Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/23/2025
61-anyos na babae, patay nang 3 beses masagasaan sa Q.C.


Motovlogger sa viral road rage sa Zambales na si "Yanna", pinagmumulta at suspendido ang lisensiya


Tricycle driver, idineretso sa hotel ang pasahero niyang 16-anyos na dalagita


ICYMI: Kaso vs BH Party-list, ibinasura


Exec. Sec. Bersamin at 5 kalihim ng economic team ni PBBM, mananatili sa puwesto


Gabbi, muling nag-renew ng kontrata bilang Kapuso


Ilang programa at pelikula ng GMA Network, kinilala sa 2025 New York Festivals TV & Film Awards


Dunsulan Falls na nasa likod ng Mt. Samat at beach cove sa Bataan


Single mom sa isabela na all out sa work out, kinaaliwan online



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Hindi lang isa, kundi tatlong beses na sagasahan ng isang babaeng senior citizen sa Quezon City.
00:16Sa Iloilo naman, isang bata ang nabundol ng van.
00:19Yan ang mga nahulikam na disgrasya sa report ni Rafi Tima.
00:26Gabi ng May 17 sa kalsadang ito sa barangay Silangan, Quezon City,
00:30makikitang tumatawid ang babaeng naka-white t-shirt.
00:33Nang masapul siya ng isang lumikong itim na SUV.
00:36Sa iba pangangulo, makikitang tumigil ang itim na SUV.
00:40Bumaba ang driver, tinignan ang bahagi ng sasakyang tumama sa babae at kalauna ay umalis.
00:46Ang biktima na iwang nakahandusay sa kalsada.
00:48Pero makalipas ang ilang segundo, isang puting SUV ang lumiko at nagulungan ang paan ng biktima.
00:54Isa pang kotse ang lumiko at nagulungan din ang biktima.
00:58Pero ditulad ng dalawang SUV, tumigil ang kotse ang huling nakasagasa.
01:02According sir sa investigador natin, sabi daw ng barangay, malamang hindi talaga niya nakita kasi nga madilim daw po.
01:09As per backtracking din sa CCTV, parang kung titignan daw po yung naglalakad, talagang hindi niya napansin.
01:15Bukod sa madilim, wala rin tawiran sa lugar.
01:17Irecommend natin sa barangay kung pwede sana, malagyan po ng mga streetlights para maliwanag.
01:25Makikita po natin yung mga tao doon na tumatawid.
01:29Nakaburol na ang 61 taong gulang na biktima.
01:32Desidido ang anak niya na panagutin ang mga may sala.
01:35Hawak na ng Quezon City Police ang driver ng kotse habang ang mga driver ng dalawang SUV hinahanap pa.
01:40Sa mga driver ng SUV na ito na nakasagasa, kung maaari lamang ay sumuko na sila o lumapit na sila sa pinakamalapit na police stations.
01:49Sa Zaraga, Iloilo, nakunan din sa CCTV ang pagtawid ng batang 10 taong gulang sa National Highway hanggang mabundol siya ng van.
01:57Tumila po ng bata ng ilang metro.
01:59Tapos ang bako na rin, di ano, magtabok kay may van.
02:03Tapos may nagpaypay si yaway ko, kabalo kong sinoto.
02:07Tapos pagdala ganyan, ito nabungguan siya.
02:10Nagpapagaling na sa ospita ng bata na nagtamu ng sugat sa ulo at bali sa kanyang binti.
02:15Nakipag-areglo naman daw sa pamilya ng biktima ang nakabangang driver ayon sa pulis siya.
02:20Karafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:24Si Luspindenang Land Transportation Office o LPO ang lisensya ng motovlogger na nagviral dahil sa road rage sa Zambales kamakailan.
02:33Hinatulang guilty si Yana sa reckless driving at paggamit ng motorsiklo na walang side mirrors.
02:39Pinagbumulta siya ng kabuo ang 7,000 piso.
02:43Si Luspendi at pinakukumpis ka rin ang plaka ng motorsiklong nakarehistro sa kanyang pangalan.
02:49Nakaalarma naman ang motorsiklong gamit ni Yana sa inupload na viral video kung saan nakaalitan niya ang isang pickup driver.
02:57Pinunari ng LTO ang di raw pagsupot ni Yana sa imbisigasyon at hindi pagsuko ng motorsiklo kahit inutusan.
03:05Sa bagong pahayag ni Yana, sinabi niyang tanggap niyang desisyon kahit anya, kulang ang ebidensya para madiin siya.
03:13Nagpasyaraw siyang hindi na i-contest ang desisyon.
03:16Hindi raw dahil sang-ayon siya sa proseso kundi para makamove-on na raw na may integridad.
03:21Sa halip na sa bahay, sa isang hotel sa Antipolo Rizal, idinaretsyo ng isang tricycle driver ang pasahero niyang minor de edad.
03:33Pauwi na ang 16-anyos sa biktima galing sa part-time job bilang waitress nang biglang mag-U-turn ang sinakya niyang tricycle.
03:42Nakiusap pa raw ang biktima na ibaba na siya pero mas humarurut pa ang choper.
03:46Pagdating sa hotel, hinawak-hawakan at inakbayan pa ng sospek ang dalagita.
03:52Ayon sa barangay, nagpakilala raw ang sospek na nobyo ng biktima pero itinanggi ito ng babae.
03:58Dahil dito, di raw tinanggap ng kahera ang bayad ng sospek at nagbandang tatawag ng barangay.
04:05Doon na umalis ang sospek at iniwan sa hotel ang biktima ang nakahingi pa ng tulong sa family group chat nila.
04:11Nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa pamunuan ng TODA o Tricycle Association at mga otoridad para matukoy ang sospek.
04:21Proklamasyon ang bagong henerasyon o BH party list na nanalo nitong eleksyon 2025 na kabinbin pa ayon sa COMLEC.
04:31Yan ay kahit ibinasura ng COMLEC 1st Division ang reklamo sa kanilang abuse of state resources dahil sa teknikalidad.
04:38Hindi pa po kami nag-order kaagad yung division ng proklamasyon sapagkat aabangan natin kung anong gagawing remedyo nung mismong petitioner, ganun na-dismiss po yung kaso.
04:49Dahil din sa teknikalidad, kaya dismissed ang pagpapadisqualify kay ngayoy Senator-elect Erwin Tulfo.
04:55Ayon kay Tulfo, patunay raw itong walang batayan ang mga kaso laban sa kanya na nag-ugat sa conviction niya sa four counts of libel at pag-question sa U.S. citizenship o mano niya.
05:05Senator Bato Dalarosa, sinabing ilang polis daw ang pinipilit ng ICC na tumestigo laban sa kanya kaugnay sa EJK nung Duterte administration.
05:14Ayon kay Dalarosa, nakatanggap siya ng sumbong sa ilang aktibo at retired na polis na may mga taga-ICC raw na pumunta sa mga hotel sa Pasay, Ortigas at Quezon City.
05:25Magpapatawag daw ng Senate hearing si Dalarosa para investigahan ang anyay sa buwata ng PNP at ICC.
05:32Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag kaugnay rito ang PNP at si ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti.
05:39Arnal Ignacio na sinibak bilang OWA Administrator, iginiit na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng lupa para sa itatayong halfway house ng OWA sa halagang 1.4 billion pesos.
05:51Anya, land bank ang nagtakda ng halaga ng lupa at ito rin ang sinunod ng OWA sa pagbabayad.
05:56Walang nakitang iniliban na hakbang lahat ng mga requirements, sinunod at sinabing maayos ang aming pagkakasunod sa RA 10752.
06:09So, ito po ang kaya ako gulat na gulat na tinawag itong anomalous deal.
06:18Wala po akong kinita dito.
06:19Sa ngayon, wala pang tiyak na sagot si Ignacio kung ano ang susunod nilang magiging hakbang.
06:24Pero umaasa siya na magagamit pa rin ang pasilidad ng mga itinakdang benepisyaryo nito.
06:29Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:34Isang araw matapos pagbitiwi ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang gabinete,
06:39inanunsyo ng Malacanang na mananatili ang Executive Secretary at Economic Team ng Pangulo.
06:44Habang ang iba, narigodon.
06:46May report si Ivan Mayrina.
06:49Just this morning, he communicated to me that I have his full backing for as long as I wish to work for him.
07:03Mananatiling Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos, si Retired Chief Justice Lucas Versabin.
07:09Gaya niya, hindi tinanggap na Pangulo pagbibitiyon ng kanyang economic team.
07:12Si na-Secretary Arsenio Balisaka ng Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev.
07:16Finance Secretary Ralph Recto, Trade and Industry Secretary Christina Roque, Budget Secretary Amena Pangandaman at Special Advisor in Investment and Economic Affairs, Frederick Goh.
07:27Dahil sa kahalagahan ng economic team sa buhay ng ating bansa, yan po ang unang inaksyonan ng ating Pangulo.
07:38Supportada rin daw ng ilang grupo ng mga negosyan ng economic team ng Pangulo.
07:42We believe that what they're doing and what they are planning to do is on the right track in improving our economy.
07:51Nabalasan naman ang ibang posisyon.
07:53Sa DFA papalit si Senior Undersecretary Teresita Lazaro kay Sekretary Enrique Manalo.
07:58Nababalik bilang permanent representative ng Pilipinas sa United Nations.
08:02Kapalit ng paritiro ng si Ambassador Antonio Manuel Agdameo.
08:06Si Energy Sekretary Rafael Lutilla.
08:08Papalitan naman si DNR Sekretary Antonio Yulo Loizaga.
08:11Hindi naman daw nasangkot sa isyo ng katiwalian si Loizaga, pero...
08:15Mas malimit siya sa lapas ng bansa.
08:17The evaluation showed that it was time to have her rest muna.
08:26So nag-underperform nga po?
08:28Underperform siguro ang tawag dyan.
08:31Magiging OIC ng DOE si Undersecretary Sharon Garin.
08:34Ililipat naman sa PASIC River Rehabilitation Project,
08:37si Human Settlements and Urban Development Sekretary Jerry Acuzar
08:40at papalitan ng dating Undersecretary na si Jose Ramon Alilig.
08:45Kahit wala rin daw isyo ng katiwalian si Acuzar,
08:47nag-under-deliver o mano siya sa pangakong isang milyong pabahay kada taon.
08:52Hanggang ngayong araw, 52 courtesy resignations na ang hawak ng tanggapan ng Pangulo.
08:57Patuloy daw itong sinusuri at sa mga susunod na araw,
09:00ia-anunsyo kung sino mga mananatili, sino mga ililipat at kung sino ang mga masisibak.
09:07Ang tiyak, ang naisang Pangulo ay mas mabilis na aksyon simula ngayon.
09:13Pagtatama sa aming ulat kahapon, hindi nagbitiw sa pwesto.
09:16Ang chairperson ng Civil Service Commission o CSC na si Atty. Marilyn Ya.
09:21Anya, hindi siya cabinet member o nasa ilalim ng ehekutibo.
09:25Ang CSC ay isang independent constitutional body.
09:28Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:31Gabby Garcia, emosyonal sa kanyang contract renewal sa Kapuso Network.
09:39GMA was one of the few ones who embraced me, who welcomed me, who accepted me, and who saw something in me.
09:49GMA is my home. GMA is my second family.
09:54Pinasalamatan ni Gabby ang kanyang parents at boyfriend na si Khalil Ramos.
09:58Extra special din ang contract signing sa pagbati ng mga kaibigan.
10:03At ni GMA Chairman of the Board, Atty. Felipe L. Gozon.
10:06Ikinagagalak natin ang patuloy na pagtitiwala at loyalty ni Gabby sa GMA Network.
10:13Bilang isang homegrown kapuso artist, mula sa kanyang memorable roles sa iba't ibang teleserye hanggang sa pagiging isa sa pinaka-indiman na host ngayon,
10:25patuloy natin nakikita ang growth niya sa industriya.
10:29Nanguna sa pagpirmasi na GMA President and CEO Gilberto Arduavid Jr., EVP and CFO Felipe S. Yalong,
10:38GMA SVP Atty. Annette Gozon Valdez, at First Vice President for Sparkle GMA Artist Center Joy Marcelo.
10:45Nakakatuwa what she's achieved now and we're very optimistic that there's a lot more in store for her in the future.
10:53One of our beloved homegrown talents and I'm very happy that she's continuing to trust GMA with her career.
11:02She's actually more than just an artist to us. She's family.
11:09Rian Ramos sinabing malaking hamon daw ang kanyang pagiging kontrabida sa Encantadja Chronicle Sangre.
11:15Gaganap si Rian bilang Keramitena, ang reyna ng Mineave, at kakambal ng unang reyna ng Lireo na si Bat-Halumang Kasyopea.
11:25Sumabak daw siya sa iba't ibang klase ng martial arts training dahil marami daw siyang fight scenes.
11:30Ipinasilip din ang bagong teaser ng Encantadja Chronicle Sangre na mapapanood na sa June 16.
11:38Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:45Sa ikaapat na sunod na taon, ginawara ng Gold Medal ang The Atom Araulo Specials sa 2025 New York Festivals TV and Film Awards.
11:56Ngayong taon, para ito sa Documentary National Affairs Category.
12:00Sa episode na Pogo Land, tinalakay ng mas malalim at detalyado ang usapin tungkol sa kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operations o Pogo.
12:09I have the honor of recording this message on behalf of the entire team and everyone else who made this documentary possible.
12:17Maraming salamat, thank you very much to the New York Festivals.
12:22Nakakuha naman ng silver medal ang multi-awarded film na Firefly sa kategoryang Feature Films.
12:29Ang Firefly ang itinanghal na Best Picture sa Metro Manila Film Festival at Manila International Film Festival.
12:35This is the first time that our team has been recognized in the film category of the New York Festivals.
12:41So, this wins a lot to win.
12:45Tinanggap naman ng Kapuso Mo Jessica Soho ang Bronze Medal para sa Documentary Environment and Ecology Category.
12:53Sa segment na Minahan sa Homonhon Island, tinalakay ang naging epekto sa kalikasan at tao ng malawakang pagmimina sa isla sa Gistorn Samar.
13:04Thank you for giving us the bronze this year and for giving us a chance to tell the story of Homonhon Island
13:10and for giving a voice to the people there and their struggles.
13:15Mabuhay, New York Festivals!
13:17Ginawara naman ng Finalist Certificate ang flagship newscast ng GMA Integrated News na 24 oras
13:27para sa special coverage ng Super Typhoon Karina at Habagat noong nakarang Hulyo.
13:34Mabuhay, Bostis siya!
13:36Gayun din ang Los Sabongeros sa Documentary Investigative Journalism Category.
13:42Ang GMA Network ang Philippine Network na may pinakamaraming nominasyon at awards sa New York Festival taon-taon.
13:50Weekend gala ang hanap sa Bataan.
14:02Maaring magtampisaw sa talon at dagat.
14:05Takeoff point mo ang Mount Samar.
14:08G tayo sa report ni Darlene Kai.
14:11Talon na hindi kailangan ng mahabang hike para marating?
14:17May enjoy mo ito sa Dunsulan Falls sa Pilar Bataan.
14:20Ilang oras lang ito mula sa Metro Manila para sa iyong time to unwind.
14:28May picnic area para sa pamilya.
14:32Pwede rin magtampisaw habang nakatingala sa kakaibang rock formations.
14:38Nasa likod lang ito ng Mount Samar.
14:40Kaya kung on the way ka na, pwede pang magpitcher-pitcher sa harap ng dambanan ng kagitingan.
14:4630 minutes from Dunsulan Falls, pwede ka na rin magdagat.
14:50Feel the vitamin C sa beach cove sa katabing bayan ng bagak.
14:58Mag-relax sa asul na tanawin at pinumbuhangin.
15:02Ang dagat, hitik sa mga isda at iba pang marine life.
15:07Sa mga balak mag-day tour o kaya ay overnight, agahan ang gising para maabutan ang ganda ng bagak sunrise.
15:13Darlene Kai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:23Strong, independent woman baka mo?
15:26Tila ganyan ang isang single mom sa Isabela na may pamatay na routine sa pag-e-exercise.
15:32Kakayanin niyo kaya ito?
15:33Kusuhan sa report ni Darlene Kai.
15:35Maging healthy ang priority ni ate, kaya mayroon siyang pamatay na daily routine.
15:44Isang all-out na workout.
15:47Warm-up pa lang, talagang hataw na siya at nakangiti pa.
15:51Siya si Nenita de la Cruz, ang 42-year-old single mom ng Rojas Isabela.
15:56Literal na strong, independent woman.
15:59Ang kanya kasing ehersisyo, talagang gigising sa tubo mo.
16:03Tulad ng paglundag niya habang naka-plank o kakasakaba.
16:08Kung siya nag-uumpisa pa lang ang ilang netizen,
16:11di makapaniwala at tila hinihingal sa kanyang ginagawa.
16:15Kwento ni Nenita, nagsimula siyang mag-exercise noong lockdown dahil sa COVID-19
16:20para labanan ang inip.
16:22Ang kanyang dalawang anak na babae, kasama na rin niya sa workout.
16:25Hindi lang daw ito tungkol sa pagiging fit.
16:28Gusto rin daw niyang ibahagi ang saya at inspirasyon sa kanyang community.
16:32Kaya pati pamangkin, nakijoin sa kanyang mga routine.
16:36Care to join?
16:37Tiyakin lang na sapat ang iyong stamina at lakas ng katawan para iwas injury.
16:43Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:48Maraming salamat po sa New York Festival's Film and TV Awards
16:52pa sa parangal sa The Ato Maraulio Specials
16:55at sa iba pang programa ng GMA Integrated News at GMA Public Affairs.
17:00At yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
17:03at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
17:06Ako si Ato Maraulio mula sa GMA Integrated News,
17:09ang News Authority ng Pilipino.
17:12Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
17:15Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended