Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/28/2025
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 28, 2025

- Breaking News: Dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves, arestado sa Timor-Leste

- MMDA: Odd-Even Scheme, ipatutupad habang ginagawa ang rehabilitasyon ng EDSA | Ilang motoristang maaapektuhan ng EDSA Odd-Even Scheme, namomroblema na | Dry run ng EDSA Odd-Even Scheme, tatagal nang isang buwan; toll sa ilang segment ng Skyway, gagawin munang libre

- MMDA: Odd-Even scheme ang ipatutupad sa EDSA simula June 16; Number coding scheme, para lamang sa iba pang kalye sa Metro Manila | Pagpapalawig ng concession agreement sa Skyway para gawing libre ang toll, inaayos ng DOTr at San Miguel Corp. | No Contact Apprehension Policy, nagpapatuloy; text alert at website para sa NCAP, ilulunsad sa susunod na linggo | Bantay-sagabal sa mga bangketa sa ilang lungsod, isinagawa para sa EDSA rehabilitation

- PBBM sa mga kondisyon para makipag-ayos sa mga Duterte: "That's not how reconciliation works" | PBBM, iginiit na hindi siya pabor sa impeachment kay VPSD | PBBM sa utos na courtesy resignation sa Gabinete: "I don't do things for optics" | PBBM, iginiit na hindi siya magbibitiw sa puwesto | PBBM sa P20/kilo na bigas: "Watch me sustain it"

- VP Duterte, mainit na sinalubong ng Filipino community sa Qatar

- Pulse Asia President Ronald Holmes: Impeachment trial, posibleng makaapekto sa approval at trust ratings ni VP Sara Duterte | Pulse Asia: 58% na hindi sang-ayon sa pag-aresto kay FPRRD, posibleng dahil sa kumalat na maling impormasyon

- PBBM: Patuloy nating dedepensahan ang sovereignty, karapatan, at hurisdiksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea | PBBM sa nakuhang trust rating: "Madaming ibang survey. Let's not base it on one"

- Ilang mang-aawit at personalidad, inalala ang namayapang OPM icon na si Freddie Aguilar

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:30Wala ang manong warant o anumang dokumento na ipinakita ang Timor Leste officials.
00:35Basa ulat ng hatutan.com na isang local video sa Timor Leste,
00:40inaresto si Tevez sa Timor Leste Immigration Police at ngayon nasa kustudiya ng Timor Leste Immigration Police.
00:49Si Tevez ang tinuturo mastermind sa pagpatay kayo ay Negros Oriental Governor Roel de Gamo at siyam na ipa noong March 4, 2023.
00:58Dati na niyang itinanggi ang akusasyon.
01:01Sinisika pa namin kunin ang pahayag ng Department of Justice at Bureau of Immigration kahwag na isang pag-aresto kay Tevez.
01:09Sabi ng abogado ng Tevez na si Atty. Ferdinand Topacio,
01:12inaalam pa nila ang sitwasyon ng kanyang kliyente bago magbigay ng pahayag.
01:17We are held against our will. They are not letting me go.
01:25Ngayon pala, nagkakaproblema na ang mga motoristang maapekto na nakaambang add-even scheme sa EDSA.
01:31Ang dry run na dati isang linggo lang gagawin na pong isang buwan.
01:36May unang balita live si EJ Gomez.
01:39EJ!
01:40Igan, sa June 16 nga ay sisimulan na ang isang buwan na dry run para sa odd-even scheme na ipatutupad dito sa EDSA.
01:53Nasa halos kalahating milyong sasakyan ang dumaraan sa EDSA araw-araw base sa datos ng MMDA.
02:05Sa dami niyan, laging matindi ang traffic.
02:09Sisimulan na ng gobyerno ang EDSA rebuild dahil napag-iiwanan na raw ang disenyo at materyalis ng kalsada.
02:16Gagawin na rin daw itong flood-free area.
02:18Para maiwasan ang Carmageddon habang gumugulong ang EDSA rebuild, ipatutupad ng MMDA ang odd-even scheme sa EDSA simula June 16.
02:29Sa ilalim ng odd-even scheme, bawal sa EDSA sa lunes, merkules at biyernes ang mga sasakyan na may plate number na nagtatapos sa 1, 3, 5, 7 at 9.
02:39Ang mga plate number naman na nagtatapos sa 0, 2, 4, 6 at 8 bawal sa EDSA sa Martes, Webes at Sabado.
02:46Walang odd-even scheme sa EDSA tuwing linggo.
02:50Hindi naman daw sakop ng odd-even scheme kung tatawid lang ng EDSA.
02:53Exempted naman sa scheme ang mga hybrid, electric cars, TNVS, motorsiklo at authorized government vehicles.
03:01Paglilinaw ng MMDA, sa EDSA lang iiral ang odd-even scheme.
03:06Ang number coding scheme naman, hindi isasabay sa odd-even scheme sa EDSA.
03:10Pero, ipatutupad pa rin sa ibang kalsada sa Metro Manila.
03:14Si Warren Valencia na araw-araw doon nagdi-deliver ng karne sa palengke at dumaraan sa EDSA, nangangamba sa susuunging traffic.
03:23Nakakawalang gana po yung mga pinapalabas nilang batas na ngayon, yung NCAP, yung add-even na yan.
03:32At gaya nito, ito lang po yung panghatid namin.
03:37Paano po pag coding, 24 hours pa naman po yung CCTV.
03:44Paano naman po kaming mga nagtatrabaho, ano na lang ipapaayin namin sa pamilya namin.
03:50Apektado rin daw ang taxi driver na si Romulo.
03:53Sa odd-even scheme, panigurado raw maraming makakancel sa kanyang mga biyahe,
03:57na karamihan ay EDSA ang dinaraanan.
04:01Hahanapan na lang po ng ibang madadaanan.
04:03May mga alam naman mga alternate na daanan.
04:06Wala po tayo magagawa.
04:09Go-will of law na lang?
04:10Iyon ang kalakaran dito sa atin.
04:12Oo, susunod na lang, no?
04:13Opo.
04:14Para walang multa, sumunod sa batas.
04:18Ginawa na ng MMDA na isang buwan simula sa June 16,
04:21ang dry run ng odd-even scheme sa EDSA,
04:23mula sa inisyal na isang linggo lang.
04:25Sisitahin at patadalhan pa rin daw ng Notice of Violation ang mga lalabag,
04:30pero hindi pa muna kailangan magbayad ng multa.
04:32Sa ngayon, 24-7 ang implementasyon ng odd-even scheme.
04:36Para magkaroon naman ang alternatibong daan,
04:39magiging libre ang toll sa ilang segment ng Skyway
04:42na ipatutupad sa kasagsaga ng EDSA building.
04:44Sa chain lane naman muna ang sa mga nagmomotor o bisikleta.
04:48Igan, ayon sa MMDA, magdadagdag din daw sila ng isang daang boost dito sa EDSA busway.
05:01Magdadagdag din daw ng tren sa MRT at titignan kung kaya o pwede bang i-extend ang operations nito.
05:07Paalala ng MMDA NCAP o No Contact Apprehension Policy ang uhuli sa mga lalabag sa odd-even scheme.
05:17At yan, ang unang balita mula rito sa Makati City.
05:21EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
05:25Dilinaw ng MMDA na kapag ipinatupad ang odd-even scheme sa EDSA,
05:31hindi na iiral doon ang number coding scheme.
05:35Patuli naman ang ipanghakbang para sa paghanda sa EDSA rehabilitation.
05:39Tulad ng libreng toll sa Skyway at No Contact Apprehension Policy o NCAP.
05:45Beunang balita si Joseph Moro.
05:47Pinaplan siya naman ang DOTR at ng San Miguel Corporation na nagpapatakbo ng Skyway kung paano gagawing libre ang toll fee.
05:57Habang ginagawa ang EDSA rebuild, pwede raw na palawigin ang concession agreement
06:01para hindi na magbayad ang gobyerno ng ililibre ng toll fee sa loob ng dalawang taon.
06:07Tuloy-tuloy naman ang panguhuli sa mga pasaway sa ilalim ng NCAP o No Contact Apprehension Policy.
06:13Sumusunod na sa kanika nilang lane ang mga motorista kaya umaasang MMDA na makatutulong ang NCAP sa pagbawas ng trapiko.
06:21Makikita natin na pag may nakatutok na CCTVs, marami nag-iingat at sumusunod sa batas trapiko.
06:31Kaya palang sumunod ng ating mga kababayan ng motorista pag meron pong nakatingin na hindi po namin kaya manumanong gawin.
06:42Iba't iba ang multa depende sa paglabag.
06:45Kung mga angahas na lumabas sa linya at makukuna ng CCTV, 1,000 pesos ang multa sa first offense dahil disregarding traffic sign ito.
06:54100 pesos kung nakatsinelas at 1,500 pesos kung walang helmet.
06:59Sa susunod na linggo, ilulunsad ng MMDA ang text alert at website para sa mas mabilis na pag-abiso sa mga mahuhuling motorista.
07:06Inaayos na rin gawing option ang pagbabayad ng multa gamit ang mobile wallets.
07:11Nagbabala naman ang MMDA na hindi sa kanila galing kaya huwag gamitin ang isa umanong link kung saan pwede mong malaman kung may violation ka.
07:20Kasama naman sa ipinangakong aayusin ng MMDA lalo na sa papalapit na Elsa Rehabilitation ang mga banketa.
07:26Ay nabutan ng mga tauhan ng MMDA Special Operations Group Task Force ang banketa sa Pasay na kung hindi tinambaka ng mga basura, tinayuan ng tindahan, lotohan at lotohan.
07:37May basketball board at ring pa. May bahagi rin ang banketa na pinarerentahan ayon sa MMDA.
07:43Pero ang mga nahuhuli, di na raw kagaya dati na nagiging mas palaban.
07:47Meron tayong mga ilang mga nahuhuli na sinasabi nga nila, Sir, nahuli niyo po kami pero okay lang, mali naman po kami. So I think there's this acceptance already.
07:55Pinasadahan din ang bantay sa Gabal Operations ang Arellano Street sa Maynila, pati Sobel Rojas, Tejeron at Pedro Hill.
08:02Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
08:06Hindi raw dapat lagyan ang kondisyon, ang pakikipag-ayos o reconciliation ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
08:12Sagot yan ng Pangulo kasunod ng sinabi ni Senador Bonggo na posibleng lang na magkaayos ang Pangulo at mga Duterte kung mapapauwi sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
08:22Sumagod din si Pangulong Marcos sa mga pumupunas sa programa ng pamahalaan na 20 pesos kada kilong digas.
08:29Hindi raw ito basta pagpapapogilang.
08:32Narito ang aking unang balita.
08:33Matapos sabihin ni Pangulong Bongbong Marcos ang nakaral linggo na bukas ang makipag-ayos sa pamilya Duterte.
08:54Sumagot sa Senador Bonggo na kinalang kaalyado ng mga Duterte na posiblito kung mapapauwi ng Pangulo sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon nakakulong sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
09:06Ako po'y nakikiusap.
09:08Kung sinsir ka, ibalik mo muna si Tatay Digong dito.
09:12Kung kaya mo ipanala ng labing apat na oras si Tatay Digong, kaya mo rin ipauwi dito sa lalong madaling panahon.
09:20Sagot ng Pangulo sa isang press conference habang siya nasa Malaysia para sa ASEAN Summit.
09:25Hindi dapat magtakda ng kondisyon para sa reconciliation.
09:28That's not even a negotiation. That's demanding. Those are setting conditions.
09:36That, you know, pero isasabihin mo, hindi ako makikapag-usap hanggang ibigay mo sa akin ito, ito, ito, ito.
09:43Ewan na pupuntahan na. Kung kaya ko ayusin, hindi ayusin ko para tapos na ito.
09:47Ayaw ko nga ng kaaway.
09:51Iginit naman ni Pangulong Marcos na hindi pa rin nagbabagong kanyang posisyon.
09:55Kaunay sa pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.
09:58I didn't want impeachment.
10:01Lahat ng kakampi ko sa Kongreso, hindi nag-file ng impeachment complaint.
10:09Yung mga nag-file ng impeachment complaint, hindi mo masasabing kaya kong utusan o pagsabihan na ito yung gagawin mo.
10:16So, why do I have to keep explaining that I did not want impeachment?
10:25Nasa kamay na raw ng Kamara at Senado ang pagpapagulong na impeachment trial laban sa Vice.
10:31Nagpapatuloy kayo ng kanyang pagsusuri sa performance ng kanyang gabinete at pinuno ng mga ahensya.
10:35Kasunod ng utos niyang courtesy resignation.
10:38Paglilino ng Pangulo, hindi ito pagpapaganda lamang ng imahe.
10:41I don't do things pang optics. If there is a problem, I'd like to fix it.
10:46So expect us to be doing a rigorous performance review, not only at the cabinet level, but even deeper.
10:56Sagot naman niya sa puna ng mga kritikong siya na lang dapat ang magbitiw sa pwesto.
11:00I will resign?
11:02Yeah, that's what they want.
11:04Ba't kung gagawin niyo?
11:07At wala sa ugali ko yung tinatakbuhan ng problema.
11:12Isa pang sinagot ni Pangulo Marcos sa puna ng mga kritiko.
11:15Hindi raw pagpapapogi lang ang programang 20 pesos na kada kilo ng bigas.
11:19They're fair to have that opinion, but it's unsustainable. It's really what people are saying. Watch me sustain it.
11:30And then we'll talk in May of 2028. Natuloy ba o hindi?
11:39Ito ang unang balita. Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
11:43Mainit na sinalubong ng Filipino community sa Qatar si Vice President Sara Duterte.
11:55Nabilang sa mga nag-iaktibida doon ng BISE ang pagdalo sa isang BISA sa Doha.
12:00Nakabanding din niya ang ilang Pinoy sa isang food court doon.
12:03Naroon din ang kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman, gayon din si Senadora Aimee Marcos.
12:08Pagkatapos sa Qatar, tutungo ang BISE sa The Netherlands para bisitahin ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
12:14na nakakulong sa International Criminal Court.
12:18Inaasahan pa balik sa Mandsa si VP Duterte sa susunod na Merkules.
12:23Paigit kalahati sa mga tinanong sa survey ng Pulse Asia Research
12:26ang inisang ayon sa pagsampan ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte
12:31at sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:34Sabi naman ng Pulse Asia, pwede pa yung magbago kapag gumulong na ang mga paglilitis.
12:40May unang balita si Maki Pulido.
12:45Mula May 6 to 9, tinanong ng Pulse Asia ang 1,200 na rehistradong butante.
12:51Sangayon ka ba o hindi sa pag-file ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte?
12:56Sa kabuan, 50% ang nagsabing hindi sila sangayon, 28% ang sangayon, 21% ang hindi masabi kung pabor sila o hindi.
13:06Tingin ni Ronald Holmes, Presidente ng Pulse Asia, maaring ito ay dahil hindi pa nagsisimula ang impeachment trial
13:12kaya't nawala sa balita ang mga alagasyon laban kay VP Sara.
13:15Nung nag-iimbestiga raw ang Kamara, bumabang approval at trust rating ni VP Sara noong September at December 2024.
13:22Kung nawala sa balita, kumbaga, yung mga aposasyon tungkol sa maling paggamit ng confidential plan,
13:28yung kanya pag-tretend sa Presidente.
13:31Maari pa raw itong magbago, sabi ni Holmes.
13:33Depende na sa mga lalabas na ebedensya sa impeachment trial.
13:36Halimbawa, nung impeachment trial daw ni dating Chief Justice Renato Corona,
13:40noong umpisa, kaunti lang ang naniniwala na may sapat na ebedensya,
13:43pero tumaas nang gumulong na ang impeachment trial.
13:46Magbabago yung opinion na yan, depende doon sa paglilitis. Hindi pa nagsisimula.
13:50Sabi ni ML Partylist Rep. Elect Laila Delima, malalaman lang ang tunay na puso ng bayan
13:56kung naipresinta na ang mga ebedensya sa paggulong ng impeachment trial.
14:01Sina Delima at Akbayan Rep. Elect Shell Jocno ang papalit sa dalawang House prosecutors
14:05na hindi na makakabalik sa 20th Congress.
14:09Lalo nga namin gagawing seryoso yung aming trabaho.
14:13Kasi nga, nakikita namin na kailangan talaga makumbinsi yung publiko.
14:17Sa nasabing survey, tinanong din ang mga respondents,
14:21sangayon ka ba o hindi sa pagkakaarasto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
14:25para harapin ang mga kaso kaugnay sa extrajudicial killings
14:28nung siya ay mayor ng Davao at Pangulo ng Bansa.
14:31Sa kabuuan, 58% ang hindi sangayon habang 26% ang sangayon.
14:37Pero sabi ni Holmes, maari daw kasing dahil ito sa kumalat na mga maling impormasyon
14:41nang arestuhin ang dating Pangulo.
14:43Ang pagpapalabas ng mga Duterte sa pag-areson na yun ay iligal
14:47at malawakan yung ganung puli ng impormasyon o disinformasyon
14:51na nakikita natin sa iba't ibang social media platforms.
14:56Kahit daw ito, maaaring magbago kung matuloy ang pagliliti sa The Hague
15:00at makitang patas ang International Criminal Court.
15:03Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
15:10Patuloy na dedepensahan ang sovereignty, karapatan at jurisdiksyon na Pilipinas
15:14sa West Philippine Sea.
15:17Yan ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagbabalik Pilipinas
15:20pagkatapos ng 46th Asayan Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
15:24Mas palalakasin din daw ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan
15:27sa mga bansang kaisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at rule of law.
15:32Bago yan, nagkibit-malikat lang ang Pangulo
15:34huwag na isa bumaba niyang trust rating sa latest Pulse Asia Survey.
15:38Batay sa survey na isiniguan itong Mayo,
15:4032% ang trust rating ng Pangulo,
15:42mas mababa kumpara sa nakuhang 50% ni Vice President Sara Duterte.
15:50Matami ipag-survey, just don't base it on one.
15:53Look at other surveys before we act.
15:57Know your source.
15:58Imperfect information makes you make imperfect decisions.
16:04The more perfect your information, the more perfect your decision will be.
16:12Samantalang bumuhos ang pakikiramay at pagmamahal
16:15sa namayapang OPM legend na si Freddy Aguilar.
16:19Kabilang nariyan ang mga kapwa mga awit na sinabayang barrios at kukichwa.
16:23Gayun din si Jim Paredes ng Apo Hiking Society na pinasalamatan si Ka Freddy
16:29para sa kanyang mga obrang awitin.
16:31Si dating Senador Sir Manny Pacquiao sinabi na malaki ang ambag ni Ka Freddy
16:37sa musika at kultura ng Pilipinas.
16:40Kabilang daw siya sa maraming naantig sa kantang Anak.
16:44Nagpost din ang tribute para sa mga awit ang GMA Music Group.
16:49Pumanaw si Ka Freddy sa edad na 72 dahil sa multiple organ failure.
16:54Kapuso, mauna ka sa mga balita.
16:57Panoorin ang unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning newscasts
17:00sa youtube.com slash GMA News.
17:03I-click lang ang subscribe button.
17:05Sa mga kapuso abroad, maaaring kaming masumaybayan sa GMA Pinoy TV
17:08at www.gmanews.tv.
17:11Sa mga kapuso.

Recommended