Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/29/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00MOTHER'S DAY
00:30At pag-aalaga ng manok, mag-isang itinataguyod ni Belma ang mga kinukop na mga anak na si Aaron at Anton.
00:38Gusto ko naman kahit pa paano makatapos sila sa pag-aaral nila.
00:42Kumikita siya ng limang daang piso kada araw at kahit kapos, bukas palad niyang tinulungan at pinatuloy sa kanyang bahay ang kapwa inang si Vivian na dati nakatira sa bahay na dinimolish.
00:56Sabi ko, wala ka naman papuntahan, doon ka na lang sa bahay. Sabi nga ng Diyos, mahalin mo ang kapwa mo.
01:04Ang mga ina tulad ni Belma, ang binigyang pugay ng Kapuso Foundation sa aming Mother's Day Health and Wellness event sa Ever Commonwealth nitong Sabado kung saan merong libreng bone density test, pop smear at breast exam.
01:20May pa-Zumba session rin kasama ang PNP dance at fitness team.
01:25Matapos ang papawis, may libreng pamper services rin gaya ng haircut, eyebrow shading, manicure at pedicure.
01:35Lalo na there are some homes na single moms. So talagang gusto natin sila tulungan para mataguyo din yung kanilang health and wellness.
01:45Sa huli, binigyan natin ang simpleng pagkilala ang mga ina. Most inspiring mom si Belma dahil sa busilak na puso.
01:55Nanalong best in fitness attire si Merli Realisan na agawiksena sa kanyang kumikinang na outfit.
02:02Hindi naman nagpatalo ang 65 years old na si Adelina Malanday sa paghataw ng dance moves. Kaya naman siya ang best in hataw.
02:12Nag-uwi rin ang ilan ng papremyong appliances, regalo at pagkain. Nakisaya rin doon ang mga Kapuso volunteer artists.
02:21Malaki ang ginagampan ng papel ng ilaw ng tahanan sa isang pamilya.
02:28Kaya madalas hindi nila nabibigyan ng pansin ang kanilang sariling kalusugan.
02:34Kaya ang Jimmy Kapuso Foundation hatid ang ilang libreng medical test at may maternal mental health forum pa rin
02:43para sa mahigit dalawang daang nanay mula Cebu at Quezon City.
02:51Para maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, pagtitinda ng merienda at cosmetics ang diskarte ni Nove.
03:00Tulong na rin daw niya ito sa kanyang asawang construction worker.
03:04Kung ako may hindi nakatapos ang aking pag-aaral, sana't naman sila ay makatapos.
03:10Kaya kahit anong hirap ng pag-itinda at maglalakot, ginagawa ko po ito para sa kanila.
03:16Dahil nasubsob sa pagtitinda, hindi na niya nabibigyan ng pansin ang kanyang sariling kalusugan.
03:24Kaya laking pasalamat niya ng magsagawa ang Jimmy Kapuso Foundation ng libring pap smear at breast exam screenings sa kanilang lugar sa Alcoy sa Cebu.
03:36Pati na sa Evercommonwealth Quezon City.
03:38Yung pap smear, it is screening siya para for early detection ng cervical cancer.
03:44For breast exam, ang mga pag may sumasakit, definitely kailangan niya ng magkonsulta sa doktor.
03:51At dahil mahalaga rin ang mental health sa mga ina, inimbitahan natin ang Mindfulness, Love and Compassion Institute for Psychosocial Services Incorporated,
04:04founded by Dr. Lourdes Carandam, isang non-government organization para talakayin ang importansya ng mental health.
04:13Ang ilang nanay na nakaranas ng mental health issues, nagbahagi rin ang kanilang pinagdaanan.
04:19Tingnan natin kung anong kakayanan natin.
04:23Kasi magtiwalo tayo sa sarili natin na marami tayong kayang gawin.
04:27Kailangan tuunan natin ang pansin ang importante, ang mental health.
04:31Marami kang sama ng loob na hindi mo mailabas, maapektuhan ang mental health mo, well-being mo.
04:37Dagdag pa ni Doc, mahalagang magkaroon ng physical activities dahil nakakatulong ito sa ating mental health.
04:45Ngayong mainit ang panahon, palaging pinag-iingat ang mga may hypertension.
04:51Dahil sa posibleng komplikasyon na dulot ng sobrang alinsangan.
04:56Sa talangan ng Philippine Statistics Authority, pang-anim ang hypertension sa mga pangunahing sanhinang pagkamatay sa bansa noong nakaraang taon.
05:07Kaya ngayong Hypertension Awareness Month.
05:11Libring servisyong medikal, ang handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga tagaliliw sa Laguna.
05:17Paggawa ng tsinelas ang pangunahing kabuhayan na mga tagaliliw sa Laguna.
05:26Gaya ni Alma, pero dahil sa init ng panahon at sa tagal ng pagkakaupo.
05:32Sa trabaho, nakakaranas daw siya ng pagkahilo.
05:36Lalo na kapag hindi nakakainom ng maintenance medicine para sa high blood pressure.
05:42Tagupong nahihilo, nasa taon ako, kasama ay bato.
05:46Ganito rin ang nararanasan ng kanyang katrabaho na si Ruel.
05:50Pero hindi pa raw siya makapagpacheck up dahil mas prioridad niya ang pangangailangan ng anak,
05:56lalo na't mag-isa niya itong itinatagoyon.
05:59Pag ako nagpapabiti, mataas ang biti ko.
06:02180 over 120.
06:04Ngayong Hypertension Awareness Month,
06:06minigyan pansin ng GMA Kapuso Foundation ang kalusugan ng mga manggagawa ng tsinelas.
06:12Sa Liliw, nagsagawa tayo ng libring ECG o electrocardiogram test para malaman kung may problema sila sa puso.
06:20At hemoglobin A1C blood test para naman malaman ang kanilang sugar level sa nakaraang tatlong buwan.
06:28May consultation at lecture din.
06:30Ang normal po na blood pressure, according po sa American Heart Association 2024,
06:36hindi po hihigit sa 120 na systolic at hindi po hihigit sa 80 na diastolic pressure.
06:44Kapag po more than 130, hypertensive na po ang isang pasyente.
06:49Pwede pong magresulta po sa pagkakaroon ng sakit sa puso, sakit sa bato, at stroke kapag hindi po naagapan.
06:56I-pinasuri na rin natin si Ruel at dito nakumpirman na siya ay may high blood pressure.
07:05Kaya niresitahan at binigyan na rin natin siya ng gamot.
07:07Advice po ay ituloy po natin yung monthly follow-up sa ating mga health center at sa main health center.
07:15Nakatanggap rin ang ating mga beneficiaries ng mga gamot, mga giveaways at pagkain,
07:21at protective gloves na magagamit nila sa trabaho.
07:26At sa dahil sa walang tigil na pagulan sa Maguindanao del Sur,
07:34nagdulot ito ng malawakang pagbaha doon, kaya agad pong umaksyon ang GMA Kapuso Foundation.
07:40Sa tulong ng Office of Civil Defense, naisakay po natin ang relief goods
07:45para sa libu-libong apektadong residente gamit ang Philippine Air Force C-130 plane.
07:51Nakatakda po natin ipamahagi yan sa munisipalidad ng Dato Abdullah Sanky sa Maguindanao del Sur ngayong weekend.
08:01Sa mga nais tumulong, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Luolier.
08:07Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
08:21Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.

Recommended