Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/23/2025
Hindi kailangang magpaalam ng Pilipinas sa China kung pupunta sa Sandy Cay dahil malinaw na bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas. ‘Yan ang iginiit ng PCG, kasunod ng pahayag ng China na Pilipinas ang gumawa ng agresibo at mapanganib na hakbang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi kailangan magpaalam ng Pilipinas sa China kung pupunta sa Sand Decay
00:06dahil malinaw na bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas.
00:10Yan ang iginiit ng PCG, kasunod ng pahayag ng China
00:14na Pilipinas daw ang gumawa ng agresibo at mapanganib na hakbang.
00:20Nakatutok si Jonathan Andal.
00:22Inilabas kanina ng Chinese Embassy ang video na ito
00:29ng versyon ng China Coast Guard sa pambubomba nila ng tubig
00:33sa barko ng BIFAR sa Sand Decay nitong Merkulis.
00:36Sa video, iginiit ng China na ang barko ng BIFAR ang lumapit ng delikado
00:40kaya nila ito binomba ng tubig.
00:43Pero hindi ganyan ang kwento ng BIFAR sa nangyari.
00:45Ang China raw ang gumawa ng agresibo, mapanganib at iligal na aksyon doon.
00:50Buti na lang daw tagumpay nilang nagawa ang misyong makakuha ng sand samples
00:54sa Sand Decays 1, 2, at 3.
00:57May ipinakita rin ang China sa video na pinuntahan nila ang Sand Decay
01:01at itinataas ang kanilang bandila.
01:03Pero hindi malinaw kung noong Merkulis lang din ito o lumang video na.
01:07Halos kapareho lang kasi nito ang kuha noong April 25,
01:10batay sa litratong inilabas noon ng China.
01:13Pero kung National Maritime Council ang tatanungin,
01:15walang bagong pagkataas ng watawat ng China sa Sand Decay.
01:18There was no such thing that happened.
01:22Pero tayo, nag-race tayo ulit ng flag pagdating doon.
01:24Ah, sorry?
01:25Nag-race tayo ng flag yung BIFAR.
01:27We don't need, kasi atin naman yun eh, no?
01:29We have done that before already, so no need to do that thing.
01:33Una sa lahat, no?
01:34Kung ginawa man nila yan, I think that is obviously a violation of the 2002 DOC.
01:40Secondly, there is no proof to that na kung sasabihin na naman nilang
01:45they have cease control o pag-asa case.
01:48Sabi ng China, hindi nagpaalam ang Pilipinas sa pagpunta sa Sand Decay
01:52na 3.5 nautical miles lang ang layo sa pag-asa island.
01:56Bagay na pinalagan ng PC.
01:58They are 100 nautical miles away from that particular location.
02:02Hindi ko alam kung bakit tayo kailangan magpaalam sa kanila.
02:05What we did is a legitimate operation.
02:09Ang pag-asa case falls within the territorial waters ng pag-asa.
02:15Meaning we have sovereignty over these waters.
02:18Kumampi naman sa Pilipinas at kinundina ang China ng iba't ibang bansan
02:22gaya ng Amerika, Taiwan, Japan, New Zealand, Canada, Australia,
02:27the Netherlands, United Kingdom, pati na European Union.
02:30Samantala, tagumpay na nakapag-rore o resupply mission ng AFP
02:34sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong May 16
02:38nang walang agresibong aksyon mula sa China.
02:41Ito na ang ikaw-walong rore sa Ayungin
02:44na hindi hinahanang ng China mula ng magkaroon ng provisional understanding
02:47ang China at Pilipinas.
02:50Sabi ng China, humingi ng permiso sa kanila ang Pilipinas
02:53pero pinabulaanan niya ng Philippine Navy.
02:55We need not seek permission from any foreign power.
03:00Much more from one that has encroached into our EEZ.
03:04Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.

Recommended