Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/25/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Formal na pong binuksan ang Palarong Pamansa 2025 sa Lawag, Ilocos Norte.
00:06At pinangunahan niyan mismo ni Pangulong Bambong Marcos
00:08at binaluhan ng libo-libong atletang estudyante mula sa iba't ibang panig ng bansa.
00:15Nakatutok si Ian Cruz.
00:20Sa mayamang kultura ng mga Ilocano,
00:22awitin hanggang sa pagsasadula ng alamat ni Lamaang
00:30at ng tinaguri ang Ilocano Shark na si Chofilo Ildifonso.
00:36Makulay na nagsimula ang ika-aninaputlimang Palarong Pamansa
00:41na sinaksiyan ng labindalawang libong nasa Ferdinand Imarcos Memorial Stadium sa Lawag, Ilocos Norte.
00:48Kumarada ang mga atleta mula sa labimpitong krehiyo ng bansa
00:52National Academy of Sports at Philippine Schools Overseas.
00:58Nanguna sa outtaking ng mga atleta ang baseball prodigy na si Jeric John Flores.
01:05Habang ang kauna-unahang Pinoy Olympic Gold Medalist na si Heideline Diaz
01:09ang nanguna sa panunumpa ng coaches and technical officials.
01:13Sa visa ng kapangyarihan ni Pinagkaloob sa akin bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas,
01:20ofisyal kong idinideklara ang pagbubukas ng Palarong Pambansa para sa 2025.
01:32Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang dedikasyon ng mga atleta.
01:37Yung oras na ipapahinga ninyo na lang dapat gagamitin ninyo pa sa practice at saka sa training.
01:47Mag-aaral sa umaga, tapusin sayo sa hapon.
01:51Minsan kulang pa sa gamit o sa panggastos.
01:55Ngunit, wala sa inyo ang sumuko.
02:00Bili ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga atleta, pag-usayin pa nila yung kanilang ginagawa.
02:06Baka dumating daw ang panahon, sila na magiging kinatawa ng Pilipinas sa malalaking kompetisyong pangpalakasan sa iba't ibang mga bansa.
02:13Ang gobyerno ay laging nasa likod ninyo.
02:17Tutulungan namin kayong maabot ang inyong mga pangarap.
02:22Dahil ang pangalo ninyo, panalo na rin namin.
02:26Isa sa mga highlight, ang pagpapailaw sa solar-powered light beam.
02:32Sinasalamin daw nito ang pagiging renewable hub ng Ilocos Norte.
02:37Pinatingkad pa ang pagkatapos ng programa ng fireworks display at drone show.
02:43Ang ilang atleta na mataan pa namin naglalakad sa tulay na ito sa Lawag City na tinatayang tatlong kilometro mula sa venue.
02:52Kuya, bakit naglalakad kayo?
02:55Traffic po, wala pong van.
02:59Hanggang May 31 ang palarong pambansa sa Ilocos Norte.
03:03Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok 24 Horas.
03:13Outro
03:15Outro
03:17Outro

Recommended