Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Paalala mo lang sa mga eksperto, huwag baliwalay ng anumang kagat o kalmot ng hayop.
00:05Magpabakuna agad contra rabies dahil bagamat nangamamatay ito, kaya itong agapan ng bakuna.
00:11Ditong linggo may naitalang ulit na namatay dahil sa rabies.
00:15At may unang balita si Jonathan Andal.
00:21Nakagapos sa kama ng ospital pero panay ang galaw ng mga kamay, paa, ulo at bibig ng 25 anyos na si Nicole.
00:29Nakapag-video pa siya habang kumakain pero halatang bali sana.
00:33Sumenya siya sa kapatid na iinom ng tubig pero pinatak-patak lang niya ito sa bibig gamit ang straw.
00:39Kita ko talaga yung hinga niya.
00:40Pag ganyan na, sabi ko, sir, may hika, kabanak.
00:45Sabi niya, mama, upo. Sabi ko, sige, uminom ka ng gamot.
00:48Sabi niya, mama, pag uminom ako ng gamot, malulunod na ako.
00:52Si Nicole tinamaan na pala ng rabies virus.
00:56Ni, yung anak mo, tinatalian na kasi umakyat na yung rabies sa utak niya.
01:03Doon ko na nalaman, sir, na nakagat pala siya ng aso.
01:07Wala raw pinagsabihan si Nicole na nakagat siya ng aso.
01:10Sabi ng ina, noong Marso pa nakagat sa paa ang anak.
01:13Pero nitong Sabado lang, May 24, lumabas ang mga sintomas.
01:16Sa tradisyon ng gabi, tumawag siya sa akin mga 10 o'clock.
01:21Ang sabi niya sa akin, mama, masama po pakiramdam ko.
01:24Mama, matay na po ako.
01:26Sabi niya, mama, tawagan mo si Toto, sunduin ako papuntang ospital.
01:30Binawian ng buhay si Nicole.
01:32Naulila niya ang tatlong taong gulang na anak.
01:35Hindi na ibuburo na tagad nang ililibing ang labi ni Nicole.
01:38Kaya ang ina niyang nasa muntin lupa,
01:40nananawagan ng tulong para makauwi sa libing ng anak sa bakulod.
01:43Dahil nakakahawa ang rabies,
01:45nagpaturok na ng anti-rabies vaccine ang kapatid ni Nicole
01:48na may direct contact at nag-alaga sa kanya sa ospital.
01:52Pangalawa si Nicole sa nadokumentong namatay sa rabies sa loob ng isang linggo.
01:57Noong May 18, pumanaw rin sa rabies ang factory worker sa Laguna
02:02at dating CAFGUNA si Janelo Limbing.
02:04Siyam na buwan matapos makagat ng aso
02:06at hindi kinumpleto ang tatlong doses ng bakuna.
02:09Ang rabies ay isang virus na inaatake ang central nervous system
02:14na ipapasa ito mula sa kagat at kalmot ng hayop na infected nito.
02:19Base sa datos ng DOH, 426 ang naitalang kaso ng rabies noong 2024
02:24at ngayong taon mula Enero hanggang March 1, 55 na ang naitala.
02:29Sabi ng World Health Organization,
02:31pwedeng umabot ng hanggang isang taon ang incubation period
02:34o yung panahong nasa loob ng katawa ng rabies bago itong maglabas ng sintomas.
02:39Kaya huwag ipagbaliwala ang anumang kagat o kalmot ng hayop.
02:43Magpabakuna dahil nakamamatay ang rabies pero kaya rin agapan ng bakuna.
02:48Sa Quezon City, libre ang bakuna contra rabies para sa mga lehitimong residente.
02:53Kung hindi, babakunahan pa rin naman ang pasyente.
02:55Kaso, unang shot lang.
02:57Ang mga susunod na doses dapat doon na sa LGO ng pasyente
03:00para hindi raw maubos ang supply ng mga taga-QC.
03:03Kada araw, umaabot ng hanggang tatlong daan ang nagpapabakuna sa QC contra rabies.
03:09Immediately po sana, pag nahagat po tayo,
03:11at malalim yun dun sa mga sugat,
03:13magpuntan na po dun sa pinakamalapit na health facility.
03:16Not necessarily mabibigyan po kayo agad ng vaksin,
03:19depende rin po kasi dun sa dami ng nakapila,
03:21pero at least mabibigyan po kayo nung dun sa instructions.
03:24Anong gagawin po ninyo kung habang nagaantay po kayo na mabakunahan?
03:28Libre rin ang bakuna contra rabies sa RITM sa Muntinlupa,
03:32Amang Rodriguez Hospital sa Marikina,
03:34pati sa San Lazaro Hospital sa Maynila,
03:36na may 100,000 vials parao para sa buong taon.
03:39At kung maubos, nakakahingi naman ng tulong sa DOH.
03:42Magtanong din sa inyong LGU para sa libreng bakuna.
03:45May animal bite treatment package din ang PhilHealth
03:48na nagkakahalaga ng P5,850.
03:51Sakop nito ang anti-rabies vaccine, anti-tetanus at local wound care.
03:56Ito ang unang balita.
03:57Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
04:18Sous-titrage Société Radio-Canada

Recommended