00:00Natuklasan ang Department of Justice na may hanggang tatlong pasaporte si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na ginamit umano nito sa pagtungo sa iba't ibang bansa.
00:11Agad naman itong tinugunan ng ahensya at nagsagawa ng kinakailangang aksyon.
00:16Ang Sentro ng Balita mula kay Luis Erispe live.
00:22Naomi, kinumpirma na nga ng Department of Justice na hindi lang isa kundi may dalawa hanggang tatlong pasaporte.
00:30Si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na wanted ngayon sa kasong Qualified Human Trafficking.
00:35Hahalukayin naman na niya ng DOJ kung papaano nakakuha si Roque ng maraming mga passports.
00:44Matapos kumpirmahin ng DOJ kahapon na pinapakansilan nila ang pasaporte ni Harry Roque para mapadeport at mapilitan itong makauwi sa Pilipinas,
00:52iniimbestigahan naman nila ngayon ang malaking posibilidad na may dalawa hanggang tatlong passports si Roque.
00:58Paliwanag ng Department of Justice ang hawak nitong multiple passports ang nakikita nilang dahilan
01:04bakit hindi nag-a-alarm sa Bureau of Immigration ang mga nagiging biyahe ni Roque sa iba't ibang bansa.
01:10Yan ang aming nakita na maaaring paliwanag sa kanyang mga pag-alis kasi hindi nag-a-alarm.
01:19Hindi nag-a-alarm kasi meron ng lookout bulletin niya. Hindi nag-a-alarm.
01:23Sabi pa ni Rimulya hindi ito diplomatic passport ng opisyal ng gobyerno kundi parehas uminong regular passport kaya lalabas na inigal o bawal umano ito.
01:35At least two Philippine passports. Parehong regular passport, parehong regular passport.
01:39Hindi pala sana kung opisyal pa rin siya meron siyang diplomatic tsaka meron siyang regular.
01:44Ang alam namin meron siyang dalawang regular.
01:46Halukay naman ang Department of Justice at pa-iimbestigahan sa Report of Foreign Affairs kung paano nakakuha ng dalawang passport si Roque.
01:55We will ask the DFA about it. Kasi DFA ang gumagawa yan. Hindi naman DOJ, hindi naman immigration.
02:02So we will ask the DFA. We will ask the DOJ, DFA to cooperate with us. It's very important.
02:09Samantala, para naman masiguro ang mahigpit pero mabilis na border control sa mga pali para na ininspeksyon ni Rimulya ngayong araw ang E-Gates ng NIA Terminal 3.
02:20Planoan niya ng Bureau of Immigration na madagdagan pa ang E-Gates para matiyak na mabilis ang time intervals sa BI counters sa pag-alis at pagdating ng OFWs.
02:30Dito na natin yung proseso para mapabilis at mapaganda ang karinasan ng mga tumadaan dito sa NIA 3 at sa buong NIA Complex.
02:45Naomi, sa ngayon ay wala pa namang komento. Si dating presidential spokesperson Harry Roque, hinggil nga dito sa naging pahayag ni Rimulya na meron siyang hawak na dalawa hanggang tatlong passports.