Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bantay sarado ngayon na mga residente ang isang compound sa Tondo, Maynila kasunod ng tensyon kahapon sa nakaambang demolisyon.
00:07Update tayo sa sitwasyon sa Tondo, Maynila sa unang balita live ni EJ Goff.
00:11EJ!
00:17Iga, nandito tayo nga ngayon sa MyGate nitong compound sa Barangay 262, Tondo, Maynila,
00:23na nabalot ng matinding tensyon kahapon sa tangka ng mga residente na mapigilan ang demolisyon sa lugar.
00:30Nanindigan ang ilang residente na nakausap natin na hindi raw sila patitinag,
00:35lalot hindi raw sapat ang 38,000 pesos na alok ng pribadong korporasyon na nakabili ng lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay.
00:50Matapos ang tensyon kahapon sa pagitan ng mga otoridad at residente ng Barangay 262 sa Tondo, Maynila,
00:57na napuno ng bombahan ng tubig, batuhan ng mga silya, water container, pati na gas,
01:05bantay sarado ngayong umaga ang siguridad sa lugar.
01:09Mayat-maya ang pagkandado ng mga residente sa gate ng compound.
01:12May ilan nga na umaakyat at dumadaan na lang sa taas ng gate para mapanatiling nakasara ito.
01:19Isa si Arnie sa mga residente rito na 31 taon nang naninirahan sa lugar.
01:24Isa raw siya sa maraming residente na nagtamuraw ng mga injury kasunod ng tensyon kahapon.
01:30Isang 37-anyos na babae ang nagtamo ng mga malalaking pasasabinti at braso.
01:35Yung sa akin naman po ito, dahil sa kakasalag siya shield ng mga polis,
01:43yung mga kasama ko may mga pasasabinti dahil sa pagbugan ng tubig.
01:47Marami pa po mga pumotok yung ulo, kaka-ilag din sa shield, mga minority edad.
01:53Matapos ang apat na taong pagdinig sa kaso na issue ang notice of demolition sa compound noong October 2024,
02:00Pebrero ngayong taon nang ibigay ng Korte ang final notice.
02:04Ayon sa Sheriff ng Korte, ilang beses nang pinagbigyan ang mga residente na i-extend ang demolition.
02:1038,000 pesos ang alok ng pribadong korporasyon na nakabili sa lupang kinatitidikan ng kanilang mga bahay.
02:17Katiting at di raw sapat yan, sabi ng mga apektadong residente.
02:21Mahirap ma'am. Unang-una, ang hirap-hirap mangupahan.
02:26Paglabas mo dyan, mababa ang bahay, sampun libo.
02:29Pera pa ang ilaw at tubig.
02:31Paano kami sa susunod na buwan? Saan kami kukuha ng kakainin namin?
02:35Pwede ba yun hindi na kami kakain? Puro pambayad na lang ng bahay.
02:39May mga anak din kaming mga nag-aaral pa.
02:41Kagaya ko, single mother ako.
02:43Saan kukukunin yun panggasos ko sa tatlong anak ko kung ibabayad ko pa sa bahay?
02:48Sinusubukan pa ng GMA Integrated News.
02:51Nakuna ng pahayag ang kumpanyang nakabili ng lugar.
02:54Igaan, kita ninyo rito yung police visibility dito sa lugar.
03:04Tabi lang nitong gate ng compound, itong police outpost ng Mayhalige.
03:08Sa mga oras na ito, dalawa yung nakadeploy na police.
03:10Kanina, apat yan sila.
03:12At kaninang alas sa islang ng umaga,
03:14may dumating na police mobile dito sa lugar.
03:19At noong mga panahon na yun, nandun tayo sa loob ng compound
03:22at agad tayong pinaalis o pinalabas noong mga kausap natin
03:25dahil muli nilang kinandado ang lugar noong nakita nilang may dumating na mga polis.
03:31At yan ang unang balita mula rito sa Tondo, Maynila.
03:35EJ Gomez para sa GMA Integrated News.

Recommended