00:00Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa plenary session ng 46th Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:11Binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ang agarang pangangailangan na magkaroon ng Code of Conduct sa South China Sea
00:18para matiyak ang pangangalaga sa maritime rights at maisulong ang pagpapanatili ng kaayusan sa karagatan.
00:26Welcome naman sa Pangulo ang konsensus ng mga leader ng ASEAN na iwasan ng retaliatory measures sa gitna ng pagpapatupad ng mas mataas na taripa ng Amerika.
00:38Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang geopolitical tensions hindi inaasaang hadlang sa kalakalan at epekto ng climate change ay makasisira sa mga komunidad at sa supply chain.
00:50Sa pamamagitan niya ng pagtutulungan at pagpapatibay sa mga institusyon ay maisusulong ang mga oportunidad para sa kasaganaan at pagpapanatili sa regyon ng ASEAN.