Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/24/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Barila, na-uwi ang isang birthday party ng magkakaibigang Nigeria National at ilang Pinoy sa Laguna.
00:07Patay ang isa sa mga dayuhan. Nakatutok si Bea Penlac, exclusive.
00:14Masaya pang nagiinuman sa birthday party ng kaibigan nila ang mga Nigerian National at ilang Pilipino na yan
00:21sa isang resort sa Los Baños, Laguna, nitong lunes.
00:24Maya-maya, rinig ng tila may komosyon na galing sa second floor.
00:31Ang ilan sa kanila, napatingin pa sa pinanggagalingan ng ingay hanggang sa
00:36Pumalingaw-ngaw na ang sunod-sunod na putok ng baril.
00:42Napatakbo ang mga tao kabilang ang mga galing sa ikalawang palapag ng resort.
00:47Ang iba, nagtago na sa kwarto sa takot na madamay.
00:51Bumaba na rin ang lalaki ito na may hawak ng baril.
00:55Pilit siyang inaawat ng babaeng ito at iba niyang kasamahan.
00:59Pero tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaputok ng baril ng lalaki.
01:09Patay ang 35-anyos na Nigerian National na ito matapos matamaan ng bala sa tiyan.
01:16Natagpuan na lang siyang nakahandusay sa madamong bahagi ng resort.
01:20According to our witnesses, nagsimula po ang pamamaril sa pagtatalo ng mga grupo ng Nigerians doon sa party.
01:28Mayroon sila mga pag-aaway na nagkasakitan sila way back four months ago sa Cavite involving their group also.
01:38So doon nagsimula yun, isang bar.
01:40Matapos ang pamamaril, agad nilang pinuntahan ang mga bahay ng sospek na namaril at dalawa pa umano niyang kasabwat sa krimen.
01:47Naunang punta namin doon sa area ay hindi naman namin naabutan yung sospek.
01:53After bangayara, hindi siya umuwi doon.
01:56Naaresto rin kalauna ng 49-anyos na umano'y gunman na ang machempuhan siya ng pulisya na paalis ng subdivision nila sa alabang Muntinlupa.
02:06Sinubukang makapanayam ng GMA Integrated News ang Nigerian na sospek, ngunit tumanggi siyang humara.
02:11Tinutugis pa ng pulisya ang mga kasamahan umano ng aristadong sospek.
02:17Inaalam pa kung rehistrado ang baril na ginamit niya sa krimen.
02:21Ayon sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act,
02:25mga Pilipino lang ang pwedeng makakuha ng lisensya para magmayari ng baril.
02:30Reklamong murder ang isinampa laban sa mga sospek.
02:33Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.

Recommended