kiss; Atbp.
GMA Integrated News
6/18/2025
2:37
State of the Nation: (Part 2) Aktres, nilamon ng alon; Suporta kay Zia; Atbp.
GMA Integrated News
12/3/2024
1:50
State of the Nation: (Part 3) G! Sa ZAMBASULTA; Atbp.
GMA Integrated News
12/6/2024
12:08
State of the Nation: (Part 1) Nalunod sa balde; Substitute bill; Atbp.
GMA Integrated News
1/22/2025
4:42
State of the Nation: (Part 2 & 3) G! sa Mt. Napulauan; Beyond Binondo; Atbp.
GMA Integrated News
1/24/2025
11:44
State of the Nation: (Part 1 & 2) Holdapan sa jeep; Nagsalpukan sa ere; Atbp.
GMA Integrated News
1/30/2025
5:21
State of the Nation: (Part 2 & 3) G! sa Pangasinan; Emergency landing; Atbp.
GMA Integrated News
1/17/2025
11:38
State of the Nation: (Part 1) Truck, gumewang saka sumalpok; Rambulan sa paaralan; Atbp.
GMA Integrated News
1/24/2025
3:19
State of the Nation: (Part 2 & 3) Bumagsak sa palayan; Skimboarding dog; Atbp.
GMA Integrated News
2/6/2025
2:09
State of the Nation: (Part 2) Emergency landing; G! sa Alibijaban Island; Atbp.
GMA Integrated News
3/14/2025
1:33
State of the Nation: (Part 3) #PaskongPinoy; Atbp.
GMA Integrated News
12/4/2024
10:44
State of the Nation: (Part 1) LOOK: Natuhog sa bakal; Nagreserba ng parking slot; Atbp.
GMA Integrated News
11/5/2024
2:07
State of the Nation: (Part 2) Agawan ng pasahero; Fur baby boodle fight!; Atbp.
GMA Integrated News
6/5/2025
0:52
State of the Nation: (Part 2) Salpukan sa ere; Atbp.
GMA Integrated News
3/27/2025