Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/27/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Literal na sumakses ang isang Pinoy sa Canada na mag-uuwi ng 80 million Canadian dollars matapos niyang manalo sa loto.
00:10Ang napanalo ng katumbas ng mahigit 3 bilyong piso, saan kaya gagamitin ng maswerte nating kababayan?
00:18Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:22I had to wait Saturday, Sunday, Monday, right?
00:25So, when we went to church, I placed it in my duffel bag and I just like sit down like this.
00:31Halos walang mapaglagyan ng tuwa ang kababayan nating si Justin Simporio sa Canada
00:35nang mapanalunan ang 80 million Canadian dollars na jackpot price sa loto roon.
00:41Katumbas yan ng higit 3.2 bilyon pesos.
00:44Kwento niya, kasama pa niya sa pagtulog ang hawak na winning ticket.
00:48I placed it in a Ziploc bag.
00:50I put it under my pillowcase and then under a blanket and I hit it.
00:54Bukod sa pag-secure niya ng kinabukasan ng kanyang pamilya sa napanalo ng pera.
00:59For me, it's really like securing my family's future right now.
01:02Like, you know, like talk to an advisor, make sure you make that money, like make generational wealth, of course.
01:09Kasama rao sa mga gagawin niya sa pera,
01:11ang pagtulong sa pagbabayad ng student debt ng kanyang kapatid
01:14at ang makapag-retire ng maaga ang kanyang ina.
01:17And I have like family set up, my daughter, my wife, my mom.
01:21Plano niya rin daw tumulong sa kanilang mga kaanak dito sa Pilipinas,
01:25pati na rin sa komunidad ng Surrey, British Columbia, kung saan residente siya ng apat na taon.
01:30We already have set charities in our brains right now, but just writing it down,
01:35we're gonna decide once we get to our financial advisor, then for sure I wanna give back to the community.
01:39Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, nakatutok 24 oras.
01:46Nalalapit na rao ang paglabas ng desisyon ng COMELEC 2nd Division,
01:50kaugnay sa mga inihaing petisyon laban sa dalawang party list group na ipinagpaliban ang proklamasyon.
01:58Wala pa man yan.
01:59Ilang grupo ng mga kabataan ang nanawagan sa COMELEC para tuluyang alisin ang isang party list group.
02:07Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
02:09Kailangan pang maghintay ng kaunti ng bagong henerasyon party list sa inaasam nitong proklamasyon matapos manalo sa nagdaang eleksyon.
02:21Ibinasura na ng Commission on Elections ang petisyon laban sa BH party list base sa teknikalidad,
02:28pero naghain ng motion for reconsideration ang petitioner nito.
02:32Sa pagkakaalam natin yes, nag-file ng motion for reconsideration,
02:36at ito ay kaagad natin iraraffle sa isang ponente upang mapag-aralan na kung ano yung sinasabi ng mismong petitioner sa kanyang motion for reconsideration.
02:49Nauna nang sinabi ng COMELEC na mas komplikado ang kinakaharap na kaso ng Duterte Youth Party list
02:55na may kaugnayan sa kakulangan daw sa requirement ng registration nito.
03:00Ganun pa ba't, nalalapit na raw ang paglabas ng desisyon ng COMELEC 2nd Division.
03:05Meron na silang resolusyon sa bagay na yan.
03:09Huwag mag-alala yung natural party list, yung mga supporters niya,
03:13sapagkat yan naman po ay kasama sa mga pinaprioritize, katulad din ng mga ibang kaso natin.
03:19May proseso kasi sa desisyon sa division. Pagka may draft na ang isang ponente o yung magsusulat ng kaso ay kinakailangan niyang iikot sa mga miyembro.
03:29At sa mga miyembro naman, either pag-aaralan, sasama sila doon o kaya mag-de-design doon sa kanila sa ginawa ng ponente.
03:37Ang Duterte Youth ay pangalawa sa mga party list na may pinakamaraming buto.
03:42Tatlong upuan ang dapat makukuha nila.
03:44Pero sakaling hindi ma-proklama ang Duterte Youth, magko-convene daw ang National Board of Canvassers para pag-usapan kung ano ang epekto nito.
03:53Pwede raw kasing may makapasok na karagdagang party list o kaya ay may madagdag na upuan sa dati ng naproklama.
04:02Nagtipo naman sa harap ng COMELEC ang ilang grupo ng kabataan na kinabibilangan ng kabataan tayo ang pag-asa at anak bayan.
04:10Nag-sumiti rin sila ng sulat sa COMELEC para ipanawagan na alisin ang Duterte Youth sa party list system para protektahan ang integridad ng eleksyon.
04:20Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
04:26Pinag-aaralan ngayon ng Pilipinas ang pagbuo ng government-to-government labor employment track sa pagitan ng Austria, Hungary, Italy at New Zealand.
04:34Ayon yan sa Department of Migrant Workers.
04:36Nakatutok si JP Soriano.
04:40Siya ang nataon ng teacher sa isang pampublikong paaralan sa Batangas si Rosaline.
04:46Mahal daw niya ang pagtuturo, pero hindi raw sapat ang sahod na kinikita para sa lumalak niyang pamilya.
04:52Kaya sinubukan niyang mag-apply sa Philippines-Austria Jobs Fair sa isang mall sa Quezon City.
04:57Para naman magkaroon tayo ng mas better future, second na yung professional and personal growth.
05:03Mahigit 800 aktibong job orders o trabaho sa Austria ang pwedeng applyan ng mga manggagawang Pilipino mula sa iba't ibang sektor,
05:12gaya ng architecture, construction, manufacturing, healthcare and wellness, household service, culinary at hospitality sectors.
05:20Dati nang may pinirmahang Memorandum of Understanding ang Pilipinas at ang Austrian Federal Ministry for Labor and Economy.
05:27Kaya planchado na ang ligtas, maayos at ethical recruitment at pagtatrabaho ng mga Pilipinos sa Austria.
05:34Ibig sabihin kung ano ang minimum wage at beneficio sa Austria para sa kanilang mga nationals.
05:40Ganun din ang makukuha ng mga matatanggap na Pilipino.
05:44At ang good news ayon mismo sa ambasador ng Austria sa Pilipinas.
05:49Once you're established, you can bring your kids with you.
05:53We will look after you with a good health system that you are a mandatory part of.
05:59Pinag-aaralan na rin daw ng Pilipinas ang pagbuo ng government-to-government o G2G labor employment trap
06:06sa pagitan ng Austria, Hungary, Italy at maging New Zealand.
06:11Magkakaroon tayong discussions and agreement with Hungary.
06:15Sa Hungary, andun na yung manufacturing, andun na yung hospitality sector, andun na yung office work among others.
06:25So pwede pa pag-usapan naman yung ibang klase ng sektor.
06:28We're of course mindful of the labor demand, the job market demands here in our country.
06:32Dumating din sa aming office ang New Zealand ambasador.
06:36So we're also working out something with New Zealand, not necessarily in Europe.
06:40But in Europe, we are in continuing discussions with countries like Italy.
06:45Nagkaroon din ng Pre-Orientation Departure Seminar o PIDOS para sa mga aplikante sa jobs fair
06:51upang ituro sa kanila ang kanilang mga karapatan sa ibang bansa
06:54at ang mga rules and regulations sa Austria at iba pang bansa kapag sila ay natanggap.
07:01Importante rin daw ito para matiyak na hindi mabibiktima ng illegal recruiter ang mga aplikante.
07:06Paalala po ng DMW, tanging sa mga lehitimong recruitment agency lang mag-a-apply
07:11na makikita sa listahan ng DMW website.
07:15Kapag government to government ang a-applyan,
07:17derechok sa DMW mag-a-apply at wala dapat placement fee.
07:22Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
07:32Magandang gabi mga kapuso.
07:34Ako po kanyang Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
07:39Ang pagbubukas ng palarong pambansa 2025 sa Ilocos Norte,
07:42hindi na naging selebrasyon ng husay ng Pinoy student-athletes.
07:46Naging daan din ito para maipakita ang mayamang kultura ng mga Ilocos Norte
07:50at mabigyang pugay ang kauna-unang Olympic medalist ng Pilipinas na isang proud Ilocano.
08:00Sa linggong ito, all roads lead to Ilocos Norte.
08:04Kung saan ang tipong-tipo ng pinakamahuhusay na elementary at secondary student-athletes ng bansa
08:08para magtaghisa ng gilas at lakas sa isa sa pinakabalaking sporting event dito sa Pilipinas,
08:13ang panarong pambansa 2025.
08:18At sa ginanap na opening ceremony nitong Sabado,
08:21binigyan pugay ng mayigit 12,000 student-athletes
08:24ang kauna-una ang Pilipino at Southeast Asian na nakasungkit ng medalya sa Olympics,
08:28ang proud anak ng Ilocos Norte na si Teofilo Ildelfonso.
08:32Si Teofilo Ildelfonso pinanganak sa bayan ng Pidig naong 1903.
08:37Ang kanyang husay sa paglangoy,
08:38nahasa raw sa isang ilog sa kanilang bayan, Agwisit River.
08:41Sa 1928 Amsterdam Olympics,
08:43nakamit ni Ildelfonso ang kauna-una ang medalya ng Pilipinas sa prestigyosong kompetisyon,
08:48isang bronze medal para sa 200-meter breaststroke.
08:51Sa kaparehong event sa 1932 Los Angeles Olympics,
08:53muli siyang gumawa ng kasaysayang na bakasungkit naman siya ng isa pang bronze medal.
08:57It's a very unique honor.
08:59He didn't win gold, but he was the first.
09:01He was there representing a new Asian country,
09:04that time a colony of the US.
09:07Dahil sa kanyang husay,
09:08ang Ilocano swimmer ang naging inspirasyon ng logo ng palarong pambansa sa taong ito.
09:12Sa logo kasi,
09:12makikita ang isang pixelated human figure
09:14na siyang iconic pose ni Ildelfonso.
09:16There is a technique and there are weavers in Pauay
09:19who can render our graphic design
09:22to an actual in-a-belt.
09:24We thought of using the logo in a reel in-a-belt pack
09:27or hindi siya printed lang.
09:29At alam niya ba na maging ang official mascot ng palarong pambansa sa taong ito?
09:33Teofilo Ildefonso koda din daw.
09:34Mga kapuso, meet Filo.
09:44Ang official mascot ng palarong pambansa 2025,
09:47si Filo ay isang pating.
09:49Ang ating kasing kauna-una ang Pinoy Olympic medalist
09:52na si Teofilo Ildefonso,
09:54binansagang Ilocano Shark.
09:56Kaya itong naging inspirasyon ni Filo.
09:58Sinasalamin din ni Filo ang determinasyon at tibay ng mga Ilocano.
10:02Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral balita,
10:05ipost o i-comment lang.
10:06Hashtag Kuya Kim, ano na?
10:08Laging tandaan, kimportante ang may alam.
10:11Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 hours.
10:14Nabulabog ng Rambol ang karakol o parada ng patron sa barangay Ibayo Silangan sa Naikavite.
10:24Ano ba yan? Ano ba yan? Ano ba yan?
10:26Bigla na lang nagkahabulan at nagsuntukan ang ilang kalalakihan at kababaihan sa gitna ng parada.
10:36Ang mga taga-barangay ay kitang pilit namang umawat sa mga sangkot sa gulo.
10:40Ayon sa uploader ng video, hindi malinaw ang mitya ng Rambolan.
10:44Pero base umano sa kwento ng mga saksi,
10:47e pawang nakainom ang mga nakikisayaw sa karakol na nauwi sa gulo.
10:56Brothers for Life na talaga ang cast ng mga batang riles dahil sa bond na nabuo nila sa set.
11:01Aminado mga, mamimiss ang isa't isa.
11:03Excited naman nilang isinare ang twist at intense scene sa nalalapit na pagtatapos ng seryer.
11:09Makichika kay Lars Santiago.
11:14Isang taon na nagsama-sama si na Miguel Tan Felix,
11:19Cocoy De Santos, Rahil Birria, Anton Vinson at Bruce Roland mula sa workshop
11:25at action routine training hanggang sa taping ng GMA Prime Action Series ng mga batang riles.
11:32At ngayon ngang malapit ng matapos ang series,
11:35kakaibang emosyon daw ang kanilang nararamdaman.
11:40Nalungkot agad po ako nung nalaman kong malapit na magtapos.
11:44Kasi wala lang, parang bumalik sa akin yung mga memories na mga nagawa namin from the start.
11:50Hindi pa ako ready na matapos itong ganitong klaseng pagsasama.
11:54Kasi syempre alam ko pagkatapos ito, oh, makikita-kita pa rin.
11:57Pero syempre iba yung samahan na ito na nasaset kayo, yung mga ganap nyo during, after.
12:03Masakit kasi nakasama ko na yung mga totoong brothers ko.
12:07Mga one year na kami magkasama.
12:10Kaya kahit minsan-minsan na lang kami makikita,
12:13doon pa rin yung samahan namin magtropa.
12:15Hindi pa ako prepared kasi araw-araw ko iniisip na parang nababawasan yung araw na magsasama kami.
12:20Sa akin hindi pa nagkasingkin.
12:23Syempre mamimiss ko yung mga brothers ko.
12:25Na-enjoy ko talaga yung pagkasama namin.
12:28At dahil naging sobrang mahigpit na ang kanilang bonding,
12:33may plano raw silang gawin pagkatapos ng serye.
12:37May pa-plano ang bungkas ng out of the country.
12:41Pero syempre naging plano lang muna sa ngayon.
12:42Maganda yan pag may nag-alapaga na.
12:44Oo, lapaga na.
12:45Hindi, maganda niyan. Magbook na tayo ng flight.
12:47Libri ako ticket.
12:48Libri ako ticket, diba? Thank you, par.
12:51Pero for now, focus muna sila sa mga kinukunang malalaking action scenes,
12:57papunta sa mas maaksyon at kahindik-hindik nilang finale.
13:02Madami kayong abangan. Mas may power kami ngayon.
13:04Asahan nyo kay Kulot, syempre, mag-iisip si Kulot palagi nandaan para makalabas sa mga trouble.
13:10Lagi niyang babakapan itong mga tropa niya.
13:14Sobrang intense po nung magiging last 2 to 3 weeks ng mga batang relis.
13:20Hindi lang yung action, pati yung mga emotions namin ang tataas na dito
13:25dahil patapos na eh, malalaman ba ni Kulot na anak talaga siya ni Rendon.
13:30Si Sig naman, gagawin niyang lahat ng kaya niyang gawin
13:33para protektahan din ang mga batang relis
13:37dahil ngayon nung ulit siya nakasama sa kanila
13:39kasi nag-recover na ang pilay niya.
13:44Kaya gagawin niyang lahat, syempre, para hindi rin mapahamak ang lady niya.
13:47Makakita nyo yung pagiganti ni Matos sa mga batang relis
13:50dahil akala nyo na pinatay yung mom niya.
13:54So, syempre, makakita sa mga eksena yung face-to-face nila
13:59ng mga batang relis.
14:02War Santiago updated sa showbiz.
14:05Happening!
14:07Pinambakan at sinakop na nga.
14:11Pinarerentahan pa umano ng ilang residente
14:12ang espasyo sa bangketa sa bahagi ng Pasay City.
14:15Kabilang yan sa mga pinagsisita ng MMDA
14:17sa kanilang pag-iikot ngayong araw.
14:20Nakatutok si Oscar Oida.
14:25Nagmistulan ng extension ng mga bahay
14:28ang mga bangketa dito sa tramo sa Pasay.
14:31Sa ganyang sitwasyon, inabutan ng MMDA Special Operations Group Strike Force
14:35ang lugar ng magsagawa ng bantay sa gabal operasyon kaninang umaga.
14:39Kundi mga basura, mga pinaglumaang gamit ang itinambak sa bangketa.
14:45May basketball board at ring pa.
14:48Yung iba, tinayuan pa ito ng mga tindahan, lotohan, pati lotohan.
14:53Kaya, imbis na sa bangketa, sa mismong kalsada na naglalakad ang mga pedestrian.
15:01Naintindihan po natin na kailangan po maghanap buhay ang ating mga kababayan.
15:05But then again, not at the expense of the convenience of public and also public safety.
15:10May kita po natin, malit na po ang bangketa,
15:13meron pong water meter, may drainage din.
15:15Paparintahan pa po natin ito sa isang tindahan na nagpiprito ng manok.
15:20So, safety is at hand. Delikado po yan.
15:23Mantakin nyo, ang ilan nga daw na espasyo sa bangketa, pinarerentahan pa.
15:29Hindi na siya, kumbaga, uncommon.
15:31Nagiging normal na po yan na ang nagiging mindset po ng ating mga kababayan
15:35na once there's a space outside your house,
15:38whether it's a sidewalk, whether it's part of the street, nilalagyan ng kung ano-ano.
15:42Sa kabila nito, may mas nakikita naman umanong pag-asa sa hinaharap
15:46si MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go.
15:51Kung dati daw kasi, palaban pa ang mga nakuhuli.
15:54Ngayon daw, mas sumusunod na.
15:57Meron tayong mga ilang mga nakuhuli na sinasabi nga nila,
16:00Sir, nakuhuli nyo po kami pero okay lang, mali naman po kami.
16:02So I think there's this acceptance already.
16:04Nangako naman ang MMDA na bukod sa mga kalsada,
16:09aayusin din nila ang mga bangketa sa Metro Manila,
16:12lalot na lalapit na ang rehabilitasyon ng EDSA.
16:16First and foremost, ang tramo po, it's part of our Mabuay Lane dito po sa Pasay.
16:20Then itong portion na ito, napapuntang Vito Cruz po na tramo,
16:24this is an extension of the Mabuay Lane.
16:26And alam naman po natin, there's an upcoming rebuild of EDSA.
16:29So marami po tayong tinitingnan ng lugar, kasama po ang ating mga LGUs
16:34na we are identifying mga streets na kung saan maaaring magamit po ito ng mga motorista.
16:39Bukod sa tramo, pinasadahan din ang Bantay sa Gabal Operations
16:42ang kahabaan ng Arellano Street sa Manila,
16:45maging ang Zubel Rojas, Tejeron at Pedro Hill.
16:49Aabot sa halos arin na po ang natikitan,
16:53habang nasa labing walo naman ang mga nahatak na sasakyan.
16:56Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
17:04Mahigit isang bilyong pisong halaga ng Shabu
17:07na ay sinilid sa mga tibag
17:10ang nasabat sa isang subdivision sa Pampanga.
17:13Pusibling galing umano ang mga ito sa Thailand, Myanmar at Laos.
17:18Nakatutok si Jonathan Andal.
17:20Ito na ang pinakamalaking huli ng PIDEA ngayong taon.
17:28155 kilos ng hinihinalang Shabu na mahigit isang bilyong piso ang halaga.
17:35Nabisto ito sa bahay sa isang subdivision sa Angeles City, Pampanga kahapon.
17:40Wala ko tayong nahuli doon dahil noong time na in-implement po natin yung search,
17:44hindi po lumitaw yung subject po natin search parang.
17:48Ang target, isang Chinese national na isang taon nang nangungupahan sa bahay.
17:53Sabi ng PIDEA, miyembro ito ng isang high-value drug syndicate
17:56at konektado sa naarestong isa pang Chinese at Pilipina
18:00na nahulihan ng 35 kilos ng Shabu sa Bybas Operation sa Angeles City rin.
18:06Nito lang May 14.
18:07Sabi ng PIDEA, base sa packaging ng mga Shabu na pinagmukhang tsaa,
18:11pusibling galing ito sa Thailand, Myanmar at Laos, ang Golden Triangle.
18:15We are looking into the possibility na dinaan yan through backdoor channels
18:21kasi nga naman, based on the profile ng mga nakuha nating droga,
18:27most likely nang galing ito doon sa ating tinatawag na Golden Triangle.
18:32If we were not able to confiscate or seize these dangerous drugs,
18:36most likely this will fall doon sa ating mga small-time drug peddlers.
18:39Noong isang linggo, ipinagutas ni Pangulong Bongbong Marcos
18:42natutukan naman ang mga otoridad ang mga street-level drug personality
18:46dahil tinuon daw masyado ang atensyon sa mga big fish sa droga.
18:50Sabi ng PIDEA, hindi nila napababayaan ang maliliit na drug sospek
18:53kahit may nahuhuli silang malalaking personalidad sa droga.
18:57Mula raw ng ibaba ng Pangulo ang direktiba,
18:59nakapagkasana ang PIDEA na mahigit tatlong daang operasyon,
19:02nakahuli ng mahigit apat na raang sospek
19:04at nakakumpis ka ng halos limang kilong Shabu at Marijuana
19:08at wala raw silang ni isang napatay.
19:11Nananawagan ng tulong ang PIDEA.
19:13Isumbong sa kanila ang mga nagbebenta at gumagamit ng droga sa inyong lugar
19:17ang kapalit hanggang 2 milyong pisong pabuya.
19:21Last week, nagbigay tayo ng rewards.
19:24Eight individuals, they were able.
19:27Apat doon, nakakawal ng 2 milyon pesos each.
19:29Kung meron man silang may turo,
19:32successful yung operation,
19:33depende sa quantity and quality,
19:35they will receive rewards from PIDEA.
19:37Para sa GMA Integrated News,
19:39Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
19:43Iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos
19:45na hindi siya magbibitiw sa pwesto
19:48sa kabilaya ng panawagan ng mga kritiko
19:50kasunod ng isinagawang Cabinet Revamp.
19:53Nakatutok live, si Ivan Ayrin.
19:56Ivan.
19:57Yes, Vicky, nakapanayam ng mga mamamahayag ngayong gabi lamang
20:04si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang partisipasyon dito sa 46th ASEAN Summit
20:08at isa nga sa mga nabanggit niya ay hindi siya magre-resign.
20:12Yan ang tugon ng Pangulo kasunod ng mga panawagan ng kanyang mga kritiko
20:15na siya ang mag-resign sa halip na pagbitiwin ang kanyang gabinete.
20:20Narit nung kanyang tugon sa hirit na yan.
20:22Yan ko gagawin niyo at wala sa ugali ko yung tinatakbuhan ng problema.
20:35Sinabi rin ang Pangulo na nagpapatuloy ang maiting na pagsusuri sa performance
20:39sa kanyang gabinete at mga heads of agencies.
20:42Hindi naman daw kasi para pagpapopogi lang ang kanyang ginagawang Cabinet Revamp
20:46at mas balaliman daw ang kanyang ginagawang performance review.
20:49Samantala kung nainito, sinabi ng Pangulo na may napili na siyang jepe ng Philippine National Police
20:54pero hindi pa niya inanunsyo kung sino dahil nais raw niya na personal niya muna itong sabihan.
20:59Pero ang utos niya, ito rin lang ang pagpapababa ng crime rate
21:02at paitingin ng police visibility para mapanatag ang publiko
21:06na sililigtas sa kanilang mga komunidad.
21:09Natanong din ang Pangulo tungkol sa impeachment proceedings
21:11laban kay Vice President Sara Duterte na nakatakdang magsibula sa susunod na linggo.
21:15Ayon sa Pangulo, hindi nagbagong kanyang posisyon na ayaw niya na impeachment
21:18pero kailangan nalang hayaang gumulong ang proseso.
21:25I didn't want impeachment.
21:28Lahat ng kakampi ko sa Kongreso hindi nag-file ng impeachment complaint.
21:36Yung mga nag-file ng impeachment complaint,
21:39hindi mo masasabing kaya kong utusan o pagsabihan na ito yung gagawin mo.
21:44So, why do I have to keep explaining that I did not want impeachment?
21:51Samantala, Vicky Balik, Pilipinas.
21:58Ngayong gabi ang Pangulo mula dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
22:01At live mula sa Malaysia, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
22:05Maraming salamat sa iyo, Ivan Mayrina.
22:08Nasa Qatar ngayon si Vice President Sara Duterte para dumaloh sa ibat-ibang aktibidad kasama ang Filipino community.
22:17Dumaloh sa isang visa ang visa kung saan mainit siyang sinalubong ng mga overseas Filipino workers.
22:23Nakatakdaring bumisita ang visa sa isang health center kung saan ilang Pilipino ang nagtatrabaho.
22:28Kasama ng visa sa Qatar si Senadora Amy Marcos na inimbitahan daw niya para sa isang pagditipo ng mga Pilipino roon.
22:35Pagkatapos sa Qatar, nakatakdaring bumisita si Sara kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Netherlands.
22:42Sa June 4, inaasahang babalik ang visa sa bansa.
22:46Tatlong linggo bago ang pasukan, problema pa rin ang kakulangan sa mga silid-aralan ayon mismo sa DepEd.
22:54Pero kahit tinapiasa ng pondo ngayong taon, tinatarget pa rin daw nilang makapagpatayo ng mahigit 14,000 classroom.
23:03Nakatutok si Maris, umali.
23:05Nagsisimula na muling mag-enroll para sa nalalapit na pasukan ng mga estudyanteng ito dahil pasukan na ulit sa June 16.
23:14Aminado sa DepEd Secretary Sonny Angara na may malaki at matagal ng problema na muling kaharapin ang buong sektor ng edukasyon.
23:22Ang kakulangan ng mga silid-aralan.
23:23We're now at around 165,000 and growing kasi hindi nakakayanan ng current budget yung to meet the buong bansa kasi yung kakulangan.
23:34Especially sa populated areas like Region 4A, NCR, grabe yung and all these cities actually all over the country.
23:41Mataas ang backlog, 10,000 per city.
23:43Isa sa mga eskwalahan na kararanas na classroom shortage, ang Batas and Hills National High School.
23:49Ang eskwalahan may pinakamalaking populasyon na estudyante sa buong NCR na aapot sa 17,000.
23:55Ang kanilang silid-aralan, nasa 92 lang.
23:59Para ma-accommodate daw ang lahat ng estudyante, hindi na muna tatanggap ng grade 12 enrollees at magpapatupad sila ng shifting na klase.
24:05Ang risulta, dalawa hanggang tatlong araw lang kada linggo ang face-to-face classes habang natitirang araw ay asynchronous na o online learning.
24:13Hindi kumpiyansa rito, maging ang kanilang assistant to the principal for the curriculum.
24:17Since ang ating mga junior high school or high school students ay supposed to be more on face-to-face.
24:27Yung actual learning ang kailangan natin.
24:30Performance outcomes ng mga bata.
24:34Babagsak, deteriorate talaga.
24:37Yun ang magiging effect.
24:40Ganito rin ang pinatutupad na sistema ng Justice Cecilia Munoz Palma High School.
24:44Kaya ang kanilang mga estudyante nag-aalala.
24:46Mahirap po kasi may mga namimiss po kaming lessons.
24:50Marami pong lessons po kaming nalagpasan.
24:52Tulad po nung sa ASP po, may isang buong module po kaming hindi po na-lesson.
24:57Kaya po nung sa in terms of exam, may mga hindi po kami na-review po.
25:02Ang hirap po mag-thrive if kulang-kulang po yung lessons.
25:06Ang kaso, tinapyasan pa ng mga mambabatas ang punto ng DepEd nitong 2025 na aabot sa 12 bilyong piso dahil sa umray low fund utilization.
25:15Ang tanong, kailan pa makapagpapatayo ng karagtagang mga silid-aralan sa ganitong sitwasyon?
25:20It will take us 30 years probably if we work on the current budget.
25:24Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, aabot sa 28 bilyon pesos ang inilaan sa DepEd para sa basic education facilities.
25:327.18 bilyon pesos para sa pagdatayo ng bagong kindergarten, elementary at secondary school buildings.
25:396.13 bilyon pesos naman ang pondo para sa rehabilitasyon, renovation, repair at pagpapaganda ng school buildings sa ilalim ng repair all policy.
25:48Ayon sa DepEd, ngayong 2025 aabot daw sa 14,268 ang may patatayo silid-aralan ng ahensya.
25:56Para sa GMA Integrated News, Marise Umali nakatutok, 24 oras.
26:01At yan ang mga balita ngayong Martes. Ako po si Mel Tianco.
26:06Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
26:08Para sa mas malawak na pagilingkod sa bayan. Ako po si Emil Sumangir.
26:12Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
26:16Nakatuto kami, 24 oras.

Recommended