00:00Sa ibang balita, nasa isang milyong pisong halaga ng illegal na vape products nasabat ng otoridad sa Tondo, sa Maynila.
00:07Yan at iba pa sa ulat ni Floyd Brands.
00:13Nasabat ng BIR ang kahon-kahong mga illegal na vape products na itinago sa loob ng isang residential area sa Santo Cristo Street, Tondo, Maynila.
00:22Aabot sa tatlong daang kahon ng mga illegal na vape products ang nasabat na may tansyang halaga na nasa mahigit 14 hanggang 15 milyong piso.
00:33Para mas mapalawak ang kaalaman ng mundo ukol sa Pilipinas at maibida ang talentong Pinoy, isang Filipino cultural group ang itinatag sa China kamakailan.
00:44Pinangunahan ng Philippine Consulate General sa China ang pagbuo ng grupo na pinangalanan bilang sinagmaharlika.
00:51Tampok sa pagtatanghal ng grupo ang iba't ibang pinagmamalaking sayaw at tugtugin sa bansa.
00:59Nagsimula na ang unang round ng negosyohan para sa isang Comprehensive Avoidance of Double Taxation Agreement o DTA sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong.
01:08Tatlong araw ang ginugol ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue o BIR at Inland Revenue Department ng Hong Kong.
01:19Ipinagtanggol naman ang ilang kasamahan ng Department of Health o DOH ang pamumuno ni Dr. Ted Herbosa.
01:25Pinuri nila ang mga benepisyon ng mga opisyal na pagbiyahe ni Herbosa tulad ng pagsecure ng malaking pondo mula sa iba't ibang international agencies.
01:35Floyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.