- 5/28/2025
- Dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, arestado sa Timor-Leste
-"Significant step toward justice," pahayag ng biyuda ni dating Gov. Roel Degamo kasunod ng pagka-aresto kay Arnie Teves
-PBBM sa mga kondisyon para makipag-ayos sa mga Duterte: "That's not how reconciliation works"
PBBM sa utos na courtesy resignation sa gabinete: "I don't do things for optics"
-Trough o buntot ng LPA, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
-2 lalaking nagnanakaw umano ng mga kable sa loob ng manhole, huli!
-Dept. of Agriculture & DOLE: Minimum wage earners, planong isama sa mga puwedeng makabili ng P20/kg na bigas sa Hunyo
-2, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep; 3, sugatan
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-"Significant step toward justice," pahayag ng biyuda ni dating Gov. Roel Degamo kasunod ng pagka-aresto kay Arnie Teves
-PBBM sa mga kondisyon para makipag-ayos sa mga Duterte: "That's not how reconciliation works"
PBBM sa utos na courtesy resignation sa gabinete: "I don't do things for optics"
-Trough o buntot ng LPA, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
-2 lalaking nagnanakaw umano ng mga kable sa loob ng manhole, huli!
-Dept. of Agriculture & DOLE: Minimum wage earners, planong isama sa mga puwedeng makabili ng P20/kg na bigas sa Hunyo
-2, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep; 3, sugatan
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inaresto sa Timor-Leste si dating Negros Oriental 3rd District Representative Anolfo Tevez Jr.
00:11Nauna niyang inanunsyo sa social media ng kanyang anak na si Axel at sinabing dinukot daw ang kanyang ama.
00:19Ayon naman sa abogado ni Tevez na si Atty. Ferdinand Topacio,
00:22hinuli ng Immigration Police ang kanyang kliyente sa tinutuluyan niya bandang alas 8 kagabi oras doon.
00:28Kasama rin hinuli ang kanyang legal counsel sa Timor-Leste na si Dr. Joao Ossera.
00:36Kasalukuyan daw silang nasa kustodian ng Ministry of the Interior.
00:39Ayon kay Topacio, walang isinilbi o ipinakitang arrest warrant ang mga otoridad para ipaliwanag ang sandi ng kanilang detensyon.
00:48Kabilang naman sa mga ipinost ng anak ni Tevez sa social media ang panawagan ng arrest to him.
00:53Ayon naman sa Department of Justice ng Pilipinas, sinihintay pa nila ang susunod lahakbang ng Timor-Leste
01:09kung ipadedeport si Tevez bilang isang undocumented foreigner o kung i-extradite siya kasunod ng kanilang application.
01:16Wala pa rin daw silang natatanggap na dokumento kaugnay sa pagkakaaresto ni Tevez.
01:21Handa naman daw ang pamahalaan ng Pilipinas sakaling pauwiin si Tevez sa bansa.
01:26Nahaharap si Tevez sa patong-patong nakasong murder kaugnay sa pagkamatay ni dating Negros Oriental Governor Ruel de Gamo
01:33at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
01:37Siya ang itinutulong mastermind sa krimen na dati na niyang itinanggi.
01:41April 2023 nagtungo sa Timor-Leste si Tevez kung saan siya pumiling ng political asylum na tinanggihan ng pamahalaan doon.
01:50Tinanggihan din ng Korte ng Timor-Leste nitong March 2025 ang extradition request ng gobyerno ng Pilipinas.
01:56Significant Step Toward Justice
02:01Ganyan inilarawan ang byuda ni dating Governor Ruel de Gamo
02:05ang pagkakahuli sa itinutulong mastermind sa pagpatay sa kanyang asawa na si dating Negros Oriental Representative Arnie Tevez.
02:13Ayon kay Negros Oriental 3rd District Representative Elect Janice de Gamo,
02:18hindi lang yun mahalaga para sa kanilang pamilya,
02:20kundi sa mga residente ng Negros Oriental na ikinagulat ang pagkamatay ng kanyang asawa
02:26at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
02:30Sa nakalipas na dalawang taon, malinaw ang kanilang panawagan.
02:34Mapanagot ang mga nasa likod ng krimen,
02:36gaano man sila kalayo o katagal na tumakas o magtago.
02:40Maging babalaraw sana ang pagkakaaresto kay Tevez na walang sino man ang makakatakas sa batas.
02:47Umaasa raw sila ngayon sa isang tamang legal proceedings
02:50na maghahatid ng kapayapaan sa probinsya at justisya para sa kanyang asawa
02:55at iba pa nangging biktima o mano ng grupo ni Tevez.
02:59Wala pang pahayag ang kampo ni Tevez kaugnay sa mga sinabi ni De Gamo.
03:02Pero dati na niyang itinangging siya ang nasa likod ng pagpatay sa dating gobernador.
03:07Watch me sustain it! Yan ang sagot ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga puna
03:14tungkol sa programang 20 pesos na kada kilong bigas.
03:18Kaugnay naman sa pagbabati nila ng mga Duterte,
03:21pinalagan din ang Pangulo ang mga tila kondisyon na lumutang kaugnay nito
03:25gaya ng pagpapauwi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:29Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
03:33That's not how reconciliation works.
03:35You don't put conditions to reconcile.
03:41If you're sincere, you want to reconcile, that's it.
03:45Matapos sabihin ni Pangulong Bongbong Marcos kung nakaralinggo
03:48na bukas siya makipag-ayos sa pamilya Duterte,
03:51sumagot si Sen. Bonggo na kinalang kaalyado ng mga Duterte
03:54na posiblito kung mapapauwi ng Pangulo sa Pilipinas
03:57si dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:59na ngayon nakakulong sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
04:02Bago po'y nakikiusap, kung sincere ka,
04:07ibalik mo muna si Tatay Digong dito.
04:09Kung kaya mo ipadala ng labing apat na oras si Tatay Digong,
04:14kaya mo rin ipauwi dito sa lalong madaling panahon.
04:17Sagot ng Pangulo sa isang press conference
04:19habang siya nasa Malaysia para sa ASEAN Summit,
04:21hindi dapat magtakda ng kondisyon para sa reconciliation.
04:24Iginit naman ni Pangulong Marcos na hindi pa rin nagbabagong kanyang posisyon.
04:51Kaunay sa pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.
04:55I didn't want impeachment.
04:57Lahat ng kakampi ko sa kongreso hindi nag-file ng impeachment complaint.
05:05Yung mga nag-file ng impeachment complaint,
05:08hindi mo masasabing kaya kong utusan o pagsabihan na ito yung gagawin mo.
05:15So, why do I have to keep explaining that I didn't want impeachment?
05:21Nasa kamay na raw ng Kamara at Senado
05:23ang pagpapagulong na impeachment trial laban sa Vice.
05:26Nagpapatuloy kayo ng kanyang pagsusuri
05:28sa performance ng kanyang gabinete at pinuno ng mga ahensya.
05:31Kasunod ng utos siyang courtesy resignation.
05:34Paglilino ng Pangulo, hindi ito pagpapaganda lamang ng imahe.
05:37I don't do things pang optics.
05:40If there is a problem, I'd like to fix it.
05:42So, expect us to be doing a rigorous performance review,
05:48not only at the cabinet level, but even deeper.
05:52Sagot naman niya sa puna ng mga kritikong,
05:54siya na lang dapat ang magbitiw sa pwesto.
05:56Isa pang sinagot ni Pangulong Marcos sa puna ng mga kritiko,
06:11hindi raw pagpapapogi lang,
06:12ang programang 20 pesos na kada kilo ng bigas.
06:15They're fair to make that, to have that opinion,
06:18but kung ano, it's unsustainable.
06:20It's really what people are saying.
06:23Watch me sustain it.
06:26And then, we'll talk in May of 2028.
06:33Natuloy ba o hindi?
06:34Ivan, may rin na nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:38Bukod sa trough,
07:08wala rin ng ulan sa Batanes at Mabuyan Islands ang frontal system
07:11habang asahan naman ang mga local thunderstorms
07:14sa nalalaming bahagi ng bansa.
07:17Nakataas ngayon ang thunderstorm advisory sa Bulacan,
07:19Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Nueva Ecija
07:23at sa Ilang Panig ng Quezon.
07:26Pinaalerto po ang mga residente mula sa banta ng Bahaon ng landslide.
07:30Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 11.54 ngayong umaga.
07:34Sa kabila po ng inaasahang ulan,
07:36posibleng pa rin umabot sa danger level na 45 degrees Celsius
07:40ang heat index sa Butuan, Agusan, Del Norte.
07:4344 degrees Celsius sa ilang panig ng Northern Rizon at Dicol Region.
07:4843 degrees Celsius naman sa Batak, Ilocos, Norte,
07:51Bacnotan, La Union,
07:53Pili, Camarines Sur,
07:54Catarman, Northern Samar
07:56at Dipolog, Zamboanga, Del Norte.
07:58Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong araw
08:02sa Pasay City at sa ilan pang bayan at syudad sa bansa.
08:08Naaktuhan ang dalawang lalaki sa isang manhole sa Quezon City.
08:12Hinala ng mga otoridad,
08:13nagnanakaw sila ng kable.
08:15Balitang hatid ni James Agustin.
08:17Bantay sarado ng mga taga-barangay pasong tamo ang manhole na ito
08:24sa Visayas Avenue sa Quezon City mag-aalas 5 ng hapon nitong lunes.
08:32Dahan-dahan nilang tinanggal ang takip ng manhole.
08:35Doon na tumambad ang dalawang lalaki na nasa loob.
08:37Tinulungan sila para makalabas.
08:41Nagpupumiglas pa ang dalawa habang inaaresto ng mga taga-barangay.
08:44Ang dalawang lalaki, naaktuhan umanong nagnanakaw ng mga cable wire.
08:48Ayon sa mga taga-barangay,
08:50nakatanggap sila ng report mula sa isang security guard.
08:52Kaya nila nirespondihan ng lugar.
08:54Parang napasin nila,
08:55parang gumagalaw yung takip ng manhole,
08:58nang naramdaman nila na may tao sa loob.
09:02So nagreport sila rito.
09:03So nagpunta yung ating mga BPS roon
09:06at yun nga,
09:07napatanayan nila na may tao,
09:10inangat nila yung takip
09:13at takuhan nila yung dalawang tao.
09:14Nung nalabas na,
09:15porpootik sila.
09:17Pinaligoan pa nga dito ng mga tanod ko.
09:19Napakabaho eh.
09:20Kinilangang pang gumamit ang hagda ng mga otoridad
09:23para maingat na makababa sa manhole.
09:25Nadiscovery nila ang pakay ng mga sospek
09:27na mahigit labing siyam na metro ng cable wire
09:29na nagkakahalaga ng nasa 117,000 pesos.
09:33Nakuha rin ang isang lagari at bakal lakadena.
09:36Itinurn over sa Holy Spirit Police Station
09:38ang dalawang sospek
09:39na edad 31 at 33 anyos.
09:41Iniimbestigahan pa po namin
09:43kung kasama sila sa mga criminal gangs
09:45na dito sa QC.
09:47Kasi may mga pangyari na po
09:48na nangyari po yan
09:49sa mga ibang police station.
09:52Pareho po silang
09:52may record ng 9165
09:54yung paggamit ng iligal na droga
09:56at meron din po yung isa po
09:58may pagnanakaw na
10:00theft and robbery po.
10:02Depesa naman ng mga sospek.
10:04May ititingnan lang po sa amin.
10:05Sinama lang po ako na itong kabigigan ko eh.
10:07Ano dapat ititingnan din sa manhole?
10:09Yung where po naputul doon?
10:11Yung mga putul-putul po.
10:12Hindi po totoo yan
10:13kasi po eh may hinanap lang po kami talaga
10:17din sa baba.
10:19Ano hinanap niyo?
10:20Yung mga konti mga malilit lang po
10:22na tira ng mga po unang pumasok doon.
10:27Pero ano gagawin niyo doon?
10:28Sa mga kukuha?
10:30Benta po sana.
10:31Sinampana ang mga sospek ng reklamong theft
10:34at paglabag sa Anti-Cable Television
10:36and Cable Internet Tapping Act of 2013.
10:39James Agustin,
10:40nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
10:44Planong isama ng Department of Agriculture
10:46at Department of Labor and Employment
10:48ang minimum wage earners
10:49sa mga pupwedeng makabili ng 20 pesos
10:51kada kilong bigas.
10:53Ayon sa mga kagawaran,
10:55dayo ng hakbang napalakasin
10:56ang purchasing power
10:57ng mga manggagawa
10:58na inaasahang makabibili
11:00ng murang bigas sa susunod na buwan.
11:02Limitado muna ito
11:03sa mga empleyado
11:04ng mga kumpanyang
11:05nagbigay interes sa programa,
11:07sabi ng DA.
11:08Sa ngayon,
11:09vulnerable sector pa lamang
11:10ang kasama sa pilot run
11:13ng programa.
11:14Kabilang po diyan
11:15ang indigents o mahihirap,
11:18senior citizens,
11:19persons with disabilities
11:20o PWD at solo parents.
11:25Ito ang GMA Regional TV
11:28Mainit na balita
11:31mula sa Luzon
11:32hatid ng GMA Regional TV.
11:35Nahulog sa bangin
11:36ang isang jeep
11:37sa Connor, Apayaw.
11:39Chris, may mga namatay ba?
11:44Tony, sa kasamaang palad,
11:46dalawang sakay ng jeep
11:47ang nasawi.
11:48Base sa investigasyon
11:49galing ng barangay Leneng
11:51sa Kabugaw, Apayaw,
11:52ang jeep
11:53matapos na bumili ng baboy.
11:55Nawalan ang kontrol
11:56ang driver sa jeep.
11:57Nang mawalan ito
11:58ng preno
11:59sa kurbatang bahagi
12:00ng Connor,
12:01Cabugaw, National Road.
12:02Dumaosdos ang sasakyan
12:04sa bangin
12:05na may sampung metrong lalim.
12:07Tatlong iba pa
12:08ang sugatan.
12:09Karga rin ang jeep
12:10ang labing walong
12:11buhay na baboy
12:12na nakuha na ng may-ari.
12:14Wala pang pahayag
12:15ang mga sugatang biktima.
12:16Kisaa.
12:17Kisaa.
12:34Kisaa.
Recommended
9:33
|
Up next
14:10
10:03
18:10
12:31
11:10