State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Hindi lang isa, kundi tatlong beses na sagasahan ng isang babaeng senior citizen sa Quezon City.
00:06Sa Iloilo naman, isang bata ang nabundol ng van.
00:09Yan ang mga nahulikam na disgrasya sa report ni Rafi Tima.
00:15Gabi ng May 17 sa kalsadang ito sa barangay Silangan, Quezon City,
00:19makikitang tumatawid ang babaeng naka-white t-shirt,
00:22nang masapul siya ng isang lumikong itim na SUV.
00:26Sa iba pangangulo, makikitang tumigil ang itim na SUV.
00:29Bumaba ang driver, tinignan ang bahagi ng sasakyang tumama sa babae at kalaunay umalis.
00:35Ang biktima na iwang nakahandusay sa kalsada.
00:38Pero makalipas ang ilang segundo, isang puting SUV ang lumiko at nagulungan ang paan ng biktima.
00:44Isa pang kotse ang lumiko at nagulungan din ang biktima.
00:48Pero ditulad ng dalawang SUV, tumigil ang kotse ang huling nakasagasa.
00:51According sir sa investigador natin, sabi daw ng barangay,
00:55malamang hindi talaga niya nakita kasi nga madilim daw po.
00:58Opo. As per backtracking din sa CCTV, parang kung titignan daw po yung naglalakad, talagang hindi niya napansin.
01:04Bukod sa madilim, wala rin tawiran sa lugar.
01:07Irecommend natin sa barangay kung pwede sana.
01:12Malagyan po ng mga streetlights para maliwanag.
01:15Makikita po natin yung mga tao doon na tumatawid.
01:19Nakaburol na ang 61 taong gulang na biktima.
01:22Disidido ang anak niya na panagutin ang mga may sala.
01:25Hawak na ng Quezon City Police ang driver ng kotse habang ang mga driver ng dalawang SUV hinahanap pa.
01:30Sa mga driver ng SUV na ito na nakasagasa, kung maaari lamang ay sumuko na sila o lumapit na sila sa pinakamalapit na police stations.
01:38Sa Zaraga, Iloilo, nakunan din sa CCTV ang pagtawid ng batang sampung taong gulang sa National Highway hanggang mabundol siya ng van.
01:47Tumilapo ng bata ng ilang metro.
01:48Tapos ang bako na rin di ano yung magtabok kay may van.
01:53Tapos may nagpaypay si yaway kukabalo kong sinoto.
01:56Tapos pagdala ganyan, ito nabungguan siya.
02:00Nagpapagaling na sa ospital ng bata na nagtamu ng sugat sa ulo at bali sa kanyang binti.
02:04Nakipag-areglo naman daw sa pamilya ng biktima ang nakabangang driver ayon sa pulisya.
02:10Grafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:14Sinuspinde ng Land Transportation Office o LPO ang lisensya ng motovlogger na nag-viral dahil sa road rage sa Zambales, Kamakailan.
02:23Hinatulang guilty si Yana sa reckless driving at paggamit ng motorsiklo na walang side mirrors.
02:29Pinagbumulta siya ng kabuo ang 7,000 piso.
02:32Sinuspinde at pinakukumpis ka rin ang plaka ng motosiklong nakarehistro sa kanyang pangalan.
02:39Naka-alarma naman ang motosiklong gamit ni Yana sa inupload na viral video kung saan nakaalitan niya ang isang pickup driver.
02:46Pinunari ng LTO ang di raw pagsupot ni Yana sa imbessigasyon at hindi pagsuko ng motosiklo kahit inutusan.
02:53Sa bagong pahayag ni Yana, sinabi niyang tanggap niyang desisyon kahit anya, kulang ang ebidensya para madiin siya.
03:02Nagpasyaraw siyang hindi na i-contest ang desisyon.
03:06Hindi daw dahil sang-ayon siya sa proseso kundi para makamove on na raw na may integridad.
03:11Sa halip na sa bahay, sa isang hotel sa Antipolo Rizal, idinaretsyo ng isang tricycle driver, ang pasahero niyang minor de edad.
03:23Pauwi na ang 16-anyos na biktima galing sa part-time job bilang waitress nang biglang mag-U-turn ang sinakya niyang tricycle.
03:31Nakiusap pa raw ang biktima na ibaba na siya pero mas humarurot pa ang tsuper.
03:35Pagdating sa hotel, hinawak-hawakan at inakbayan pa ng sospek ang dalagita.
03:42Ayon sa barangay, nagpakilala raw ang sospek na nobyo ng biktima pero itinanggi ito ng babae.
03:48Dahil dito, di daw tinanggap ng kahera ang bayad ng sospek at nagbandang tatawag ng barangay.
03:54Doon na umalis ang sospek at iniwan sa hotel ang biktima ang nakahingi pa ng tulong sa family group chat nila.
04:00Nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa pamunuan ng TODA o Tricycle Association at mga otoridad para matukoy ang sospek.
04:13Proklamasyon ang bagong henerasyon o BH party list na nanalo nitong eleksyon 2025.
04:19Nakabin-bin pa ayon sa COMLEC.
04:21Yan ay kahit ibinasura ng COMLEC 1st Division ang reklamo sa kanilang abuse of state resources dahil sa teknikalidad.
04:27Hindi pa po kami nag-order kaagad yung division ng proklamasyon sapagkat aabangan natin kung anong gagawing remedyo nung mismong petitioner, ganun na-dismiss po yung kaso.
04:39Dahil din sa teknikalidad, kaya dismissed ang pagpapadisqualify kay ngayon yung Senator-elect Erwin Tulfo.
04:45Ayon kay Tulfo, patunay raw itong walang batayan ang mga kaso laban sa kanya na nag-ugat sa conviction niya sa four counts of libel at pag-question sa U.S. citizenship o mano niya.
04:55Senator Bato Dalarosa, sinabing ilang polis daw ang pinipilit ng ICC na tumistigo laban sa kanya kaugnay sa EJK nung Duterte administration.
05:04Ayon kay Dalarosa, nakatanggap siya ng sumbong sa ilang aktibo at retired na polis na may mga taga-ICC raw na pumunta sa mga hotel sa Pasay, Ortigas at Quezon City.
05:14Magpapatawag daw ng Senate hearing si Dalarosa para imbestigahan ang aniyay sa buwata ng PNP at ICC.
05:21Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag kaugnay rito ang PNP at si ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti.
05:29Arnell Ignacio na sinibak bilang OWA Administrator,
05:32iginiit na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng lupa para sa itatayong halfway house ng OWA sa halagang 1.4 billion pesos.
05:40Anya, Land Bank ang nagtakda ng halaga ng lupa at ito rin ang sinunod ng OWA sa pagbabayad.
05:46Walang nakitang iniliban na hakbang lahat ng mga requirements, sinunod at sinabing maayos ang aming pagkakasunod sa RA10752.
05:59So, ito po ang kaya ako gulat na gulat na tinawag itong anomalous deal. Wala po akong kinita dito.
06:08Sa ngayon, wala pang tiyak na sagot si Ignacio kung ano ang susunod nilang magiging hakbang.
06:14Pero umaasa siya na magagamit pa rin ang pasilidad ng mga itinakdang benepisyaryo nito.
06:19Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:23Isang araw matapos pagbitiwi ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang gabinete,
06:28inanunsyo ng Malacanang na mananatili ang Executive Secretary at Economic Team ng Pangulo.
06:34Habang ang iba, narigudol.
06:36May report si Ivan Mayrina.
06:38Just this morning, he communicated to me that I have his full backing for as long as I wish to work for him.
06:53Mananatiling Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos, si Retired Chief Justice Lucas Bersabin.
06:58Gaya niya, hindi tinanggap na Pangulo pagbibitiyo ng kanyang economic team.
07:02Sina-Secretary Arsenio Balisaka ng Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev.
07:06Finance Secretary Ralph Recto, Trade and Industry Secretary Cristina Roque, Budget Secretary Amena Pangandaman at Special Advisor and Investment and Economic Affairs, Frederick Goh.
07:16Dahil sa kahalagahan ng economic team sa buhay ng ating bansa, yan po ang unang inaksyonan ng ating Pangulo.
07:27Supportada rin daw ng ilang grupo ng mga negosyad na economic team ng Pangulo.
07:31We believe that what they're doing and what they are planning to do is on the right track in improving our economy.
07:40Nabalasan naman ang ibang posisyon. Sa DFA, papalit si Senior Undersecretary Teresita Lazaro kay Sekretary Enrique Manalo,
07:48na babalik bilang permanent representative ng Pilipinas sa United Nations,
07:52kapalit ng paritiro ng si Ambassador Antonio Manuel Agdameo, si Energy Sekretary Rafael Lutilla,
07:57papalitan naman si DNR Sekretary Antonio Yulo Loizaga.
08:00Hindi naman daw nasangkot sa isyo ng katiwalian si Lutilla Zaga, pero...
08:04Mas malimit siya sa lapas ng bansa.
08:07The evaluation showed that it was time to have her rest muna.
08:15So nag-underperform nga po?
08:17Underperform siguro ang tawag dyan.
08:20Magiging OIC ng DOE, si Undersecretary Sarang Garin.
08:24Ililipat naman sa Pasig River Rehabilitation Project,
08:27si Human Settlements and Urban Development Sekretary Jerry Acuzar,
08:30at papalitan ng dating undersecretary na si Jose Ramon Alilig.
08:34Kahit wala rin daw isyo ng katiwalian si Acuzar,
08:37nag-underdeliver umano siya sa pangakong isang milyong pabahay kada taon.
08:41Hanggang ngayong araw, 52 courtesy resignations na ang hawak ng tanggapan ng Pangulo.
08:47Patuloy daw itong sinusuri at sa mga susunod na araw,
08:50ia-anunsyo kung sino mga mananatili, sino mga ililipat,
08:54at kung sino ang mga masisibak.
08:57Ang tiyak, ang naisang Pangulo ay mas mabilis na aksyon simula ngayon.
09:02Pagtatama sa aming ulat kahapon, hindi nagbitiw sa pwesto.
09:06Ang chairperson ng Civil Service Commission o CSC,
09:09na si Atty. Marilyn Ya, Anya.
09:11Hindi siya cabinet member o nasa ilalim ng ehekutibo.
09:14Ang CSC ay isang independent constitutional body.
09:17Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:21Gabby Garcia, emosyonal sa kanyang contract renewal sa Kapuso Network.
09:29GMA was one of the few ones who embraced me,
09:33who welcomed me,
09:35who accepted me,
09:37and who saw something in me.
09:38GMA is my home.
09:41GMA is my second family.
09:44Pinasalamatan ni Gabby ang kanyang parents at boyfriend na si Khalil Ramos.
09:48Extra special din ang contract signing sa pagbati ng mga kaibigan.
09:52At ni GMA Chairman of the Board, Atty. Felipe El Gozon.
09:55Ikinagagalak natin ang patuloy na pagtitiwala at loyalty ni Gabby sa GMA Network.
10:02Bilang isang homegrown kapuso of artist.
10:05Mula sa kanyang memorable roles sa iba't ibang teleserye
10:09hanggang sa pagiging isa sa pinaka-in-demand na host ngayon,
10:14patuloy natin nakikita ang growth niya sa industriya.
10:19Nanguna sa pagpirmasi na GMA President and CEO Gilberto Arduavit Jr.,
10:24EVP and CFO Felipe S. Yalong,
10:28GMA SVP Atty. Annette Gozon Valdez,
10:30at first Vice President for Sparkle GMA Artist Center Joy Marcelo.
10:35Nakakaduwa what she's achieved now,
10:37and we're very optimistic that there's a lot more in store for her in the future.
10:43One of our beloved homegrown talents,
10:47and I'm very happy that she's continuing to trust GMA with her career.
10:51She's actually more than just an artist to us.
10:54She's family.
10:59Rian Ramos sinabing malaking hamon daw ang kanyang pagiging kontrabida sa Encantadia Chronicle Sangre.
11:05Gaganap si Rian bilang Keramitena,
11:08ang reyna ng Mineabe,
11:10at kakambal ng unang reyna ng Lireo na si Bat Halumang Kasyopea.
11:14Sumabak daw siya sa iba't ibang klase ng martial arts training,
11:18dahil marami daw siyang fight scenes.
11:20Ipinasilip din ang bagong teaser ng Encantadia Chronicle Sangre,
11:24na mapapanood na sa June 16.
11:27Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:31Sa ikaapat na sunod na taon,
11:38ginawara ng Gold Medal ang The Atom Araulo Specials
11:41sa 2025 New York Festival's TV and Film Awards.
11:45Ngayong taon, para ito sa Documentary National Affairs Category.
11:50Sa episode na Pogo Land,
11:51tinalakay ng mas malalim at detalyado
11:54ang usapin tungkol sa kontrobersyal na
11:56Philippine Offshore Gaming Operations,
11:58o Pogo.
11:59I have the honor of recording this message
12:01on behalf of the entire team
12:03and everyone else who made this documentary possible.
12:07Maraming salamat, thank you very much
12:08to the New York festivals.
12:10Ang story ng nanay ko.
12:12Nakakuha naman ng silver medal
12:14ang multi-awarded film na Firefly
12:16sa kategoryang Feature Films.
12:18Ang Firefly ang itinanghal na Best Picture
12:21sa Metro Manila Film Festival
12:23at Manila International Film Festival.
12:26This is the first time that our team has been recognized
12:28in the film category of the New York festivals.
12:31So, this wins a lot to win.
12:35Tinanggap naman ng kapuso mo Jessica Soho
12:38ang bronze medal
12:39para sa Documentary Environment and Ecology Category.
12:43Sa segment na Minahan sa Omonhon Island,
12:46tinalakay ang naging epekto sa kalikasan at tao
12:49ng malawakang pagmimina sa isla
12:51sa Gisterl Samar.
12:54Thank you for giving us the bronze this year
12:56and for giving us a chance to tell the story
12:59of Omonhon Island
13:00and for giving a voice to the people there
13:03and their struggles.
13:05Mabuhay, New York festivals!
13:06Ginawara naman ng Finalist Certificate
13:11ang flagship newscast ng GMA Integrated News
13:15na 24 oras
13:16para sa special coverage ng Super Typhoon Karina