Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/27/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dahil umano sa pagkakatanggal sa trabaho at paghold sa kanyang sweldo,
00:07walang habas na namaril ang isang dating tanod sa gitna ng flag racing ceremony
00:12sa barangay Salitran 3 sa Dasmarinas, Cavite.
00:15Patay ang tatlong opisyal ng barangay, pati ang gunman matapos magbaril sa sarili.
00:21Balitang hatid ni Mark Salazar.
00:22Sa gitna ng flag ceremony ng barangay Salitran 3 sa Dasmarinas, Cavite,
00:30biglang umalingaungaw ang mga putok ng baril.
00:34Bumulag ta ang kapitan at isang kagawad habang nagtakbuhan ng iba pa.
00:40Ang video na yan ng pamamaril viral ngayon sa social media.
00:44Ayon sa pulisya, hinabol pa ng suspect ang isa pang kagawad papasok ng barangay hall
00:49at doon binaril pati ang SK secretary.
00:52According sa witnesses po, is anim na putok yung si kapitan na headshot, isa.
00:59Isang kagawad na katabi niya is isa.
01:02Tapos yung isang kagawad na nakatakbo na sa opisina, dalawa sa likod.
01:07Tapos yung SK secretary, dalawa po sa tiyan na undergoing operation.
01:15Patay ang kapitan ng barangay at dalawang kagawad habang malubhang nasugata ng SK secretary.
01:21Sabi ng pulisya, ang barangay treasurer, ang pakay ng suspect na isang dating tanod.
01:26Ayun po yung sinasabi ng mga witnesses sa area na hinahanap yung...
01:30After na nabaril yung kapitan sa kagawad, hinahanap po niya yung tao.
01:37Nagsisigaw po siya doon.
01:38Saka pagkatapos doon, mula ng ano, saka po siya umalis on foot.
01:43Matapos isagawa ang krimen, umuwi ang suspect sa bahay at doon daw nagbaril sa sarili.
01:49Inimbisigahan pa rin po kung sino po ang nagmamayari ng baril na ginamit po ng suspect.
01:58Na-recover sa katawan ng suspect ang dalawang magazine ng kalibre 45 baril.
02:03Pero ang ginamit ng baril, misteryong nawawala raw.
02:07Tanong sa investigasyon ngayon kung sino ang nagtago ng baril.
02:11Paghihiganti ang isa sa mga motibong tinitingna ng mga autoridad.
02:15Matapos umanong tanggalin bilang tanod ang suspect.
02:18Nung buwan po ng Pebrero, ay nakasahod pa po ito.
02:22Napasok pa po ito sa trabaho despite po nung kanyang karamdaman na diabetes.
02:29Nito pong last na buwan, ito pong Mayo, na kukuni na po na yung sahod niya doon sa treasurer,
02:36ay hindi po ibinigay at ang dahilan po ay nakahold na po yung kanyang sahod.
02:41Tinanggal na po siya sa pagtatano dahil nga po ineffective na po siya.
02:45Dahil hindi na nga po siya nakakapasok dahil sa kanyang karamdaman.
02:48Patuloy ang investigasyon ng pulisya.
02:51Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:55Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended