24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Makapuso, sakali pong makagat o makalmot ng hayop, may mga ospital kung saan libre ang pagpapabakunang contraribis.
00:08At ang PhilHealth may animal bite treatment package din.
00:12Yan at kung anong dapat gawin sa mga tao at hayop na meron nito sa pagtutok ni Von Aquino.
00:21Isang batang dalawang taong gulang ang dinala sa San Lazaro Hospital dahil nakagat ng aso sa mukha, dibdib at batok.
00:29Ayon sa ina ng bata, alagaan nila ang nakakagat sa biktima kagabi.
00:33Pagkita daw po ng class weight ng pamangking po, talaga na sa ilalim na po siya, nakadamba niya sa kanya yung aso.
00:40Alagang aso rin na nakakagat sa daliri ng senior citizen na si Virginia Presnillo noong biyernes.
00:46Kabilang sila sa mga pasyente ang libreng binakunahan contra rabies sa San Lazaro Hospital ngayong araw.
00:52Basta magdala lang po ng ID at mailapit sa medical social natin.
00:56Ayon sa pamunuan ng San Lazaro Hospital, mayroon naman sila mga available na anti-rabies vaccines para sa buong taon na tinatayang nasa 100,000 vials.
01:06Pero sakaling maubusan, nakahingi naman daw sila ng tulong sa Department of Health para sa dagdag na bakuna.
01:12Libre rin ang rabies vaccination sa RITM Montinlupa at ang Mang Rodriguez Hospital sa Marikina.
01:18Maari rin mag-inquire sa mga LGU para sa mga libreng bakuna contra rabies.
01:23Ang PhilHealth naman may Animal Bite Treatment Package na P5,850.
01:29Sakop nito ang mga bakuna sa rabies at tetanus at local wound care.
01:33As of May 21, 13 na ang naitalang namatay sa rabies sa San Lazaro Hospital mula sa iba't ibang probinsya.
01:40Ayon sa doktor, ang pagkamatay, may iiwasan naman sana kung maagap na nagpabakuna ang mga pasyente.
01:47Dapat din anyang kumpletuhin ang tatlong dose ng bakuna, makagat o makalmot man ang hayop.
01:52Pagkaganon po kasi kulang, so hindi po makakaproduce ng antibody ang katawan na sufficient para makakontra sa rabies.
02:00Obserbahan din daw ang hayop na kumagat o kumalmot sa pasyente.
02:03Kung mamatay ito sa loob ng dalawang linggo, mataas ang chance na may rabies ito.
02:09Kabilang sa sintomas ng rabies ang lagnat, sakit ng ulo at kapag umabot na ang rabies virus sa utak, takot sa tubig at hangin.
02:17Usually, within 3 weeks to 3 months po ang incubation ng rabies o yung pagkakaroon ng sintomas.
02:23Kapag takot na po sa tubig at hangin ang pasyente, ibig sabihin po na mamagana po yung utak ng pasyente dahil sa rabies.
02:31Depende rin daw sa parte ng katawan na nakagat ng hayop ang bilis ng pagkalat ng rabies.
02:37Pinapayuhan din ang mga kaanak ng pumano sa rabies na magpabakuna at ipakremate ang labi ng kaanak.
02:43Kahit na namatay na po ang pasyente, yung katawan niya po pwede pa rin po makakakalat ng rabies virus.
02:49Kapag na-inhale po yung droplet o yung mga tubig sa katawan ng pasyente.
02:54Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katutok, 24 Oras.