Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Iba't ibang usapin na may kinalaman sa kalakalan at depensa ang dinalakay sa 46th ASEAN Summit sa Malaysia.
00:07At isa po sa mga ipinanawagan ni Pangulong Bombo Marcos ang pagpapabilis sa pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea.
00:15Mula sa Malaysia, sa ksilat, si Ivan Mayrina.
00:20Ivan?
00:23Yes, Pia, nasa gala dinner ngayong gabi.
00:25Ang mga leader ng ASEAN States at gayon din ang Arab States na magiging bahagi ng gaganaping ASEAN GCC o Gulf Cooperation Council bukas dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:37Iba yung pagpapalawak ito, Pia, ng kalakalan sa pagitan ng ASEAN at ng Gulf States at maging ng China.
00:44Pero ang mahigit dalawang dekada ng issue ng pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea, hindi pa rin nari-resolba.
00:55Sa tuwing ASEAN Summit sa nakalipas sa halos tatlong dekada, hindi nawawala ang panawagan mula sa Pilipinas para sa isang Code of Conduct sa South China Sea.
01:03Karagatan kung saan magkakasapaw ang claim ng mga bansa sa rehyon.
01:07Kabilang ang China, ang tensyon sa rehyon banta raw sa ASEAN ayon kay Pangulong Bongbong Marcos sa harap ng kapwa mga leader sa pagubukas ng 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia kanina.
01:17By working together, strengthening our institutions, and building the resilience and capacities of our people, we can better navigate this increasingly uncertain future and turn challenges into opportunities for shared growth and stability.
01:35We underscore the urgent need to accelerate the adoption of a legally binding Code of Conduct in the South China Sea.
01:41Darating ang China bukas bilang dialogue partner sa kauna-unahang ASEAN-GCC-China Summit.
01:47Ang GCC o Gulf Cooperation Council, binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, UAE, Bahrain, Kuwait, Qatar at Oman.
01:55Inaasahang mapapalawak ng diyalogong ito ang kalakalan sa pagitan ng GCC, ASEAN at ng China sa gitna ng mga ipinataw na taripa ng Amerika sa halos lahat ng bansa sa mundo.
02:05Ayon sa Prime Minister ng host country na si Anwar Ibrahim, hindi tatapatan ng taripa ng Amerika, kundi dadaanin nito sa diyalogot diplomasya sa ikinakasang ASEAN-US Summit.
02:15When we encountered this problem with the tariff, we said proceed with bilateral meetings but retained the ASEAN consensus and without exception, all ASEAN leaders gave that tacit approval.
02:33We commend Malaysia's leadership in convening the Special ASEAN Economic Minister's Meeting and welcome the consensus to avoid retaliatory measures.
02:43Nanawagan din ang kooperasyon ng Pangulo sa pagsugpo sa transnational crime at sa sama-sama ang pagtugon sa mga epekto ng climate change.
02:51Ang upskilling sa pamagitan ng teknolohiya at ang paggamit ng artificial intelligence at suporta sa mga malilit na negosyo,
02:57ang siya namang tema ng mensahe sa ASEAN Business Advisory Council at nagpahayag ng suporta ng Pilipinas sa isang future-ready na ASEAN.
03:06Nilagdaan din ang mga ASEAN leader ang Kuala Lumpur Declaration na magtatakda ng direksyon ng ASEAN hanggang 2045.
03:12Tila pagbaliktanaw daw ito sa naging kasunduan ng mabuang ASEAN noong 1967,
03:17sa pagitan ng mga bansang pinagbuklod ng pagkakaibigan, kooperasyon at sama-sama pagunlad.
03:22May one-on-one meeting din ang Pangulo, kinalaw PDR Prime Minister Sonsai Sipandon,
03:27kung saan nagkaroon ng kasunduan sa Defense Cooperation, Economic and Trade Cooperation at Education,
03:33at Thai Prime Minister Petong Tan Sinawat, kung saan kabilang sa mga napag-usapan ng mas pinahigting na kalakalan,
03:39kooperasyon sa agrikultura at pagsugpo sa transnational crime.
03:43Pia, ikatlot huli sa mga bilateral meetings ng Pangulo ngayong araw ay sa pagitan nila ni Vietnamese Prime Minister Pami Ching
03:53na pagkasunduan nilang iangat sa Comprehensive Strategic Partnership ang ugnayan ng Pilipinas at ng Vietnam.
04:01May umiiral na ugnayan, Pia, sa larangan na agrikultura at food security, gayon din sa edukasyon at sa turismo.
04:08At live mula sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa GMA Integrated News.